Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, December 28, 2009

Sharon Cuneta target maka-grandslam

Awards night mamayang gabi ng Metro Manila Film Festival at bukas, malalaman kung tama ang paniniwala ng mga nakapanood na ng Mano Po 6 na si Sharon Cuneta ang mag-uuwi ng best actress trophy. Kung si Mega nga ang mananalo, siguradong isa sa pinag-alayan niya ng trophy ay ang pumanaw na si Yaya Luring.

Ang husay nga ni Sharon bilang si Melinda Uy at hindi siya bumitaw sa kanyang karakter hanggang matapos. Totoo rin ang nabanggit nitong mas gumaling si Direk Joel Lamangan bilang director sa nabanggit na pelikula.

Sa presscon ni Sharon sa Mano Po, she was asked sa tsansa niyang manalo ng award. Sabi nito, proud na siyang laging nano-nominate, pero gusto niyang manalo at mag-grandslam.

Samantala, maraming sorpresa si Sharon para sa fans niya sa kanyang 44th birthday sa January 6, 2010. Una rito ang airing ng documentary before her birthday na magpapakita ng in-depth interview sa mga taong close sa kanya at tunay na nakakakilala sa kanya.

Susunod ang birthday concert niya sa Jan. 12 sa Araneta Coliseum at sa January din lalabas ang first issue ng Sharon!, ang magasin niya published by ABS-CBN Publishing.

“Next year, I’d like to do more movies at isa roon ang movie with Ate Vi (Vilma Santos). Pinag-usapan na namin ang tungkol doon and I’m excited at bow ako kay Ate Vi dahil kahit ano ang na-achieve ko, there’s only one Vilma Santos,” pahayag ni Sharon.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES