Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, December 22, 2009

Liezl, nagsalita na kay Kris tungkol sa cancer

Saturday lang ang free day ni Albert Martinez dahil lagare siya sa taping ng May Bukas Pa sa Bacolor, Pampanga, at Kung Tayo’y Magkakalayo sa Zambales.
Pero wala siyang reklamo kahit madalas sa van na siya natutulog to save time.

May konting problema lang si Albert dahil extended up to March 2010 ang May Bukas.. at kung masusunod ang schedule, sa February 22 na ang premiere ng Kung Tayo’y...

Kapag nawala ang karakter ni Albert sa MBP, alam n’yo na ang dahilan.

Kuwento ni Albert, para hindi siya malito sa kanyang karakter, ’pag nagre-report siya sa taping ng Kung Tayo’y…, nag-i-internalize na siyang siya si Capt. Frank, role niya sa bagong soap, kaso ’pag nakita siya ng tao, mayor ang tawag sa kanya na role niya sa MBP.

’Katuwa ang kuwento ni Albert kay Baby James na gumaganap na anak nila ni Kris Aquino at Jackson ang pangalan sunod kay Michael Jackson na favorite nito.

“Isinasama siya ni Kris sa taping at ‘Papa’ na ang tawag sa akin. Ayaw niyang tawagin siya ng Michael o Jack, basta Jackson lang.

“Minsan, ayos Michael Jackson siya kumpleto with gloves. ’Katuwa siya, malaki siya for a two-year-old.”

“Okay na” ang sagot ni Albert nang kumustahin namin ang misis niyang si Liezl na nagkasakit ng cancer.

Kagabi lumabas sa SNN ang one-on-one interview ni Kris kay Liezl at ito na ang nagkuwento sa mga pinagdaanan nang magkasakit.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES