Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, December 06, 2009

Sharon Cuneta pinaiyak ni Mother Lily

Napa-cry talaga si Megastar Sharon Cuneta pagkatapos kunan ang finale scene ng Mano Po 6: My Mother’s Love sa Beijing Film Studios, China dahil ramdam na ramdam nito ang pagbibigay importansiya sa kanya ni Mother Lily Monterverde ng Regal.

Paano ba naman hindi iiyak si Mega, talagang sobrang bongga ang paghahanda na ginawa ng Regal para sa kanyang unang project?

Isipin n’yo, 200 na extras na taga-China ang kasama sa eksena with matching bonggang fireworks, fire­crackers, at lion dance.

“Proud na proud talaga ako sa project na ‘to,” sabi pa ni Sharon. “Masaya ako dahil ang first project ko sa Regal, ganito kalaki at ganito kaganda.”

Sobrang pasasalamat din ni Shawie dahil lahat talaga ginawa nina Mother Lily at anak nitong si Roselle Mon­teverde-Teo upang maging maganda at ka-abang-abang talaga ang Mano Po 6, na sinasabi mismo ni Mother Lily na “pinakama­ganda, pinakabongga, at pinakamalaki na Mano Po sa lahat.”

Halatang-halata naman talaga na hindi tinipid ang produksiyon, na umaabot daw sa P70 milyon ang budget. Obvious na obvious naman ito sa ganda ng pelikula – mula sa make up hanggang sa set hanggang sa props hanggang sa de-kalibreng pag-arte ng mga artista at sa nakakabilib na direksyon ni Joel Lamangan at panulat ni Roy Iglesias.

Sa shoot palang sa China, 80-katao ang pina­lipad ni Mother Lily. Kasa­ma rito ang iba pang mga artista ng pelikula tulad nina Divine Diva Zsa Zsa Pa­dilla, Heart Evange­lista, Ciara Sotto, Dennis Trillo, Nicole Uysiuseng, at John Manalo.

Nag-shooting sa loob ng tatlong araw ang cast and crew sa mga historical at popular tourist sites sa Beijing tulad ng Forbidden City, Temple of Heaven, Bird’s Nest Olympic Sta­dium at Great Wall.

Ang Mano Po 6: My Mo­ther’s Love, official entry ng Regal.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES