Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, December 29, 2009

Shake, Rattle & Roll XI - Nakakatakot at Nakakagulat

Nagdiriwang ngayon ang Regal Films. Naka-jackpot sila sa Shake, Rattle & Roll XI. Malakas pa rin talaga ang dating sa mga manonood ang horror franchise.

Tama ang desisyon ni Mother Lily Monte­verde na ipagkatiwala sa tatlong bagong direktor, Jessel Monteverde, Don Michael Perez, at Rico Gu­tierrez, ang pelikula dahil tumabo ito ng P16.5 mil­lion sa opening day. Ito na raw ang pinaka­ma­lakas na opening ng SRR movie in history.

Binigyan din ng MTRCB ng GP rating ang pelikula at pinuri ang special effects.

“Sobrang nakakatakot at nakakagulat,” sabi ng isang nakapanood.

“It’s the best SRR movie in recent history,” dagdag ng isa pa na super loyal sa SRR pag­dating ng Pasko.

Bida sa Lamang Lupa ang Kapamilya at Ka­puso stars: Jennica Garcia, Rayver Cruz, Iya Vil­lania, Mart Escudero, Bangs Garcia, at ang kambal na sina Dominic and Felix Roco. Umiikot ang istorya nito sa isang barkada na nag-camping hanggang habulin sila ng mga lamang-lupa.

Sa Diablo naman nagsama sina Maja Sal­va­dor at Mark Anthony Fernandez sa unang pag­kakataon. Kasama si Rico Gutierrez. Mala-Exor­cist ang kuwento ng Diablo episode.

Samantala, marami pa ring
kinilig sa balik-tambalan nina Ruffa Gutierrez at Zoren Legaspi sa Ukay-Ukay episode. Ginampanan nila ang papel ng mag-asawa na gagambalain ng isang “possessed” na wedding gown na nakuha sa ukay-ukay.

Inaasahang madadagdagan pa ang kita ng SRR. Nakakailang araw pa lang ang festival at tiyak na marami pang gustong manood.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES