Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, December 15, 2009

'Marami akong pera, malaki ang contract ko sa ABS-CBN' - Kris

Dagdag ang K Everyday Home Collec­tion sa bagong endorsement ni Kris Aquino at isa ito sa pi­na­ka­malaking endorsement ng TV host-actress dahil ang home collection line na exclusive na mabibili sa SM department stores
ang kanyang handog kasama ang ABS-CBN Licensing.

Available ang K Everyday Home Collection sa SM Makati, SM Mall of Asia, SM North ED­SA, at SM Me­gamall. Magiging available ang iba pang merchandise sa January 2010. Spe­cial si Kris dahil dumating sa press launch nila si Mr. Henry Sy at ang anak nitong si Mr. Her­bert Sy.

Samantala, sinagot ni Kris ang mga bagong isyung kanyang kinasasangkutan gaya nang bakit ginusto niyang wala ang picture at name niya sa poster ng Mano Po 6.

“Kung ilalagay pa ang name at picture ko, mag­bibigay pa ’yun ng problema sa billing and hindi papa­yag si Deo (Endrinal and her manager) na maliit ang picture and name ko. Tama si Deo na walang problema kung wala ako sa billing,” sabi ni Kris.

Narito naman ang paliwanag ni Kris sa pagbili niya ng bus, gayung sinabi raw niyang wala siyang pera: “I never said wala akong pera. Hyundai ang bus ko at ang laki ng discount nang pagkakabili ko, tinulungan ako ng best friend ng brother-in-law ko. Ang cost ng bus is half the price kung brand-new Roadtrek ang binili ko na super gusto ko talaga. Paano ko sasabihing wala akong pera, ang laki ng contract ko sa ABS-CBN.”

Tuluy-tuloy pala ang taping ni Kris ng Kung Tayo’y Magkakalayo na kundi Feb. 8 ay Feb. 15 ang airing. May special participation ang anak niyang si baby James sa role ni Jackson na anak din niya. Sa February pa magti-taping ang bagets at lalabas siya sa end ng first season o start ng second season.

“Ang ruling ni James (Yap), from 2 to 8 PM lang magti-taping si baby James. Ayaw ni James na mapupuyat si baby James dahil baka hindi na tumangkad,” pahayag ni Kris.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES