Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, December 28, 2009

Picture ni ‘Bro,’ pinagpistahan sa Facebook

Pinagkakaguluhan ngayon sa Facebook ang larawan ni “Bro” habang karga-karga si Zaijian Jaranilla, a.k.a. Santino, ng top-rating May Bukas Pa.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nalantad sa amin ang mukha ni “Bro” dahil as we all know, sa May Bukas Pa ay laging likod ang pinakikita at tanging ang napakaganda niyang tinig ang ating naririnig.

Sa tinagal-tagal ng serye, never na inilantad sa media at sa publiko ang real identity ni “Bro,” kung sinong artista siya. Matagal na nga naming tinatanong sa mga staff and even sa ilang cast ng May Bukas Pa kung sino si “Bro” pero ayaw nilang sabihin. In short, talagang inililihim.

Kaya nagtataka kami kung bakit may nakalusot na picture ni Bro sa Facebook habang karga-karga si Zaijian. Naka-costume na pang-Bro ang guy kaya naman hindi mo mapagkakamaliang siya nga ang mysterious back and voice na nakikita’t naririnig natin sa May Bukas Pa. Pati ang hair ay mahaba rin. Hindi naman siguro impostor ang nasa picture na kinopya lang ang costume at buhok ni Bro.

In all fairness, yummy and delicious ang guy. Ipinagtatanong nga namin ang name pero walang nakapagbigay sa amin. Pero may nakapagsabi namang siya si Love Tha-dani, ang Indian model na ex-boyfriend ng ex-PBB housemate na si Chx Alcala.

Pinagpipistahan sa Facebook ngayon ang larawan niya at ni-repost na ng kung sinu-sino. Ang gaganda ng komentong mababasa mo at halos lahat ay nagu-guwapuhan sa kanya.

Kung magtutuluy-tuloy ang pag-aartista ni “Bro” tiyak na madali siyang sisikat lalo pa nga’t may puhunan na siyang nasi-mulan at ito ay ang pagi-ging “Bro” sa May Bukas Pa.

Pero sa totoo lang, lagot ang nagkalat ng picture na ‘yun ni Bro. Kung sabagay, malapit na ring magtapos ang serye kaya siguro inilantad na rin kung sino siya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES