Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, December 14, 2009

Pokwang 'di namalayan na nasa GMA na si Bayani

Sa sobrang kabisihan yata ni Pokwang, wala siyang kamalay-malay na nalagasan ng isang komedyante ng ABS-CBN. And we’re referring to Bayani Agbayani’s homecoming sa GMA 7.

‘‘Ha? Lumipat na si Bayani?’’ Shocked na tanong ni Pok­wang sa taped episode ng Juicy (that airs on TV5). Nabanggit tuloy namin kay Bayani ang reaksiyon ni Pok­wang nu’ng mag-guest ang komed­yante sa Tweetbiz. Sey ni Bayani : ‘‘Big­laan naman kasi ang paglipat ko, eh. Or shall I say, ’yung pagbabalik ko sa GMA.”

Sa muli ngang pagtapak ni Bayani on GMA grounds, it seemed like a journey down memory lane. Nagbalik-alaala ang kanyang mga fledgling years kung saan nagsilbing tahanan na niya ang Broad­way Centrum, itsurang naka-brief lang siya kung abutang natutulog sa isang office doon!

‘‘It’s as if I never left,’’ matalinhagang sabi ni Bayani who’s now back home. At bilang patunay na todo-bigay na ang kanyang pagbabalik-loob, Todo-Bigay din ang prog­­­ramang sasalihan niya come January 2010, hopefully with Mommy Dionisia Pacquiao as co-host.

Sana lang maging aware ang pa­munuan ng GMA that Pacman’s mom is just a novelty : Katutuwaan mo nga­yon, kasasawaan mo bukas.

At dahil kasado na ang laban ni Manny kay Floyd Mayweather Jr. na tinaguriang Fight of the Millen­nium on March 13, that means, masa­saga­saan ang walang puk­nat na pagno-novena ni Mom­my Dioni­sia sa GenSan months before the bout.

At ibig din lang sabihin, dusa ang staff ng Todo-Bigay dahil obligado silang sundan kung nasaan ang madasaling Mommy D. It’s just like seeing your bet at the casino table
burned.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES