Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, December 22, 2009

Miss You Like Crazy - John Lloyd-Bea reunion movie

After I Love You Goodbye this filmfest, ang pelikula naman nina Gerald Anderson at Kim Chiu ang opening salvo ng Star Cinema for 2010.

May playdate na itong January 27 at may working title na Paano na Kaya?, titulo ng kanta ni Bugoy na gagamiting theme song ng movie.

Nasa kalagitnaan na raw ang shooting mula sa direksyon ni Ruel Bayani, siya ring direktor nina Kim at Gerald sa Tayong Dalawa.

Napanood na ng Star Cinema people ang rushes at ibang-iba raw talaga ito sa mga dating ginawa na nina Kim at Gerald.

For sure, magugustuhan na naman daw ito ng supporters ng dalawa.

After the Kim-Gerald movie, next in line ay ang Valentine’s offering naman ng Star Cinema, ang pagbabalik ng tambalang John Lloyd Cruz-Bea Alonzo sa pelikulang Miss You Like Crazy.

Nagsimula na raw mag-shooting ang movie na may shooting pa sa Malaysia ngayong January.

Nakatakda na ring simulan ang unang pelikula ni Zaijian Jaranilla kasama si Piolo Pascual na may father and son theme.

Baka raw ang leading lady ni PJ dito ay si Carmen Soo.

Naka-schedule na ring simulan ang first movie ever ng mag-amang Gabby and KC Concepcion with Jericho Rosales as the young actress’ leading man.

May naka-line-up ding isa pang family movie si Direk Laurice Guillen na mala-Tanging Yaman at inaayos pa ang mga bida na mostly ay young stars with Lorna Tolentino as one of the major cast members.

Ayon kay Roxy Liquigan ng Star Cinema, tuloy na tuloy pa rin ang movie nina Aga Muhlach at Angel Locsin mula sa direksyon ni Olive Lamasan.

May naka-line-up ding movie si Direk Chito Roño na pagbibidahan naman ni Vhong Navarro.

May movie rin sina Sam Milby at Anne Curtis although hindi pa definite kung kailan ito ipalalabas and ang alam namin, nag-first shooting day na nga ito.

Isa pang balita na tiyak na ikatutuwa ng fans nina Melissa or Melay at Jason ng ongoing Pinoy Big Brother, may naka-line-up na rin palang pelikula ang Star Cinema para sa magka-loveteam.

Baka raw isama ang dalawa sa isang Ai-Ai de las Alas movie.

Isa pang good news, next year ay ilo-launch ng Star Cinema ang young stars ng ABS-CBN tulad nina Erich Gonzalez, Enchong Dee and Rjay Falcon, among others, kaya exciting abangan kung sinu-sino sa kanila ang sisikat nang husto.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES