Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, December 12, 2009

Rayver Cruz hanggang tingin pa rin kay Sarah

Pinabulaanan ni Rayver Cruz ang balitang may namamagitang relasyon sa kanila ni Jennica Gar­cia bukod sa pagiging magkaibigan.

“Wala kasi kami parehong karelasyon kaya madali kaming i-link sa isa’t isa pero walang katotohanan ito.

“Napaka-bubbly ni Jennica, masayahin, makulit, parang wala kahit konting problema sa buhay, nakakahawa nga yung kasiyahan niya, pati kami sa set ng Shake, Rattle & Roll Xl ay suma­saya. Pero maikli ang panahon for us to develop a more serious relationship. Pag magkasama kami, wala kaming ginagawa kundi ang mag- trabaho lang,” sabi ng young actor na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanapan ng Star Magic ng ka-loveteam.

Nang magka-boyfriend ang dati niyang kapa­rehang si Shaina Magdayao ay nasira ang love­team nila. Kinailangan siyang ipareha sa iba para makakita ng ibang babagay sa kanya.

Okay sana ang tandem nila ni Sarah Geronimo pero masyado nang malaking atista ito. Anumang pagtatangka ng Star Magic na gawin silang isang pareha ay makasisira lamang sa kanya. Katuna­yan, nagkaroon ito ng masamang epekto dahil napag­bintangan siyang nanggagamit lamang, nakiki-ride on sa kasikatan nito.

“Pero hindi ko siya niligawan. Masaya na akong naging kaibigan ko siya. Once in a while tini-text ko siya, wala lang nangungumusta lang.

“Maganda rin yung tandem namin ni Maja Salvador sa May Bukas Pa pero hindi mabigyan ng tsansa na lumago dahil nawala siya when she was launched into stardom, biglang nag-iba ang image niya, ginawang mature. For a while, naiwan na naman ang character ko na nakabitin sa ere. Buti na lang, ibinalik siya sa series.

“Mean­while, sa amin ni Santino muna naka-sentro ang story,” dagdag pa ni Rayver na sa 2010 ay gustong karirin ang pagkanta.

“Although mas comfortable akong sumasayaw, puwede akong mag-switch into singing. Dahil Cruz ako, expected na ng lahat na nakakakanta ako. Oo naman, kumakanta ako pero siguro I need to have more confidence pagdating dito. Wala pa akong kumpiyansa sa sarili ko, siguro dapat ko rin itong bigyan ng panahon para mahasa. Sana rin makakita na ang Star Magic ng bago kong ka-loveteam. Kailangan ko ito para mas makilala pa ako,” pag-amin niya.

Naniniwala din si Rayver na magiging malung­kot ang Pasko nilang mag-anak. Kailan lamang nawala ang kanyang ama, hindi pa sila nakaka-adjust sa pagkawala nito, lalo na ang kanyang ina.

“Malamang sa 25th, araw mismo ng Pasko ay pupunta kami sa cemetery,” sabi niya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES