Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, December 06, 2009

Sarah Geronimo, pinag-aagawan ng 3 presidentiables

Maraming gustong ipagpasalamat si Sarah Geronimo sa pagtatapos ng Year of the Ox.

Matapos kumita nang limpak-limpak ang una niyang pelikulang A Very Special Love noong 2008, this year ay pumatok din nang husto sa takilya ang sequel nitong You Changed My Life at nagtala ng bagong box-office record,

Kung box-office queen siya noong nakaraang taon, malaki rin ang tsansa na makuha niya ulit next year ang trono dahil sa You Changed My Life.

Maging sa concert scene ay napatunayan na si Sarah na may karapatan na siyang tawaging concert queen, dahil for the fourth time, ay napuno niya ang Araneta Coliseum (na hindi nagagawa ng maraming concert artist) sa naka-raang concert niya titled Record Breaker.

Sa international scene naman ay humataw din si Sarah. Nagkaroon siya ng The Next One US Tour at sa mga bansa sa Europe at The Next One Philippine Tour.

At lahat ’yun ay ipinagpapasalamat ni Sarah na suportado siya ng mga fans here and abroad.

Sa music scene, ang daming inilabas na album ni Sarah na lahat na-reach ang pinaka-malaking bilang ng benta.

Ang kanyang Christmas album na Sarah Geronimo's Your Christmas Girl ay no. 1 sa mga local Christmas albums sa kasalukuyan.

“Nagpapasalamat po ako sa lahat-lahat. This year, ang dami ko pong achievements. Yung mga awards ko,” sambit ni Sarah na wala pa sa planong magka-boyfriend.

Siya na rin ang kino-consider na reyna commercials sa rami ng kanyang endorsements.

Sa katunayan, pinag-aagawan siya ng tatlong presidentiables na mag-endorso, pero pinag-iisipan pa ng Viva particular na ni Mr. Vic del Rosario kung papayagan niyang mag-endorso si Sarah ng pulitiko.

“At this point of my career, wala na po akong mahihiling pa. Mas pagbubutihin ko pa po ang aking trabaho para ma-compensate lahat ng tiwalang ibinibigay nila sa akin,” sabi ni Sarah.

Marami nang plano ang Viva para sa singer/actress sa susunod na taon kasama na ang isa na namang pelikula at major concert bago matapos ang 2010.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES