Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, December 21, 2009

Sharon Cuneta nabastos ni Willie

Nagluluksa si Sharon Cuneta ngayon dahil sa pagkamatay ni Yaya Luring, ang yayang nag-alaga sa kanya mula pa noong 12 years old siya.

Cardiac arrest ang ikinamatay ni Yaya Luring noong December 19, 9:36, habang masayang nakiki-party sa ibang household help nina Sharon at Sen. Kiko Pangilinan sa bahay ng mag-asawa sa Sta. Rosa, Laguna.

Iyak nang iyak si Sharon at niyakap ang yaya na 83 years old na. Second mom na ang turing niya at 40 years niya itong kasama. Sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park ang burol ni Yaya Luring at sa Heritage Park sa Taguig ang libing sa Dec. 23 at lahat sagot ni Sharon.

Dahil sa pagkamatay ni Yaya Luring, kanselado ang guesting ni Sharon kahapon sa SOP at The Buzz at hindi sigurado kung nakadalo si Megastar sa premiere night kagabi ng Mano Po 6 na ginawa sa Cinema 9 & 10 ng SM Megamall.

Incindentally, controversial ang sinabi ni Sharon sa guesting niya sa Showtime last Saturday. Sabi nito: “Masaya ako rito sa Showtime dahil wholesome dito at hindi ako binabastos at ang taas-taas ng rating ninyo.”

Ang tsika, si Willie Revillame ang pinatatamaan ni Sharon dahil feeling nabastos ito nang mag-guest sa Wowowee to promote BBF nila ni Ai-Ai delas Alas dati. Hindi nagustuhan ni Sharon ang sagot ni Willie sa biro niyang hinihiram ang yate ni Willie at dahil du’n, hindi na uli maggi-guest si Sharon sa show ni Willie.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 4:58 PM, Anonymous Anonymous said...

hi Im an avid reader of kristine series, and i've heard lalabas na ang TV version nito starring cristine reyes, sino ang character niya dun? kung siya si emerald pwede kasi mestiza, kapag si jewel,hmmm kelangan nya pang make-upan ng tan para swak siya sa character ni jewel. favorite ko ang kristine series, nabasa ko na lahat yan, so hopefully kaming lahat na avid fan ng pocketbook na to ay hindi ma dissapoint, sana ABS CBN will give justice to the role the ginampanan ng lahat characater, kasi kaabang abang naman talaga at worth buying yung pocketbook, so hopefully worth watching din.kasi kung hindi, sayang lang, at sana wag naman masyadong i twist ng super twist yung mga episodes kasi sa sobrang kababago, nawawala na yung essense.base sa pagkakabasa ko, naming mga reader, talagang nag si sink sa amin yung binasa namin, so sana ganun din kapag pinanood
na. imagine yung dating nasa pocketbook na ini imagine lang namin yung character , setting is nasa TV na, so dapat ganun din. WE, the readers of Kristine Series are expecting so much from abs-cbn.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES