Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, December 25, 2009

Gabby Concepcion, happy sa career

Very happy si Gabby Concepcion sa takbo ng kanyang career ngayon lalo pa nga’t alagang-alaga siya ng Kapamilya network. Simula nang duma-ting siya sa Pilipinas at pumirma sa ABS-CBN, sunud-sunod na ang projects niya.

Nakakadalawang teleserye na siya at hindi pa man natatapos ang Dahil May Isang Ikaw, ginagawa na niya ulit ang kasunod, ang Kung Tayo’y Magkakalayo with Kim Chiu, Gerald Anderson and Kris Aquino.

Sa pelikula naman, heto’t pang-filmfest agad ang first movie niya sa Star Cinema na I Love You Goodbye with Angelika Panganiban, Derek Ramsay and Kim kung saan ay napakaganda rin ng story plus the fact na idinirihe pa ni Laurice Guillen.

Ayon nga kay Gabby, ang mga ganitong klaseng proyekto raw ang talagang gustung-gusto niyang gawin.

“The projects na tinatanggap ko ngayon,” say ni Gabby, “if you noticed, kung nasusundan n’yo mga istorya, may mga laman, very meaty siya, maraming tinatakbuhan, hindi siya monotonous, ’di siya predictable at ’yun ang gusto ko ngayon. Naghahanap ako ng may depth.

“’Yun ang maganda sa Star Cinema, ABS-CBN, marami silang istorya na pagpipilian mo. Iba na rin ang style ng paggawa ng pelikula ngayon at teleserye. Madaming twists and turns. Magagaling ang scriptwriter nila. Sinusundan ng magagaling na direktor, the staff and crew behind that,” dagdag pa niya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES