Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, December 29, 2009

Erich Gonzales updates

Naging maganda ang 2009 kay Erich Gonzales dahil sa taong ito, ni-launch siya sa full stardom sa pamamagitan ng sarili niyang teleserye sa hapon na Katorse. Napakaganda ng resulta nito dahil tinangkilik ng mga manonood, dahilan para maging No. 1 ito sa rating sa afternoon slot.

Bago ipalabas ang Katorse, maraming hindi magagandang komento na narinig si Erich sa kanyang detractors.

Kinuwestiyon ng mga ito kung bakit siya ang napiling gawing bida sa nasabing afternoon soap.

But with the high ratings na nakukuha ng serye, Erich proved them wrong. Pinatunayan niyang kaya niyang magdala ng programa.

Sa 2010, mas maraming aabangan kay Erich ang kanyang supporters dahil maraming plano sa kanya ang ABS-CBN at isa na rito ay bigyan siya ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema.

Siya at iba pang young stars ang pasisikatin ng network next year.

Sa TV, kasama rin si Erich sa bagong seryeng Tanging Yaman with Melissa Ricks, Matt Evans, Enchong Dee, Ejay Falcon, Agot Isidro, Mylene Dizon, Jodi Santamaria at marami pang iba.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 3:54 AM, Anonymous Anonymous said...

talagang no.1 si erich.

 
At 2:26 AM, Anonymous Anonymous said...

Basta't nasa movie si Erich gonzales tiyak kahit anong movie ay tatangkilin ng mga viewers lalong lalo na ang mga tfc subscribers.nakita na sa USA at ibang parte ng mundo kung gaano siya kagaling.At present siya ang no.1 actress sa acting.Maaring sa Pilipinas may boto pa sa ibang artista pero dito sa abroad si Erich lang ,kaya lalong dumami ang nagpasubscribes ng TFC because of Katorse/Tanging Yaman.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES