Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, December 02, 2009

Gretchen nanghinayang sa paglipat ni Claudine sa Siyete

FOR the first time ay nagwagi si Gretchen Barretto bilang Best Actress in a Single Performance sa kanyang pagganap sa Maalaala Mo Kaya bilang babaing may asawa pero na-in-love sa isang mayor (played by Phillip Salvador) ng isang maliit na bayan.

Umaapaw ang kaligayahan ni La Greta nu’ng tanggapin niya ang award at talagang feel na feel ang pag-akyat niya sa stage ng Casino Filipino Grand Ballroom.

Maagang dumating si Gretchen sa venue ng pa-bulosang awards night, kasama ang mag-amang sina Tony Boy Cojuangco at Domi-nique.

Lumutang ang kagandahan ni Gretchen sa suot ni-yang all-white outfit.

Kahit hindi naka-gown ang aktres ay sosyal pa rin ang aura.

Halatang kabado si La Greta throughout the awards night before tawagin na ang pangalan niya bilang winner.

Buong-pusong pinasalamatan ni Gretchen ang kanyang mga mahal sa buhay, mga kaibigan at ang manager na si Boy Abunda sa kanyang acceptance speech.

“I would like to share this award to my daughter Dominique and to Tony- my partner, my lover, my true love,” panghuling si-nabi ni La Greta.

Ka-tie ni Gretchen sa kategoryang ito si Sunshine Dizon para sa pagganap ng GMA star sa SRO Presents.

After accepting sa award ay halatang nasa cloud nine pa rin ang glamorosang aktres dahil sa first acting award.

Tinanong namin siya kung okay lang kahit may ka-tie siya?

“I’m so happy, this is my first ever award in acting. Oo naman, it doesn’t matter as long as na-recognize rin ang efforts ko, ‘di ba?”

May gagawing bagong teleserye si Gretchen na sisimulan na sometime in February.

Ayon sa aktres, may ilang changes sa kuwento at sa ilang karakter na kanyang makakasama pero si-niguro niyang na tuloy na tuloy na raw ito.

Ito ang proyektong da-pat ay pagsasamahan nila ng sister na si Claudine Barretto pero mukhang hindi na matutuloy since lumipat na sa GMA-7 si Claudine.

Ano ang masasabi niya sa paglipat ng kapatid sa Si-yete?

“Well, nanghihinayang ako dahil hindi na nga kami magkakasama sa project pero I respect her decision.”

Kuwento pa ni Gretchen, bago siya nagpunta sa Star Awards for TV, nagkita pa sila ni Claudine pero hindi nila pinag-uusapan ang pag-lipat nito sa GMA-7.

Ayaw naman daw kulitin o usisain pa ni Gretchen si Claudine tungkol dito.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES