Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Get your own Chat Box! Go Large!

Thursday, April 30, 2009

Kris Aquino naiyak sa sinirang pangako nina Mar at Korina

Kung si Kris Aquino ang masusunod, gusto niyang matuloy ‘yung pagtatambal nila ni Willie Revillame sa isang MMFF movie. Pero kung ang movie nila ay magiging hadlang para hindi makasali ang pelikulang gagawin naman ng friendship niyang si AiAi delas Alas kasama ang dating pangulong Joseph Estrada ay hindi bale na lang daw.

“My mom said na huwag na lang kung magkakaagawan pa kami ni Friendship (tawagan nila ni AiAi). Huwag ko na lang daw agawan pa si Erap dahil napakabuti nito sa kanya. Ever since she got sick he regularly sends her food and fruits. Takot din siya, baka tawagin akong muli ni AiAi ng impaktita,” anang masayang host ng bagong game show ng ABS-CBN, ang Pinoy Bingo Night, na sa malayong studio pa ni Kitchie Benedicto sa Marcos Highway kinukunan dahil malaki ito at may mataas at maluwang na bubong.

Pero kung si Kris ang masusunod, gusto niyang gumawang muli ng pelikula. Mas madadalian siyang gumawa ng movie kesa soap na mas malaking bahagi ng kanyang oras ang kakainin eh hands on siya sa pag-aalaga ng kanyang dalawang anak, lalo na si Baby James na hindi pa gumagaling sa tonsilitis. Kahit may yaya ito ay ayaw niyang pumayag na hindi siya ang kasama, kaya puyat na puyat siya dahil hindi niya iniiwan ito kahit saglit at hindi rin niya tinulugan.

“Habang mataas ang fever niya I stayed by his side, naka-suppository kasi siya and he feels uncomfortable.

“Ang hirap talaga to be a mom. When Baby James celebrated his birthday, we had a small lunch in the house. But my sisters brought cakes for him. Ang dami-dami niyang binlow. They also had food carts for him, ice cream, nacho kaya ang saya-saya niya,” kuwento niya.

Going back to her desire to make movies again, sinabi ng magaling na TV host na inuumpisahan na niya si James.

“I want to act again but I don’t want a guest role. Gusto ko pelikula, gusto ko maging nanay ni Santino (ang batang bida sa top rating series ng ABS-CBN na May Bukas Pa.”

Nang hingin ang reaksiyon niya sa sinabi ni AiAi delas Alas na mas close ito ngayon kay Sharon Cuneta kaysa sa kanya, sinabi niyang: “Siyempre, may movie sila, super cute nga ito. I believe it will be super duper strong.”

Nang tanungin naman siya kung payag siyang gumawa ng movie with the box-office comedy queen, sumagot siyang: “Maybe not a movie but a food series, yung para isang episode sa isang cooking show starring Gwyneth Paltrow, Mario Battali and a Spanish actress to be sponsored by Maggi. Gusto ko kasama rin namin si Juday (Judy Ann Santos), at siguro puwede kaming mag-travel around the country tulad nang ginawa nila sa Spain.”

Speaking of Juday, proud si Tetay na tutuparin nito ang ipinangakong sa kanila ni Boy Abunda ibibigay ang exclusive interview tungkol sa naganap nilang napaka-sikretong kasalan. Bilang sukli sa pagtitiwala ng dalawa, silang dalawa ni Boy ang sasagot sa flower arrangement sa wedding reception nina Juday at Ryan sa Sabado.

Napaiyak naman siya nang sa halip na sa kanya ay sa Wowowee nagpa-interview ang ikakasal na sina Sen. Mar Roxas at Korina Sanchez bagaman at naipangako ng mga ito na sa kanya magpapa-interview.

“Napahiya lang ako kay Boy dahil alam niya ang istorya at ang pangako ng dalawa sa akin. Inalagaan namin ang istorya para sa SNN ng limang linggo. Asang-asa ako dahil kinakapatid ko si Sen. Mar at may history kami ng matagal na pagkakaibigan ni Korina,” may luhang sabi ni Kris.

Tumanggap siya ng anim na pumpon ng bulaklak mula sa mga ikakasal at isang note na nagpapaliwanag tungkol sa mga naganap. Tinawagan din siya ng kanyang kapatid na si Sen. Noynoy Aquino para lamang sabihin na huwag na siyang magtampo at tanggapin na ang paliwanag ng dalawa.

Nangangako siyang gagawin ito bago operahan ang kanilang ina dahil: “Ayaw ko ng may negative vibes sa araw ng operation niya,”sabi niya.

[via]

Labels:


Read more...

Kris Aquino: I felt we were used

SA press visit ng ilang entertainment press kay Kris Aquino sa taping ng Pinoy Bingo Night last Tuesday night, isa sa naitanong sa TV host ay ang kung ano ang naramdaman niya sa panayam nina Sen. Mar Roxas at Korina Sanchez sa Wowowee last Saturday.

Kung regular viewer kasi kayo ng The Buzz at SNN: Showbiz News Ngayon, ilang linggo nang ipinapangako nina Kris at Boy Abunda ang tungkol sa exclusive story ng engagement nina Korina at Sen. Mar.

In fact, sa SNN unang pumutok ang balita about the marriage proposal at pati ’yung engagement ring na ibinigay ng senador kay Korina ay sa naturang show din namin unang nakita.

Maging kami, nagulat nang makita namin ang couple sa Wowowee at doon unang nagbigay ng detalye about the marriage proposal na nangyari.

Ayaw sanang magsalita ni Kris tungkol dito dahil nangako raw siya sa kuyang si Sen. Noynoy Aquino, a close friend to Sen. Mar at ex-BF ni Korina, na hindi siya magsasalita.

Sa umpisa pa lang, napapaiyak na si Kris and the staff had to remind us na may show pa ang host nila at hindi pwedeng mamaga ang mata.

Pero hindi rin napigilan ni Tetay na maglabas ng sama ng loob.

“Partly, kay Boy ako napahiya. Kasi, hindi naman sikreto na si Boy, from the first (Manny) Villar campaign, was there, ’di ba?

“Tapos, pinakiusap ko ito (Mar and Korina story). In your line of work, alam n’yo ’yon, if it’s an exclusive, aalagaan mo. Puwedeng humingi ng concession sa ’yo na pang-alaga, gagawin mo, ’di ba?

“Hiningi ko ito kay Boy. Sabi ko, come election time, you can choose who you want, pero can you do this with me for the next few weeks? Umokey si Boy. Kasi ganu’n kami.”

Ayon kay Kris, ipinangako nina Sen. Mar at Korina ang sit-down interview with them. Pero, biglang nangyari ang trahedya sa asawa ni Ted Failon kaya na-delay ang panayam.

“The sit-down was supposed to be una sa Buzz or sa Rated K, hindi pa sure, pinagdedebatehan pa. And then, may series na prinamis sa akin. Na ako, sinabi ko kay Boy, let’s protect this exclusive. And let’s give them the concession, ’di ba?

“And then, nangyari ’yung sa Wowowee. Alam ko, hindi nila kasalanan, hindi nila ginusto. Pero napahiya talaga ako. Kasi, ako ’yung nakiusap.”

Naiintindihan naman daw niya ang sitwasyon at nakukuha niya nang buong-buo. Ang explanation nina Korina and Mar, hindi nila kontrolado ang sitwasyon sa Wowowee.

“The night before, they (Korina and Mar) were texting me na may Wowowee and because nga, it’s free-wheeling, hindi mo alam kung ano ang mangyayari. And if it’s okay daw. Alangan namang sabihin ko, don’t. Eh, ’di si Willie (Revillame) pa ang nagalit sa akin, eh, okay naman kami ni Willie, wala kaming problema.

“Ang point lang is, alam na nila, Wednesday kasi, hinihingan ako ng VTR for them para sa Wowowee, we could have preempted our entire Friday for them, para lang ’yung sit-down was ours. Sana, hinati. Eh, wala, eh.

“’Yung sa amin lang talaga, limang linggo ’yon na inaalagaan mo. Nu’ng sinabing hold muna because of what happened to Ted, nag-hold ka. On my end lang, everything, tinupad namin. Naiyak lang ako kasi parang ako ’yung naiipit.”

Pinanood din daw niya ang buong Wowowee episode na ’yon just to be sure kung ano ba talaga ang nangyari.

“Kasi umabot pa ito sa punto na pati sina Mr. M (Johnny Manahan) and Mariolle (of Star Magic), nag-e-explain. Sabi ko, wala. It was the sit-down interview.

“Kasi, sa akin prinamis, eh. And then I said it. I was honest enough to say na I felt we were used, and then, discarded.”

Bilang paghingi ng paumanhin, last Monday ay nagpadala raw ng six arrangements of flowers sa kanya sina Sen. Mar and Korina at nagpadala pa ng heartfelt letter.

Ayon kay Kris, na-touch siya sa effort ng dalawa.

Pero hindi pa siya nagre-reply at panay ang advice sa kanya ni Noynoy na mag-reply na’t okay na raw ’yon. Pero maaayos naman daw nila siguro ito bukod sa one of her closest friends si Korina, kinakapatid niya si Sen. Mar at parang pamilya na talaga ang turingan nila ng Aranetas way, way back.

Pero dahil sa nangyari, nagdesisyon daw si Boy na huwag muna nilang i-touch ang Mar-Korina story at pag-isipan muna nilang mabuti.

“Honestly, it’s the kahihiyan kay Boy. ’Yun ’yung totoo talaga. Nahiya ako na akala ko made-deliver ko for him, hindi ko na-deliver. So, napahiya lang ako. And ’yung situation is, ayokong mag-away kami ni Boy,” pagtatapos ni Kris.

[via]

Labels:


Read more...

Wednesday, April 29, 2009

Sharon Cuneta gustong maging multo

Masaya ang presscon ng Best Friends Forever dahil tawanan nang tawanan sina Sharon Cuneta at AiAi delas Alas habang ikinukuwento ang mga naganap sa shooting. Join din sa pagkukuwento si Direk Wenn Deramas.

Nadiskubre ni Sharon na marami silang similarities ni AiAi at tiyak siyang kahit maipalabas na ang pelikula sa May 13, patuloy ang komunikasyon nila. Totoong tao at hindi raw plastic ang co-star, simple at mahal na mahal ang mga anak.

“Magaling na ka-eksena si AiAi dahil ‘di nang-aagaw ng eksena. Feeling ko, saling-pusa lang ako rito. Iiyakan ko ang last shooting day nito. This movie is a blessing because of AiAi and Direk Wenn, teachers ko sila at sana may contribution din ako,” wika ni Sharon.

Nami-miss ni Sharon ang drama, pero nag-enjoy siya sa comedy at type din niyang gumawa ng horror at siya ang multo. Pero ang next project niya’y love story at magpapapayat siya.

“Sabi ni direk, nakakatawa ako rito, ngayon lang ako mapapanood na heavy duty at nagko-comedy. I made fun of myself and I allow them to make fun of me, pero magpapapayat na ako because of my next movie. I want to look best this year. I want to be best looking, feel good and healthier as well. I want to do the love story this year,” wika ni Sharon.

[via]

Labels:


Read more...

Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo wedding, a secret affair in Batangas

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo said their I dos before Father Tito Caluag in an out-of-town church wedding (Batangas) at 7 a.m. yesterday. It was witnessed by close relatives from the family of both sides, Megastar Sharon Cuneta and Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Regine Velasquez and Ogie Alcasid, Suzie and Paolo Abrera who were members of the entourage.

The march started with Sharon, then Juday's daughter Yohan, then Juday. On the other line were Juday's mom, Carol, Ryan's mom, and Juday's sister, Jackie. On the other side were Ryan's dad, Juday's dad, Ryan's brother, Dondee and Juday's brother, Jefrrey.

Regine Velasquez, Ogie Alcasid and Agot Isidro sang at the wedding.

There was a buzz at the presscon for Star Cinema’s Best Friends Forever when Sharon (who stars in the movie with Ai Ai de las Alas) at the Dolphy Theater on ABS-CBN compound rushed to leave when she has not yet been thoroughly interviewed by her friends from the press.

She reasoned out that she had to oversee some preparations for a party at their Wack Wack house that evening.

It was learned that the entourage holed up in the church the night before the wedding.

Two days earlier, Judy Ann’s manager Alfie Lorenzo said he was not attending the wedding as he himself had not been invited. He said he was leaving for the US first week of May and there was no way he could attend it, as it was earlier announced (or leaked) that the wedding will take place on May 2.

Meanwhile, here are the other details of the wedding:

After the church wedding (it is said that Juday's parents were also wed in the same church), the entourage proceeded to Tamarindo Resort (also in San Juan, Batangas for the reception).

The couple had planned to go on a Mexican honeymoon, but due to their respective commitments (and perhaps, the swine flu scare that's sweeping Mexico and the US right now), Juday and Ryan will spend it here instead, at their new home.

[via]

Labels: ,


Read more...

Mariel Rodriguez gets even with Zanjoe

MARIEL Rodriguez does a controversial scene with Rafael Rosell in “Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers.” It shows her sleeping with Rafael in a sexy Hot Pink lingerie, with her hand placed on the top of the crotch of his boxer shorts. “Yun ang gusto ng director naming si Cathy Molina, e,” she says, sounding defensive.

“Kasi eksena ‘yun mismo from the novel on which we based the story, ‘My Golly, Wow Betsy’ by Rose Tan,” says the director. “Nahirapan nga kaming i-adapt ‘yun kasi may pagka-sexy, e hapon ang timeslot namin.”

“When we first shot it, sabi ko kay direk, naku, parang mini-porn itong ginagawa namin, huh. But if you’d see the show, there’s a valid reason why my hand is on top of his shorts,” says Mariel. “It’s a funny reason, hindi naman malaswa o bulgar. Kayo lang ang naglalagay ng malisya.”

It’s her first time to work with Rafael and for a while, she was afraid they might have no chemistry. “But when we saw na the scenes we shot together, everyone agreed na maganda naman pala ang chemistry namin,” she says. And we agree.

So how’s it working with Rafael? “Masaya. Bonggang-bongga ang taping namin. We both trusted si Direk Cathy. When I accepted the project, alam ko we’ll have kissing scenes, romantic scenes.”

What does her boyfriend Zanjoe Marudo say about this? “Wala. E, siya rin naman, may kissing scenes with Anne Curtis noon sa ‘Dyosa’ and now, sa ‘The Wedding’, so pantay na kami. He knows trabaho lang naman ito at pangarap ko talagang maging dramatic actress so hindi siya nakikialam sa acting jobs ko.”

Her tandem with Rafael is just one of the eight love teams featured in “Bud Brothers.” The others are Cristine Reyes-Jake Cuenca, Wendy Valdez-Joem Bascon, John Prats-Denise Laurel, Ahron Villena-Maricar Reyes, Manny Chua-Janna Dominguez, Roxanne Guinoo-Guji Lorenzana. Did they all get along fine in the taping?

“Oh yes, masaya kaming lahat. Walang naging problema. This is a very romantic show that viewers will enjoy.”

[via]

Labels:


Read more...

Tuesday, April 28, 2009

Pops Fernandez at Eastwood Mall

Eastwood Mall recently presented Pops Live at the Eastwood Mall Open Park. Pops Fernandez (photo) performed cuts from her latest album, Hope. The album is a collection of covers, including her own 1983 hit, Little Star.

The concert was part of the OPM power series held starting last month. The Eastwood Mall series has so far presented two of the country’s top singers: Regine Velasquez and Jed Madela.

Kevin Tan, head of Megaworld Corporation’s commercial division was happy to have Pops grace the mall’s series of concerts. Eastwood City wants to bring world-class Filipino talents closer to everyone.

[via]

Labels:


Read more...

Sharon Cuneta naka-two-piece sa movie?

Kapansin-pansin ang malaking ipinayat ni Sharon Cuneta nang dumalo siya sa first grand presscon ng BFF (Best Friends Forever) sa Studio 1 ng ABS-CBN kahapon.

Ayon sa Megastar, talaga raw kinakarir niya ngayon ang pagpapapayat at ito talaga ang ultimate goal niya this year.

“Nagmamadali talaga ako na maabot ’yung goal ko na weight kasi, may concert tour ako this year sa U.S., and uumpisahan ko na agad ’yung love story, so, talagang I want to look the best that I could be, I want to be really healthy this year.

“So, siguro, pagdating ko from U.S., baka mag-start din akong mag-work-out kahit treadmill lang,” say ni Megastar.

Ipinagmamalaki rin ni Sharon na walang halong tulong ng doktor ang kanyang pagpapapayat. Sa ngayon ay talagang hard diet lang talaga.

“Gusto ko, pag-uwi ko from my concert, ma-surprise naman kayo,” she said.

Aminado rin si Sharon na sobrang nag-enjoy siya habang ginagawa ang BFF with Ai-Ai de las Alas and Direk Wenn Deramas, na first time niyang nakatrabaho.

Ni-reveal ni Direk Wenn na makikita for the first time sa pelikula ang picture ni Shawie na naka-two-piece, na never pang lumabas kahit saan.

Ang picture raw na ’yon ay nakita ni Direk Wenn na screensaver ng megastar sa laptop nito.

Kuha raw ’yon nu’ng time na payat pa si Shawie at wala itong halong kahit ano’ng retoke sa photoshop.

“Never pang nag-bathing suit si Sharon sa pelikula, ’di ba? Pero dito, makikita n’yo, in two piece pa, full screen,” sabi pa ng director.

Ayon naman kay Shawie, ang asawa pa raw niyang si Sen. Kiko Pangilinan ang kumuha ng picture na ’yon at right after, nabuntis siya kay Frankie.

Samantala, naitanong din kina Ai-Ai at Sharon kung ano ang mga ugali ng isa’t isa na nadiskubre nila habang ginagawa ang BFF.

Kuwento ng Comedy Concert Queen, mahilig daw palang magbasa ng libro si Mega.

“Ang dami-rami niyang libro, grabe. Tapos, mahilig din siyang manood ng DVD, mga pelikula. Tapos, mahilig siyang tumawa, sobrang bungisngis niya at makuwento rin siya. At saka, good-hearted siya talaga, mabait na mabait ang puso niya,” say ni Ai-Ai.

Ayon naman kay Shawie, si Ai-Ai, laging pagod, laging natutulog, pero ’pag kailangan na raw ito sa eksena, agad namang nakakaarte.

Pero ang talagang ikinahanga niya kay Ai-Ai ay nang dumalaw ang mga anak nito sa shooting at nakita niya ang labis na pagmamahal nito sa mga bata at ang respeto ng mga ito sa ina.

BFF din ang tawag sa isa’t isa nina Sharon at Ai-Ai.

The movie is showing on May 13 at may premiere night ito sa SM Megamall on May 12.

[via]

Labels:


Read more...

Sam Milby nagulat sa kissing scene nila ni Angel

KADARATING lang ni Sam Milby mula Amerika kung saan nagkaroon ng concert ang Heart Throbs doon kasama si Pokwang.

Hindi nakadalo si Sam sa presscon ng Only You kaya nang may chance na makausap namin siya sa ASAP ’09 nitong Linggo, agad namin siyang kinumusta.

“Successful ang concert namin doon, lalo na sa New Jersey at sa Illinois, ang daming Pinoy talaga,” say ni Sam.

Nabalitaan din namin na sa lahat ng performers sa Heart Throbs ay siya ang pinagkaguluhan.

Ayon pa sa balita, si Sam kasi ang may magandang PR sa lahat.

Any comment on that, Sam?

“Ah, yeah! Kasi, whenever people approach me naman for pa-picture or autograph signing, I give it to them. Kaya si-guro sinasabi nilang ganoon ako,” dagdag pang sabi ni Sam, na napag-alaman pa naming Little Boy pala ang tawag sa kanya ng ilan niyang kasamahan.

Playful, malambing at makulit daw kasi si Sam lalo na ‘pag kumportable na raw siya sa isang tao, kaya he’d joke around them ‘pag friends na niya.

Excited din si Sam sa Only You.

Aniya, ito ang una ni-yang project na hindi heavy drama.

Sabi pa ni Sam, gusto rin ng direktor nilang si Rory Quintos that he’d veer away muna from his heavy drama character.

Very timely naman ang Only You, magaan at kilig ang dating ng istorya nila ni Angel.

Tinanong din namin si Sam kung totoo bang nagkaroon ng ilang factors sa pagitan nila ni Angel nu’ng ginagawa nila ang eksenang kissing scene sa shooting nila sa South Korea.

Napangiti si Sam at sinabing hindi siya nailang kay Angel.

“It’s just that, unang araw pa lang ‘yun ng taping namin at ‘yun na agad ang kinunang scene. So, parang naka-gugulat lang.”

Second time na raw niyang nakatrabaho si Angel, pero ito ang unang seryeng pagsasamahan nila.

Samantala, tinanong naman namin si Sam kung kumusta ang puso niya ngayon.

Prangkang sinabi nito na wala pa ring kapalit si Anne Curtis sa buhay niya.

He’s not even dating anyone at the moment. ini-enjoy muna raw niya ang pagiging single.

It’s not that takot daw siyang magmahal muli, kaya lang ayaw lang muna niya na ma-ki-pagrelasyon.

Hindi kaya ayaw lang muna niyang palitan si Anne sa kanyang puso?

Hindi man daw sila in constant touch ni Anne dahil pareho silang busy.

Nagkukumustahan naman daw sila ‘pag sila’y nagkikita.

[via]

Labels:


Read more...

Monday, April 27, 2009

Pagtulong ni Angel Locsin, iniintriga

Natawa na lang si Angel Locsin nang matanong sa kanya kung may balak ba siyang pumasok sa pulitika dahil sa patuloy na pagtulong na ginagawa niya sa kapwa.

“Ay hindi po, huwag po tayong magkamali diyan,” maagap at nakatawang sagot ni Angel. “Gusto ko lang po talagang tumulong. At bilang isang babae, pakiramdam ko, obligasyon natin talaga na tumulong sa kapwa babae. “Dahil babae nga tayo, andiyan ’yung magkakaanak tayo, ganyan. So, andiyan ’yung mga kabataan. At karamihan din naman ng mga followers ko, mga kabataan. Pero wala ho itong churva sa pulitika. Tulong lang po talaga. Wala po akong nakukuhang kapalit, sa totoo lang. Tulong lang po talaga.”

Matatandaan kasing nang manalo si Angel ng P1M sa Pinoy Bingo Night ay ipinamahagi niya lahat sa audience at mga kaibigan sa loob ng studio ang napanalunan at wala siya talagang itinira for herself.

Nang nakaraan naman niyang kaarawan, namigay si Angel ng apat na scholarship plan sa mga kababaihan niyang supporters. Bukod pa dito ang aktibo niyang pagsasagawa ng charitable act sa iba’t ibang lugar at okasyon.

Pero aniya ay huwag na raw itong bigyan ng ibang kulay dahil walang-wala sa isip niya ang politics.

Samantala, excited na si Angel sa pagsisimula ng bago niyang teleserye ngayong gabing ito, ang Only You with Sam Milby and Diether Ocampo mula sa direksyon ni Rory Quintos.

Must see ang pilot week dahil dito mapapanood ang mga magagandang eksena sa Korea partikular ang Nami Island na isa sa pinakamagagandang lugar sa nasabing bansa.

[via]

Labels:


Read more...

Gov. Vilma Santos feeling at home in Big Apple

It’s as if Batangas Gov. Vilma Santos has never left home. While in the New York tri-state area (New York, New Jersey and Connecticut) shooting the Star Cinema movie In My Life, Vilma is with husband, former Senator and now NEDA head Ralph Recto, and children Ryan Christian and Luis Manzano who is also in the cast of the movie directed by Olive Lamasan. Luis plays Vilma’s son having a discreet affair with another man (played by John Lloyd Cruz). Vilma’s character will face a lot of problems after a tragedy happens. Also in the entourage is Vilma’s Girl Friday/accountant Aida Fandialan.

Vilma feels right at home in New York where she has many friends and loyal Vilmanians led by Alan Trambulo who works as assistant manager of the Radisson Hotel located in Manhattan.

“She won’t feel homesick here,” Alan texted Funfare.

Slated for a September release, In My Life is Vilma’s first movie after Regal Films’ Mano Po 3: My Love in 2004 and also her first with Luis and John Lloyd. Asked in an earlier interview if Luis and John Lloyd would have a kissing scene, Vilma said in jest that she would “save” Luis and do the scene herself with John Lloyd. The movie also stars Rafael Rosell, Vice Ganda, Nikki Valdez (based in Canada with her husband) and Tirso Cruz III (who replaced Edu Manzano as Vilma’s husband, a “guest” role).

Shooting in the tri-state will take only three weeks, that’s why the entourage is doing things almost non-stop. Last week in Connecticut, it rained but the shoot at a clothing shop went on. So far, they have shot scenes at the Newark Liberty International Airport in Newark, New Jersey; and at the Statue of Liberty on Liberty Island, New York.

“Ryan Christian is also a hit with the Pinoy fans here,” reported Funfare’s Big Apple correspondent Edmund Silvestre (of The Filipino Reporter). “Mukha daw ‘chickboy’ ang bata, like his dad. And he is matinee-idol material daw.”

[via]

Labels:


Read more...

Sunday, April 26, 2009

Your Song Presents Underage, final episode

Ngayong Sunday na ang final episode ng Your Song Presents Underage at sa pagtatapos ng kuwento, malalaman na ni Corazon (Lauren Young) ang katotohanan tungkol kay Gary (Aj Perez). Tatangkain naman ni Dong (William Lorenzo) na gahasain si Cecilia (Empress Schuck).

Sa kabilang dako, babalewalain lang ni Celina (Melissa Ricks) ang effort ni Migs (Matt Evans) na muli siyang mapa-ibig.

Abangan ang kahihinatnan ng mga eksenang ito this Sunday pagkatapos ng ASAP ’09.

Samantala, kahit last episode na ng Underage ay hindi naman malu-lungkot ang mga fans nina Matt at Melissa dahil may bago na namang serye ang idolo nila, ang Kam-bal sa Uma na nagsimula na last Monday na in fairness, balitang maganda rin ang ratings.

Si Lauren naman ay balitang kasama sa susu-nod na Your Song episode na Boystown.

Si Empress, wala pa kaming alam na next project niya pero mapapa-nood naman siya sa pelikulang BFF (Best Friends Forever) nina Sharon Cuneta at Ai-ai delas Alas na ipalalabas na sa May 13.

[via]

Labels:


Read more...

BB Gandanghari di pinapasok sa bar

Nag-emote si BB Gandanghari sa kanyang Internet blogspot dahil ipinagbawal daw ng manage­ment ng Aruba Bar & Restaurant sa Metrowalk na makapasok siya.

Ipinagbabawal daw kasi ng management ang mga cross-dresser sa loob ng kanilang bar at nangyari na ito noon kay Inday Garutay.

Nag-e-emote si BB dahil babaeng-babae ang kanyang pakiramdam at tingin sa sarili kaya hindi makatarungan na hindi siya papasukin sa Aruba Bar. Hindi raw niya tuloy napanood ang show ng kanyang friend na si Rannie Raymundo.

Ang alam ko, walang nangyari noon sa reklamo ni Inday laban sa Aruba Bar. Kusang namatay ang isyu pero nabuhay uli ito dahil sa nangyari kay BB.

Imbes na mag-emote at maimbyerna si BB, mas makabubuti na dedmahin niya ang nangyari. Igalang na lang ni BB ang rules ng Aruba. After all, marami pang bar sa Metro Manila. Hindi ang Aruba ang nagsosolong bar, ‘di ba?

* * *

Sinubukan ng Startalk staff na kunin ang panig ni BB tungkol sa pagka­imbyerna niya sa Aruba Bar & Restaurant.

May nag-try din na kunin ang side ng Aruba management pero walang sumasagot sa telepono nila. Maaga pa kasi ng tumawag ang mga reporter sa office ng Aruba pero hindi raw sila titigil hangga’t hindi nakukuha ang panig ng management.

[via]

Labels:


Read more...

Derek Ramsay, kakompetensiya ni Piolo

Si Derek Ramsay na nga yata ang pinaka-busy among the actors of his generation sa bakuran ng ABS-CBN at Star Cinema.

Si Derek ang isa sa dalawang leading men ni Kristine Hermosa sa bagong once-a-week afternoon TV series nitong Nasaan si Maruja? kung saan din kasama si John Estrada.

Nasa cast din siya ng isang movie na tinatampukan din ng kanyang nobyang si Angelica Panganiban at Gabby Concepcion, ang Broken Hearts (tentative title) na pinamamahalaan ni Laurice Guillen at kasama rin siya sa bagong TV series ni Anne Curtis, ang The Wedding ganoon din sa isang TV series na pinagtatambalan naman nila Judy Ann Santos, ang Habang May Buhay. Meron din silang episode ni Toni Gonzaga sa Precious Hearts.

Ang pagiging super busy ni Derek ang dahilan kung bakit madalas niyang sabihin sa mga interviews na wala pa siyang balak lumagay sa tahimik o ’di kaya’y magpakasal dahil wala pa umano siyang oras na maibibigay sa kanyang pamilya kung saka-sakali. Kahit ngayon nga ay hindi na sila halos makapag-bonding ng kanyang pamilya — ang kanyang parents at kanyang mga kapatid.

Dalawa sa kapatid ni Derek na babae ay may asawa na at tatlo na lamang silang walang asawa (ang isa pa niyang kapatid na babae, siya at ang bunso nilang kapatid na lalaki).

Sa ngayon, ini-enjoy na muna ni Derek ang kanilang relasyon ng kanyang GF na si Angelica na ka­hit pareho silang busy, nakakagawa pa rin sila ng paraan na magkasama lalo na ngayong may ginagawa silang movie under Star Cinema.

A couple of years ago, hindi sinasadyang nagka­sabay kami sa isang eroplano patungong Singapore. Sa airport ng Singapore, sandali kaming nagkausap at wala kaming kaalam-alam na muli kaming magkikita dahil sa iisang hotel pala kami naka-billet. Ang buong akala namin ay makaka-scoop kami dahil bukod sa guys na kasama ni Derek, meron ding isang girl. Yun pala ay kasama niya ang mga ito sa isang team na sumali sa isang sports competition (na nakalimutan ko na kung ano) na ginanap sa Singapore.

Unknown to many, bukod sa kanyang acting job, si Derek ay isang athletic person at aktibo ito sa iba’t ibang sports na kanyang kinakahiligan at makikita naman ito sa kanyang pangangatawan.

Kung maraming babae at bading ang nagnanasa kay Piolo Pascual, hindi rin nagpapahuli si Derek na siyang pinakabagong ‘pantasya ng bayan’. Siyempre pa, marami ang naiinggit kay Angelica dahil siya ang ‘nagma-may-ari’ kay Derek ngayon.

Si Derek ay iilan sa ating mga artista na marunong makisama, marespeto at higit sa lahat, propesyonal sa kanyang pinasok na trabaho kaya naman hindi siya nawawalan ng trabaho at tuluy-tuloy ang dating sa kanya ng mga blessings.

Speaking of Derek, nakapagpatayo na ito ng sarili niyang bahay, isang three-bedroom house somewhere in Sucat. Paghahanda na nga kaya ito ni Derek sa kanyang paglagay sa tahimik kung saka-sakali?

Matanong nga si Angelica.

[via]

Labels:


Read more...

Sharon at AiAi may showdown sa ASAP

Ang inyong ultimate Sunday Party, ASAP ’09, ay patitikimin kayo ng mga upcoming projects at shows ng ABS-CBN ngayong Linggo.

Kapit na sa inyong mga upuan dahil ang Megastar na si Sharon Cuneta at si Ai Ai delas Alas ay hahandugan kayo ng isang bonggang production number na siguradong magpapa-excite sa mga nag-aabang ng kanilang nalalapit na pelikulang pinamagatang BFF ( Best Friends Forever).

Pasasayahin naman kayo ng dalawa sa cast ng Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan ka Maruja na sina Kristine Hermosa at Derek Ramsay sa pamamagitan ng isang masayang awit.

Siguradong matutulala naman kayo sa ganda ni Angel Locsin lalo na’t kakantahan pa niya ang audience kasama ang kanyang mga leading men sa upcoming series na Only You na sina Sam Milby at Diether Ocampo.

Humanda dahil magsasama sa isang stage si Anne Curtis ar Zanjoe Marudo para sa isang ‘Kilig’ performance na ikatutuwa ng mga manonood. Ang dalawa ay magsasama muli sa isang series na pinamagatang The Wedding.

Para sa karagdagang updates, mag-log on lang sa www.abs-cbn.com.

[via]

Labels:


Read more...

Sen. Manuel Roxas, Korina Sanchez on Wowowee

Amid loud cheers and applause, Sen. Manuel Roxas II and ABS-CBN news anchor Korina Sanchez confirmed their engagement yesterday in the popular noontime television show “Wowowee” but the actual wedding date remained under wraps.

The festive mood was punctuated a few times when the senator shed tears while he and Sanchez were being interviewed by host Willie Revillame.

It was the first time for the couple, who have been together for five years, to talk about their wedding plans, confirming an earlier report by STAR Entertainment Editor Ricky Lo.

In a telephone interview with The STAR after the show, Roxas said he actually proposed last Feb. 14 in a resort in Cebu while he and Sanchez were on vacation.

He said he shed “tears of joy” as he recalled how happy he was when Sanchez said yes when he asked her to spend the rest of her life with him.

Roxas said the announcement was unplanned but then he had no choice because the “ring” on Sanchez’s finger bared it all and that Revillame already put him on the spot.

“Nandun na kasi. Napaluha lang ako sa tuwa. Pero nagulat din ako, na-shock,” Roxas said.

Roxas disclosed he asked permission from Sanchez if he could reveal specific details of his proposal and got the green light.

Sanchez was a guest co-host at Wowowee, particularly for the segment “Willie of Fortune,” and while Revillame was singing a song for her, Roxas came out and then the couple was interviewed.

During the show, Roxas said he thought he would remain a bachelor forever but found Sanchez. Roxas, who will be 52 years old on May 13, has a son with a former girlfriend.

“Siya ang nagpatigil sa pagbibinata ko,” Roxas said, to the thrill of the audience. He said there were many others who were courting Sanchez and he had to fall in line.

Asked why she chose Roxas, Sanchez told Revillame that of all the men she’s known only the senator was true: “Kasi sa lahat ng nakilala ko ring lalaki, siya yung totoo.” At this point, Roxas suddenly cried as he said “thank you” to Sanchez, adding he was “touched” by her answer.

When the couple was given the chance to give a message to each other, Sanchez joked: “Honey, will you marry me?’

“Gusto ko lang sabihin kay Mar na kahapon, ngayon at bukas, iyong iyo ako,” Sanchez said, pledging love unbounded by time.

Roxas, for his part, said since they have been together for quite some time, he assured Korina his heart and mind were set on having her as his life’s partner.

Roxas said they would not keep the wedding itself a secret because they would want to share their happiness.

Revillame also asked the couple to declare once and for all if they had been engaged because there has been a lot of speculation as regards the wedding but no actual confirmation.

The misty-eyed senator narrated that the moment came at a seaside resort at night while they were holding hands, and that he confessed to Sanchez that “Honey, I want to formally ask for your hand.”

For her part, Sanchez said the proposal came as a surprise. But that if Roxas would wind up an old bachelor it was also likely she would become an old maid, so she never imagined he would actually propose to her.

Sanchez assured Roxas that if he asked her yesterday, today or tomorrow, the answer would always be yes.

Revillame shouted “mabuhay” and confetti dropped on the two as the traditional wedding song played.

Roxas donated 10 pedicab units as prizes for the show and when asked what he was planning to do for the country as president and his reaction to criticisms that Sanchez would be the one to run the country for being a toughie, he remarked that as much as he loves Korina and would not replace her with anyone, he alone would make the decisions for the country that would benefit the greater good, not least the common folk.

Sanchez is ABS-CBN’s chief correspondent, news anchor and host of a show every Sunday evening that features positive and light stories.

She also has a program on radio station dzMM.

Revillame said aside from their love life, he wanted to talk to presidential hopefuls in his show so he and the people watching him could choose well in the 2010 elections.

Roxas is the known presidential candidate of the Liberal Party and his wedding is said to be one of the boosters to his campaign.

But everytime he would be asked if he would ever tie the knot, Roxas had been stressing that he would get married “not for anything but love.”

He also said money would not be an issue because “I don’t have much anyway,” despite being a scion of the Araneta and Roxas families.

Roxas admitted he was in a daze and could not figure out what he should say although he promised to announce the wedding date as soon as it was finalized.

The senator, who recently survived a brush with death in a helicopter accident, was to announce the engagement on April 20 but deferred it due to the tragedy that befell Ted Failon, a close colleague of his fiancée.

Roxas announced to the tightly knit Araneta-Roxas clan during the Easter Sunday dinner last April 12 at the Araneta ancestral home in Cubao that, “I proposed to Korina and she has accepted.”

Judy Araneta Roxas, the senator’s mother and a big influence in his life, “was very happy,” Mar’s cousin, Veana Fores, who was present during the announcement, said.

In an earlier interview with The STAR, Roxas, who has never been married, said he is looking forward to having more children.

“I hope so. I love kids. I’m best friends with, aside from my son (Paolo Gerardo, 15), my nephews and nieces,” he said.

Of Sanchez, the future mother of the kids he hopes to have, Roxas said, “We’re in a very good place. We respect each other. We give each other a lot of room. We argue and discuss and when we fight we fight like hell and then it’s finished.”

“We’re very passionate about what we like, what we don’t like and what we believe in. It makes for very spirited discussion and debates but at the end… we’re… you know… I got her back and she has mine.”

Sanchez is said to be in talks with designer Pepito Albert for her wedding gown and will take a leave from her work at ABS-CBN starting next month.

MS. Korina S. & Sen. Mar Roxas at WOWOWIE video

[via]

Labels: ,


Read more...

Saturday, April 25, 2009

Angel Locsin, namudmod ng scholarship plan

Sa piling ng mga kababaihang supporter ipinagdiwang ni Angel Locsin ang 24th birthday last Thursday, April 23.

Nagkaroon siya ng small gathering sa Balay Kalinaw sa UP bandang alas-tres ng hapon, na tumagal hanggang mga 7 p.m.

Punumpuno ang Balay Kalinaw ng female supporters ni Angel, sa pangunguna ng Gabriela, kung saan ay miyembro rin ang young actress.

Naroon din ang kababaihang members ng kanyang iba’t ibang fans club.

Binansagang “Angel for Women” ang nasabing affair at doon ay namahagi ang young actress ng apat na scholarship mula sa ABE International Business College, isa sa kanyang bagong endorsements.

Ang apat na recipients ng scholarship (three from Gabriela at isa naman mula sa fans club niya) ay makakapag-aral nang libre sa AMA Computer School.

Ayon kay Angel, alam niya ang kahalagahan ng edukasyon para sa mga kababaihan kaya hiniling niya sa ABE na bigyan siya ng scholarship para ipamahagi sa kanyang supporters.

Dito man lang daw, maibalik niya ang walang sawang pagsuporta na ibinibigay ng mga ito sa kanya.

Nang nagdaaang gabi naman, biniyan siya ng asalto sa taping ng Only You.

Siyempre, present ang cast ng Only You, sa pangunguna ng dalawang leading men niyang sina Sam Milby at Diether Ocampo.

Of course, narooon din ang boyfriend niyang si Luis Manzano, na tinapos lang ang asalto at lumipad na patungong New York Huwebes ng tanghali para mag-shooting ng In My Life with Gov. Vilma Santos and John Lloyd Cruz.

Thursday night, nagkaroon din ng small party si Angel sa bahay niya sa Commonwealth para naman sa kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Kahit wala ang boyfriend, say ni Angel, prinamis niya sa sarili na hindi siya masa-sad dahil masaya siya para kay Luis sa napakagandang proyektong gagawin nito.

At 24, walang maipapangako si Angel sa kanyang fans kundi lalo pang pagbutihin ang mga ibibigay na proyekto ng ABS-CBN at Star Cinema.

Right now, ang focus niya ay sa Only You, na magsisimula na sa April 27 at excited siya dahil ibang karakter naman ang kanyang gagampanan bilang Jillian.

[via]

Labels:


Read more...

Diether Ocampo learns from mistake with Kristine

DIETHER Ocampo couldn’t thank the entertainment press enough during the Only You presscon for saying he looks so handsome now than in the past days. Same went to Angel Locsin who looks so blooming. Well, love could be the answer for both.

Only You premieres on Monday with Sam Milby as the other male lead under the direction of Rory Quinto.

Meanwhile, when asked if he’s ready now again to get married to his new girlfriend Rima Ostwani, he said it would need a long and serious thought so that in the end there will be no problem. Of course, he learned a lesson from what had happened between him and ex-wife (?) Kristine Hermosa (who has come back to the ABS-CBN’s list of lead actresses, as she stars in Nasaan Ka Maruja?).

“We have talked about it (marriage), but it would not happen that soon,” Diet admits. “Rima is only 23 years old and we are still in the stage of getting to know each other better. Rima is so kind and understanding and (she’s) a very private person.”

Is there a possibility that she could work again with ex-wife Kristine? ”No problem,” he says. “I’m very professional when it comes to my career.”

[via]

Labels:


Read more...

Ai Ai makes fun of Sharon

WHEN Star Cinema offered a project to Sharon Cuneta pairing her with Ai Ai de las Alas, she quickly grabbed the chance to work with the Comedy Queen. "I like watching her movies kasi napapasaya niya ako," says Shawie. "Most of the Tagalog movies in my Ipod are hers."

Ai Ai felt awed when she was told about this. "Nahiya ako," she says. "Biro mo, megastar, nanonood ng movies ko. E, noong 80s, pinapanood ko lahat ng movies at nagagalingan talaga ako sa kanya as an actress. When I learned pumayag siyang magkasama kami sa 'Best Friends Forever', I felt so honored. Wow, ang nag-iisang Megastar, makakasama ko sa movie, wow!"

"Best Friends Forever" will be Star Cinema's 16th anniversary and Mother's Day presentation. "Last year, 'Caregiver' ni Mega ang 15th anniversary offering namin," says adprom head Roxy Liquigan. "This time, 'Best Friends Forever' naman kaya she's officially our anniversary star."

Roxy showed us the film's full trailer and there are many laugh out loud scenes. Sharon is not afraid of making fun of her being overweight these days and it's incorporated in the script of Mel del Rosario. Her husband, John Estrada, became unfaithful to her because she's fat and has an affair with a gym instructor who happens to be Ai Ai. Shawie and Ai Ai became best friends as Shawie works out in the gym where Ai is an instructor. Ai doesn't know that her boyfriend John is already married, and to her best friend at that. Ai is a single mom, with Empress Schuck as her daughter. Shawie's kids are Miles Ocampo, Nash Aguas, and the fat boy Carl Camo (son of songwriter Lito Camo). Also in the cast are Gina Pareño as Shawie's mom, Chokoleit and Joy Viado as her maids, Enchong Dee as Empress' love interest, and AJ Perez, directed by Wenn Deramas.

Some of the hilarious scenes in the movie show Shawie doing bellydancing in the gym and having a boxing match on the ring with Ai who makes fun of her "bilbil and katabaan", and also Ai doing pole dancing. Shawie and Ai themselves recorded the title song, a reworking of an old song once sung by Nikki Valdes.

Roxy says that after "Best Friends Forever", their next offering will be the youth horror flick "Estrella" starring Maja Salvador, Shaina Magdayao and Geoff Eigenmann, directed by Rico Ilarde. Their current horror film, "T2", has so far earned P85 million. "We expect its total earnings to exceed P100 million," Roxy adds.

After "Estrella", their next movie will be the romantic love triangle drama, "And I Love You So", with Bea Alonzo, Sam Milby and Derek Ramsay, directed by Lauren Dyogi. Roxy is now also busy with the new Lorna Tolentino soap, which will also star Gabby Concepcion, John Estrada, Jericho Rosales, Kristine Hermosa and Karylle, to be directed by Jerry Sineneng and to be shot in various locations all over the country.

Is it true their entry in the December filmfest will be the Joseph Estrada-Ai Ai de las Alas movie? "We're not sure yet. Kasi may ruling na those who'll run in the election, bawal na may movie pa in December, lalo sa filmfest. Kung hindi matutuloy 'yun, we're thinking of fielding a Kris Aquino-Willie Revillame entry."

[via]

Labels:


Read more...

Filipino Jal Joshua - Australia's Got Talent 2009

A Filipino boy, Jal Joshua, 12 years old, showed Australia how good Filipinos are in singing! Jal Joshua sang "You'll Never Walk Alone" in Australia's Got Talent SemiFinal 2009. He won 2nd place in the final round.

More videos after the jump.

"You'll Never Walk Alone"


Jal Joshua performing in Australia's Got Talent, Grand Finals singing Barry Manilow's 'One Voice'


Jal Joshua "Somewhere Over The Rainbow"


Here is Jal Joshua singing "And I'm telling you". This was during Toledo City 48th Charter Day last Jan. 6, 2008 with Cebu Gov. Gwen Garcia, Toledo City Mayor Daydee Zambo, Vice Mayor Rudy Espinosa, Gov't. Officials & Employees.

Labels:


Read more...

Friday, April 24, 2009

Mariel Rodriguez nahipuan si Rafael Rosell

NAGING tampulan ng tukso si Mariel Rodriguez sa presscon kahapon ng pang-hapong serye ng ABS-CBN, ang Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers, dahil sa pagiging agresibo sa isang eksena nila ni Rafael Rosell.

Shocked ang press dahil habang supposedly ay tulog ang dalawa, nakadantay ang kamay nito sa harapan ng kapareha. Ang box-office director na si Cathy Garcia-Molina ang nag-handle sa episode nina Mariel at Rafael na base sa Precious Hearts Romances series ni Rose Tan.

Aminado ang direktora na medyo nahirapan nga silang i-adapt ang ilang eksena mula sa pocketbook sa telebisyon. Sa istorya kasi ng episode nilang My Golly, Wow Betsy, pinakiusapan ni Rafael si Mariel na pagpanggap bilang misis niya.

“If you watch the episode, you’ll see na there’s a funny reason kung bakit nakalagay du’n ang kamay ko. Cute siya, hindi malaswa,” esplika ni Mariel sa nagmamalisyang showbiz writers.

Pambubuko naman ni Direk Cathy, habang nagte-taping sila’t dahil sa sobrang “init” ng mga eksena, nag-dialogue si Mariel ng, “Direk, parang mini-porn na ’tong ginagawa namin, ’no?” sabay tawa.

Actually, first time palang magkatrabaho nina Mariel at Rafael. “Masaya naman ang bonggang-bonggang two-day taping namin!” hirit pa ng dyowa ni Zanjoe Marudo.

“It’s important that you trust your director. Ours was more of fun, masaya talaga siya.

“When I accepted the project, alam ko namang may kissing scenes, so, walang problema,” dagdag paliwanag ng TV host.

Eh, kay Zanjoe, wala kayang maging problema ang pagiging daring niya sa Precious Hearts Romances Presents Bud Brothers, na magsisimula nang mapanood sa Kapamilya Network sa Mayo?

Ani Mariel, “Siya rin naman, nakipag-kiss sa Dyosa, so, ngayon, pantay na kami. Wala siya rito at wala siya sa taping!”

Anyway, ang Bud Brothers series ay umiikot sa isang grupo ng college fraternity brothers na nagtayo ng isang negosyo, ang Bud Brothers Flower Farm.

Aasahan ng romance readers ang parehong tuwa at kilig na nababasa nila sa mga pocketbook sa pagpapalabas ng series sa TV, dagdag pa rito ang nakaka-excite na elemento ng mga bagong loveteam na hindi pa nakikita sa TV.

Pangungunahan ito ng sweet at sexy couple na sina Cristine Reyes at Jake Cuenca, Will Devaughn at Valerie Concepcion, Joem Bascon at Wendy Valdez, Ahron Villena at Maricar Reyes, Pinoy Fear Factor participantes na sina Manuel Chua at Janna Dominguez, kasama rin ang new hunk-singer na si Guji Lorenzana at Roxanne Guinoo, at John Prats at Denise Laurel.

May isa pang loveteam na dapat abangan sa pagtatapos ng serye.

Ang Bud Brothers series ay mula sa direksiyon nina Cathy at Jerry Sineneng at sa panulat sa telebisyon nina Mel Mendoza-del Rosario, Michiko Yamamoto at Joey Reyes.

[via]

Labels:


Read more...

Erich Gonzales to star in Katorse

ANG young star na si Erich Gonzales na raw ang bagong magsusuot ng Magic Kamison ni Mother Lily, na isi-nuot na rin ng mga artistang sumikat sa bakuran ng Regal Films like Dina Bonne-vie (Katorse ) at Snooky Serna (Bata Pa Si Sabel ) noong kanilang kabataan.

Balita kasing si Erich ang napipisil na gumawa ng remake ng hit movie ni Dina Bonnevie na Katorse kung saan unang nagpaka-daring si Dina.

At kung saka-sakaling ipahihiram ni Mother Lily ang kanyang Magic Kamison, pihadong walang min-tis na mas kikinang nang husto ang career ni Erich tulad ng mga naunang nagsuot nito.

Pihadong maraming mag-aabang nito dahil hitik na hitik sa sexy scene ang original na Katorse na dapat higitan ng TV remake nito.

Ang tanong mapapayag kaya ng ABS-CBN na mag-super sexy sa Katorse si Erich na napakahinhin at konserbatibo?

Well ‘yan ang ating aabangan.

[via]

Labels:


Read more...

Magkapatid na Toni at Alex Gonzaga paparada sa SUNDUAN ni Gener Gozum

Tuwing ikatlong taon ay isang malaking selebrasyon para sa mga taga Taytay, Rizal ang isinasagawang Sunduan, isang proyekto ng Sunduan Cultural Society Inc. Of Taytay,Rizal na pinamumunuan ng fourth termer chairman at kilalang fashion designer na si Gener Gozum.

Ngayong taong ito ay tinagurian nilang Sunduan... Sobrang Saya, Dobleng Sigla 2009 ang naturang festival.

Magkakaroon ng motorcade sa hapon at bubuksan ang exhibit ng visual arts at mga gawang gowns na denisenyo ng mga fashion designer ng nasabing bayan na susundan ng isang fashion show sa Event Center ng SM Taytay sa Mayo 2.

Libre ang entrance sa exhibit at may pagkakataon pang manalo ang mga panauhin sa raffle for that day.

Mahigit 200 pares ng mga kabataang babae at lalaki mula sa limang barangay ng naturang bayan ang magpaparada suot ang gowns at barong tagalog na gawa ng mga lokal na debohista.

Bukod sa mga kabataang ito ay may inimbitahan ding celebrities na sasama sa parada sakay ng tiborin sa May 3 sa alas-3 ng hapon.

Ilan sa celebrities na na kasama sa parada ay sina Toni Gonzaga na ang konsorte ay ang BF na si Direk Paul Soriano; kapatid ni Toni na si Alex; Celine Lim; Joshua Cadelina; co-hosts ni Kuya German Moreno sa Walang Tulugan na sina Pj Valero, Martha Joy, Derek at Mico Aytona; dating Star Magic na si Krista Sullivan; Jao Mapa; JC Castro; Jet Alcantara; Nene Tamayo; mga modelo mula sa Fashion Designers Association of the Philippines at si IC Mendoza.

Ang Sunduan ay ang pinakakahihintay na cultural event ng mga taga-Taytay kaya lahat sila ay tulung-tulong para mapaganda at maging bongga ang kani-kanilang barangay at sinasabi nilang mas mala-king selebrasyon ito kumpara sa kanilang pistang ba-yan at Santacruzan.

Sumuporta sa Sunduan ang Globe at Mary Kay, Rizal Gov. Jun jun Ynarez at mga lokal na opisyal, Taytay Mayor Juric Gacula at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Nais din ng mga lokal na opisyal ng Rizal na mailagay sa listahan bilang tourist attraction ng Department of Tourism ang Sunduan festival ng bayan ito.

Panawagan nina Gener Gozum, hermano mayor Juabilly Racho at Eleanor Esguerra Dapilos sa iba pa nating mga kababayan na saksihan ang Sunduan 2009 para makita ang ganda ng mga damit na gawa mula sa Taytay.

[via]

Labels:


Read more...

Stephanie Naumoska, skinny Miss Universe Australia contestant

I saw this one online: The skinny Stephanie Naumoska, 19, joined Miss Universe Australia and was criticized for being so thin. Health professionals said Ms Naumoska, who is 5ft 11in tall and weighs just 49kgs, had a body mass index of 15.1, well under the 18 benchmark for malnutrition.

Contestants who had been eliminated said Stephanie Naumoska clearly shouldn't have made the final because she is just too skinny.

Naumoska didn't win the Miss Universe Australia, though. Rachael Finch, 20, beat 31 other finalists to win the crown.

Stephanie Naumoska bikini photo

Labels:


Read more...

Thursday, April 23, 2009

Charice - Always You (Twilight)

Someone created this video with Charice singing. Nice one "Charice - Always You (Twilight)"

More videos after the jump.

Raquel, Charice's mom talking about Charice.


Labels:


Read more...

May 2, wedding date nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

Confirmed na ikakasal sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa May 2. Hindi natuloy noong April ang kasalan dahil nakinig sila sa Feng Shui.

Matagal nang pahulaan ang petsa ng kasal nina Juday at Ryan pero walang makapagsabi. Ang hula nga ng marami, isasabay sa birthday ni Judy Ann sa May 11 ang kasal pero napaaga ito. Thirty one years old na si Juday sa kanyang coming birthday. Isang taon ang tanda ni Juday kay Ryan dahil 30th birthday nito noong April 10.

Sure ako na mag-uunahan ang mga showbiz talk shows sa paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa nalalapit na kasal ng future husband and wife.

Good luck sa mga researchers dahil alam nating lahat na tikom ang bibig ng pamilya at mga kaibigan nina Ryan at Juday. Nag-promise sila na hindi magsasalita dahil na rin sa pakiusap ng showbiz couple.

[via]

Labels:


Read more...

Diether Ocampo: I'ved moved on

Isa sa pinakamalaking pa-presscon ng ABS-CBN ang Only You nina Angel Locsin,

Sam Milby at Diether Ocampo dahil 130 ang invited press at may simulcast broadcast sa www.abs-cbn.com.

First presscon ito ng ABS-CBN na simulcast sa website ng network. Sa April 27 ang airing ng series na ’di muna sinabi ang eksaktong oras.

Nagluto ng Aligue Bibimpop si Angel bago ang Q&A, sayang at ’di pinatikman sa press, nahihilig magluto ang actress dahil sa Only You.

Cooking ang bago niyang passion at ’di raw niya akalaing mag-i-enjoy siya sa pagluluto. “Masarap palang magluto,” wika nito.

Pinansin ng press ang magandang aura ni Angel at ang inirason ay dahil wala siyang problema at masaya siya sa buhay niya with Luis Manzano. Dahil tungkol sa food ang tema ng Only You, tinanong si Angel kung anong klaseng pagkain sina Sam at Diether?

“Si Sam, Japanese food ang hilig, kaya sushi at tempura siya na napaka-elegante. Si Diether ay down-to-earth kaya adobo siya.

“Ako naman, favorite ko ang sinigang dahil una, mahilig ako sa kanin at ’di kumpleto ang sinigang ’pag walang rice. Hindi rin siya complicated ihanda, ’di maarte at madaling pakisamahan. Sinigang, puwera lang isda dahil parang lumalangoy.”

* * *

Nagpasalamat si Diether Ocampo sa nag-comment sa presscon ng Only You na mas guwapo siya ngayon. Masaya lang daw siya at kinalimutan ang mga problema lalo na ang nangyari sa kanila ni Kristine Hermosa.

“I don’t wanna comment, she’s part of my past at ang importante sa akin is the present and the future. I’ve moved on at masayang-masaya ako sa buhay ko ngayon. Noong nakita n’yo akong aburido, hindi ko pa nakikilala si Rima Ostwani (his girlfriend). Na-enlighten ako nang dumating siya sa buhay ko, sobrang bait niya at naiintindihan ang trabaho ko at hindi niya ako ipinagdadamot. This is the happiest moment of my life,” deklara ni Diether.

Samantala, sa aborted transfer niya sa GMA-7, sabi ni Diether lahat may rason kung bakit nangyari ‘yun. Ang importante raw, naayos niya kung anumang gusot ang nagawa niya.

“Ginawa ko lahat ang dapat gawin at ’di ko na dapat i-elaborate, ang importante, naayos lahat. Maayos ang naging pag-uusap and everything was settled amicably,” sabi nito.

Nag-distribute si Diether ng flyer ng Run with K.I.D.S. ng K.I.D.S. Foundation na gagawin sa UP Diliman sa May 31. Isa ang actor sa founder nito at isa sa kanyang pinagkakaaba-lahan.

[via]

Labels:


Read more...

Derek Ramsay di sineseryoso si Angelica

Sa pag-amin ni Derek Ramsay sa presscon ng Komilks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja? na crush niya noon pa ang leading lady na si Kristine, marami ang kumantiyaw sa kanya na baka pag-awayan nila ito ng girlfriend na si Angelica Panganiban.

Pero sure ang aktor na hindi raw ito magiging dahilan ng pag-aaway nila ni Angel.

“To tell you the truth, we haven’t spoken about it. Hindi namin napag-uusapan. Pero kami naman ni Angel, ang selosan namin, puro biruan lang, eh,” he said.

Nahingan din ng reaksyon si Derek sa sinabi ni Angelica na kapag hindi pa siya niyaya ng aktor na magpakasal at this age, hahanap siya ng ibang lalaking magpapakasal sa kanya.

“Well, I don’t think she meant that. If she does, yeah, I’ll feel bad and I have to do something about it,” say niya.

At ano naman ‘yung ‘something’ na ‘yun?

“Well, kung importante talaga sa kanya ‘yan, then, ibibigay ko sa kanya,” he said.

Bakit hindi na lang siya magkusa?

“Alam mo, like I said, I live each day at a time. Baka one day, paggising ko bukas, ‘yan ang napi-feel ko, sasabihin ko talaga ‘yan. I say what’s in my mind and what’s in my heart.

“Pero kilala ko si Angel, she says a lot of thing she doesn’t mean. Palabiro ‘yan, eh.”

Pero inulit niya na kung seryoso naman daw talaga ang girlfriend, nasa kanya na raw ’yun to do something about it.

Ready na ba siya kung sakali na magkaroon ng pamilya?

“Ayokong magkaroon ng pamilya kung hindi ko sila mabibigyan ng oras. And right now, hindi ko nga mabigyan ng oras ang sarili ko, what more pa my family. Hindi ko nga nabibigyan ng oras ang dad ko, ang mom ko, ang brother ko, I’m not seeing my brother grow up.

“Right now, nasa Shanghai siya, nagku-compete, wala ako du’n para sumuporta. There are little things na gusto ko pang makita sa brother ko. Fifteen na siya ngayon.”

Sa ngayon ay happy raw siya sa magagandang nangyayari sa buhay niya lalo pa nga’t sunud-sunod ang projects niya. Start na ng airing ng Nasaan Ka Maruja? sa April 2 at sinisimulan na nila ang movie nila ni Angelica and Gabby Concepcion under Star Cinema. Bukod dito ay may dalawa pang serye na kasama siya.

[via]

Labels:


Read more...

Wednesday, April 22, 2009

Kristine Hermosa: Minahal ko nang sobra si Diet

Matagal-tagal ding hindi humarap sa isang press conference si Kristine Hermosa kaya naman ang daming tanong sa kanya kahapon sa presscon ng Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka, Maruja?, latest project niya sa ABS-CBN.

Huling napanood si Kristine sa Prinsesa ng Banyera at ang dami nang nangyari sa kanya since then, partikular na sa kanyang lovelife.

Ngayon ay totally free na siya unlike last year na hindi pa lumalabas ang desisyon ng korte sa nullity ng kasal nila ni Diether Ocampo.

Did she feel na parang nabunutan siya ng tinik nang mapawalang-bisa na ang kasal?

“Actually, hindi ko siya nakita ng ganu’n. Kasi, ’yung pinagsamahan namin ni Diet, hindi ’yon biro sa akin. Kumbaga, seryosung-seryoso ako ru’n. Minahal ko nang sobra si Diet, alam ko, ganu’n din naman siya sa akin.

“So, ’yung intention was really pure. Pero wala lang, eh. Parang it didn’t work out lang talaga the way na gusto naming mag-work-out. Hindi (ako) nabunutan ng tinik, hindi ganu’n ang naramdaman ko.

“Siguro, para sa akin, parang it’s just another chapter ng buhay namin na siguro, marami pa rin kaming dapat ma-realize talaga.

“Tapos, meron pa ring itinuturo sa amin si God na hindi pa namin nare-realize. So, lesson, eh. At saka experience rin,” mahaba niyang sagot.

Nalungkot din daw siya dahil ang tagal din nilang ipinaglaban ni Diet ang kanilang relasyon, pinilit nilang i-work-out, pero sadyang may mga bagay lang daw siguro talaga na hindi puwedeng ipilit.

Nahingan din ng pahayag si Kristine kung ano ang masasabi niya na at this point ay tila ready na naman daw na magpakasal si Diet with his new girlfriend.

“Really? Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa mga bagay na ’yan kasi hindi na kami nakakapag-usap. Pero kung ready na siya na makapunta sa level na ’yon, magiging kaibigan naman ako sa kanya.

“Sana bigyan niya ako ng chance na maging kaibigan niya, na makapag-usap na naman kami regarding that, na kailangan talagang pag-isipang mabuti kung ano ’yung papasukin niya, kailangang maging seryoso talaga siya.

“Kasi, ang sama lang ng ano na baka may masaktan na naman, ’di ba? Kumbaga, para pumasok ka sa ganu’ng bagay na ganu’n kaseryoso, hindi biro ’yon, eh, hindi ’yan parang laro na kapag ayaw mo na or pagod ka na, puwede mong iwan. So, kailangan talaga niyang maging siguradung-sigurado.

“So, ’yun lang ang concern ko. Gusto ko, more than anything else, maging masaya siya talaga at gusto ko, kung sinuman ’yung babaing pipiliin niyang pakasalan at makasama talaga habambuhay, gusto ko ’yung mahal niya talaga, ’yung napapasaya siya at naaalagaan siya talaga.”

As for herself, hindi niya raw masasabi kung kelan ulit siya darating sa puntong iyon at bahala na raw si God sa parteng ito.

Sa ngayon ay pine-prepare na muna niya ang sarili bago ulit pumasok sa isang relationship.

Definitely, hindi pa raw sila ni Oyo Sotto at hindi rin daw niya alam ’yung MU-MU (mutual understanding).

“Basta ang alam ko, mahal niya ako at nasa puso ko siya, pero sa ngayon, hindi pa talaga ako ready na pumasok sa isang relasyon. Malaki naman ang posibilidad dahil so far, siya lang naman ang lalaking malapit sa akin ngayon, wala namang iba.

“Pero hindi rin ako ’yung taong magsasabi na darating, hindi darating, ako, naghihintay na lang ng sign, ’pag si God na ang gumawa ng paraan, mangyayari na lang.”

Pero sinisigurado niya na kapag nagmahal siya ulit, definitely ay better Kristine na siya at hindi na mauulit ’yung dating pagkakamali.

Pero sobrang willing pa rin naman daw ang heart niya to fall in love again.

Anyway, since comeback project ni Kristine ang Maruja, excited siya about it. Ayon nga sa director na si Jerome Pobocan, kahit matagal na nabakante, hindi pa rin kumukupas ang acting prowess ng aktres.

Magsisimula na sa May 2 ang Nasaan Ka, Maruja? at kasama rin dito sina Derek Ramsay at John Estrada as her leading men.

Join din sa cast sina Karylle, Kitkat, Enchong Dee, Bing Pimentel at Gloria Romero.

[via]

Labels:


Read more...

Derek Ramsay admits liking Kristine Hermosa

MATAGAL na palang crush ni Derek Ramsay ang leading lady niya sa Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka, Maruja? na si Kristine Hermosa.

Hindi ito naitago ni Derek nang tanungin ng press sa presscon ng TV show kahapon.

Kaso, kumambyo agad si Derek. “Noon talaga crush ko si Kristine. Pero siyempre, iba na ngayon ang crush ko.” Na very obvious namang si Angelica Panganiban ang tinutukoy.

Eh, what if wala pa sa buhay niya si Angelica? Liligawan ba niya si Kristine?

“Kung single siguro ako at walang commitment, why not? Pero siyempre, depende pa rin ’yon kung single rin siya, ’di ba? But she’s very nice. I really love working with her,” kuwento pa ni Derek.

Kasama rin sa Nasaan Ka, Maruja? si Karylle, na gaganap bilang half-sister ni Kristine.

Si Derek naman ang lalaking pag-aagawan ng dalawang aktres. Kumusta ang feeling na pinag-aagawan siya ng dalawang babae?

“Sa plot lang naman ng story ng Maruja ’yon, not in real life. Hindi ko pa ’yon na-experience. Pero flattered ako na ako ’yung nai-cast nila to play that role.”

Samantala, natutuwa naman si Kristine dahil nakabalik ulit siya sa telebisyon. Huling napanood ang dalaga sa Prinsesa ng Banyera kasama si Ara Mina.

“Matagal na rin akong walang series, kaya nu’ng nalaman ko na magiging part ako ng Maruja, sobrang na-excite akong mag-taping,” kuwento pa ni Kristine.

Regarding her lovelife, wala pa ring direktang pag-amin mula sa dalaga tungkol sa relasyon nila ni Oyo Sotto.

“Basta I’m very happy sa nangyayari sa buhay ko ngayon. I hope it will last forever. Hahaha!” sambit pa niya.

Sa May 2, Sabado, na mapapanood ang Maruja sa ABs-CBN pagkatapos ng Cinema FPJ.


[via]

Labels:


Read more...

Seksing Angel Locsin mas gustong mapanood ng male fans

After ng Lobo at matapos magwagi ni Angel Locsin ng Best Actress in a Single Performance sa nakaraang Star Awards for TV, sa wakas, nagkaroon na ng follow-up ang kanyang teleserye via Only You.

Two weeks ago ay nagkaroon ng audition para sa mga supporting players ng Only You at sa bilis ng panahon ay naka-schedule na pala this week ang presscon nito.

So bilis, huh!

Sigurado, magbu-bunyi na naman ang supporters ni Angel dahil babalik na naman siya sa TV.

We just wonder kung magpapa-sexy din ba si Angel dito gaya ng mga ginawa niya sa Lobo?

Kasi, sa totoo lang, maraming male fans ni Angel ang nag-e-expect na mas seksi sana siya kapag lumalabas siya sa TV.

[via]

Labels:


Read more...

Tuesday, April 21, 2009

Kristine Hermosa updates

KRISTINE Hermosa was known as high and mighty in the early days of her showbiz career when she was, wika nga, considered one of the most popular among her contemporaries.

But she appears to have changed a lot.

This was never more obvious than when ‘isinalang’ siya sa Tough 10 ng The Buzz with host Boy Abunda.

Hindi lang magaganda ang mga naging sagot ni Kristine, kung hindi pleasant din siya all throughout the programa.

Halatang nag-mature rin siya in look, pero we agree with Boy when he said na isa pa rin si Kristine sa pinakamagandang mukha sa showbiz.

Kaya, tama rin siya nang sagutin ang tanong ni Boy kung sino ang tatlong pinakamagandang mukha sa showbiz para sa kanya at pinangalanan niya sina Dawn Zulueta at Lucy Torres. Ang pangatlo raw? Siya.

Ayon pa sa aktres, magandang isipin na she and former husband Diether Ocampo have learned a lot from each other. This is one of the reasons why she has become a better person.

That Oyo Boy Sotto is now the most important, not to say, influential, person in her life is a given.

Sana, Dina Bonnevie will learn to “face the music” na one day soon, she will have Kristine for a daughter-in-law.

But Kristine’s answer which literally took the cake had something to do tungkol sa kanyang nararamdaman sa kanyang career.

Aniya, she has entrusted everything to God, including her career. Alam daw niyang the Lord knows what’s best for her.

True enough, Kristine’s new horror series, Maruja, a TV take-off ng movie ni Susan Roces, will start airing on ABS-CBN soon.

She is also due to start work on a movie with Carmen Soo and former boyfriend and ka-loveteam, Jericho Rosales.

[via]

Labels:


Read more...

Eric Quizon inaayos ang foundation ni Dolphy

Ngayon lang nabigyan ng linaw yung maraming katanungan ng mga taga­subaybay ng local entertainment tungkol kay Eric Quizon. May ilang panahon na kasing nawawala sa eksena ang magaling na anak na ito ni Dolphy. Hindi naman pwedeng sabihing walang gustong magbigay sa kanya ng role dahil hindi lamang siya artista, isang magaling na artista, isa rin siyang nirerespetong direktor sa pelikula at maging sa telebisyon.

Kung hindi lamang siya biglang lumitaw sa pama­magitan ng isang role sa All About Eve, sasabihin na talagang tinalikuran na niya ang industriya.

“Hindi naman, katu­nayan, miss ko nang mag­trabaho. Pero, may trabaho ako sa Hong Kong, tatlong taon ang kontrata ko sa isang live entertainment company, mga isang taon na lang ang bubunuin ko. Kaya hindi ako makatanggap ng trabaho, I turned down seven directorial offers because of my work. But I can do mga short stints,” paliwanag niya.

Maaaring short stint lamang ang role niya sa All About Eve ng GMA 7 pero mahalaga ang kanyang role bilang may-ari ng isang TV network na kung saan parehong nagtatrabaho ang magkaribal na sina Erika (Sunshine Dizon) at Nicole (Iza Calzado).

Idinagdag lamang ang character niya from the original story. Pero ang character niya ay ayaw kay Frederico (Richard Gomez). Mas lalong lalaki ang disgusto sa pagitan nila dahil bibigyan niya ng magandang trabaho sa kanyang kumpanya si Katrina (Jean Garcia), ang babae sa nakaraan ni Frederico.

Sa episode ngayong gabi, sasabihin na lahat ni Katrina kay Robert (Eric) ang tungkol sa pagkakakulong niya at ang nakaraan nila ni Fred.

“Nami-miss ko talaga ang pag-arte, kahit nakakapagod. Pero hindi rin naman ako idle kaya madalas hindi ko naiisip ito. Inayos ko yung libro ng dad ko, mahirap yatang trabaho ito. Pumunta rin ako ng States para ayusin yung resort namin dun. I also helped in setting up a foundation for dad, gusto kasi niyang makatulong,” imporma ni Eric.

Nang tanungin ang kanyang reaksyon tungkol sa pagkakapigil ng annulment na hinihingi ni Zsa Zsa Padilla from her husband, sinabi niyang “Ke kasal sila o hindi basta masaya sila sa relasyon nila, they don’t really have to wait for the consent of Zsa Zsa’s husband, they don’t need it.”

[via]

Labels:


Read more...

Jon Avila na-starstruck kay Juday

Si Jon Avila ang ipinalit ng Regal Entertainment kay Akihiro Sato na leading man ni Judy Ann Santos sa Oh, My Girl! (OMG!). Kuwento ng actor, bigla na lang siyang tinawagan ng handler niya at sinabing mag-report sa shooting at natuwa nang malaman kung sino ang makakasama.

Sa first day shooting, nahiya siya kina Judy Ann at Ogie Alcasid dahil mga big stars at siya’y pang-fourth movie pa lang ang OMG!

“Pero ang sarap ng feeling na makasama sa movie nila. Ang sarap and I feel blessed and privileged. It’s good to be working with big stars, but I feel inadequate dahil two years pa lang ako in the business. Sino ba naman ako?

“Na-starstruck ako kay Judy Ann and what is funny is, I called her darling sa first meeting namin. Yun ang name niya sa movie, nahiya nga ako at baka sabihing sinadya kong tawagin siya ng ganun,” paliwanag ni Jon.

First movie rin ni Jon sa Regal at itsinika sa kanya ni Mother Lily Monteverde na ang anak nitong si Roselle Monteverde-Teo ang pumili kay Jon at lalong nanliit ang actor. Magpapasalamat daw siya ’pag nakita niya si Roselle.

Kinumusta namin kay Jon si Rufa Mae Quinto na kailan lang ay nali-link sa kanya. Hindi na raw sila masyadong nagkikita ng kanyang “friend,” pero textmates sila. Pagbalik ng actress mula sa States, nag-text ito para sabihing she’s back, pero ’di na sila nagkikita.

[via]

Labels:


Read more...

Monday, April 20, 2009

Pamilya ni Juday kumpleto sa kasal nila ni Ryan

Nag-last shooting day na si Judy Ann Santos ng OMG: Oh, My Girl movie nila ni Ogie Alcasid last week, kaya may time na siyang paghandaan ang wedding nila ni Ryan Agoncillo na sabi ng actress, “Definitely, it will happen this year!,” pero ayaw pa ring sabihin kung kailan at kung saan gagawin, basta mangyayari na lang daw bagama’t matunog na sa susunod na buwan na ito.

Nasa bansa ang ama ni Judy Ann since January pa, kaya tiyak ang pagdalo nito sa kanyang kasal. Every after six months bumabalik pala ng ‘Pinas ang ama dahil may inaasikasong negosyo, kaya kompleto ang pamilya niya sa espesyal na araw sa buhay niya.

Bukod sa pag-aasikaso sa kasal, ang construction sa ipinadagdag na parte ng bahay nila ang kanyang inaasikaso at hinihintay din nila ang pagdating ng mga biniling furnitures. Ang description ni Judy Ann sa bahay nila ay “Hindi ganu’n kalaki, enough lang sa amin. Hindi hi-tech, tama lang for friends na gustong mag-crash, pero bahay na gusto mong uwian.”

Gusto ni Judy Ann na sa pasukan ay may bahay na sila at makahanap na rin ng progressive school para sa anak nilang si Yohan na magga-graduate sa Gymboree.

Samantala, matagal nang magkaibigan sina Judy Ann at Ogie, pero ngayon lang sila nagkasama sa pelikula. Nahawa siya sa pagiging masayahin nito at dobleng tuwa ang actress dahil nag-cameo si Regine Velasquez bilang production assistant. First time rin niyang maka-trabaho si Manilyn Reynes na “legend” na para sa kanya.

Sa July na ang showing ng masayang pelikula sa direksyon ni Dante Garcia na sabi ni Ogie ay very, very talented director at ang pagdidirek ng comedy ang gift at madetalye.

[via]

Labels:


Read more...

You Changed My Life now on video

After the phenomenal box-office theatrical run of the second John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo starrer You Changed My Life, the film is now on original DVDs and VCDs.

The film continues the love story of Miggy and Laida. While John Lloyd and Sarah are busy with their respective world tours, fans will not miss them as much when they avail of the DVD exclusively produced and distributed by Star Home Video.

John Lloyd is slated to shoot In My Life with Gov. Vilma Santos while a project is being cooked up for Sarah and Rayver Cruz as leading man, and with Vhong Navarro and Toni Gonzaga as co-stars.

[via]

Labels:


Read more...

Claudine Barreto hinahanap ng fans

IPINAGTATAKA ng supporters ni Claudine Barreto na pagkatapos ng short appearance niya sa top series na May Bukas Pa, eh, wala nang nababalitang upcoming project for her, unlike some other stars, na kung talent at talent din lang naman ang pag-uusapan ay lesser than hers.

Yup, either daw a series or a movie man lang.

Kung sabagay, puna pa ng following ni Claudine, all the other major talents na na-feature sa series na Iisa Pa Lamang ay wala nga namang ginagawa ngayon. Except for Angelica Panganiban, na featured as one of the split girls sa Banana Split.

The rest, like Gabby Concepcion and Susan Roces, ay parehong na-feature lang in cameo roles sa May Bukas Pa, si Gabby bilang madyikero at si Susan bilang isang retirable school teacher.

Ganunpaman, ayon kay Claudine, she enjoyed her ‘guesting’ sa May Bukas Pa. She is aware daw kung gaano the series is avidly followed by tv enthusiasts. Halimbawa daw ang kanyang mother-in-law (former actress Cielito Legaspi) and parents, Inday and Mike Barreto. Their weekdays are now complete, kapag naka-miss sila ng kahit isang episode ng May Bukas Pa.

“They appreciate so much the values the series convey to its viewers. We should have more of this kind of teleserye,” ani Claudine.

[via]

Labels:


Read more...

Luiz Manzano dedma sa b-day celebration ni Angel

Wala si Luiz Manzano kahapon sa birthday celebration ni Angel Locsin sa ASAP ’09. Nasa Boracay ang aktor for a commitment pero nag-iwan naman siya ng note para sa girlfriend na binasa ni Iya Villania na co-star din niya sa Only You.

Kitty-kitty pala ang term of endearment niya kay Angel at ang young actress naman ay Kulet ang tawag sa kanya. Kahit maikli lang ang note ng aktor, feel na feel mo naman ang love niya sa kasintahan.

Luis will be leaving for New York on April 23 sa birthday mismo ni Angel pero masaya naman silang maghihiwalay dahil magkasama nilang sasalubungin ang kaarawan ng young actress.

Isang buwang mawawala si Luis para i-shoot ang In My Life na movie nila ng inang si Gov. Vilma Santos and John Lloyd Cruz na nauna na sa New York.

Kahapon umalis ang Star For All Seasons habang si Loydie naman ay didiretso na roon matapos ang US tour concert with Sam Milby and Piolo Pascual.

Si Angel naman, pagkatapos mawala ng two weeks dahil sa taping ng Only You sa Korea, ay magiging super-busy dito sa taping ng serye nila nina Sam at Diether Ocampo at shooting ng movie niya with Aga Muhlach na sisimulan na ngayong April or May.

[via]

Labels:


Read more...

Judy Ann Santos hindi nagsisi na gawin ang Oh, My Girl

HINDI nagsisisi si Judy Ann Santos nang tanggapin ang pelikula nila ni Ogie Alcasid under Regal Films, ang OMG (Oh, My Girl).

Kasi, aliw na aliw si Juday kay Ogie. Bukod sa mahilig magpatawa sa set, panay din ang kanta ng magaling na comedian/composer/singer.

Nakaka-four shooting days na ang OMG, pero tuluy-tuloy ito dahil walang kaproble-problema sa mga artista sa set.

Very professional ang lahat sa set kaya walang anumang aberyang nagaganap.

Sa movie, magsusuot-babae si Ogie at lalabas na alalay ng actress na si Juday. Ginawa ito ni Ogie ito dahil in-love siya kay Juday.

Ngayong Monday ang simula ng bagong programa ni Ogie at Michael V na Hole in the Wall.

May cash na papremyo tulad ng pinalitan nitong programang Family Feud.

[via]

Labels:


Read more...

Lorna Tolentino balik-drama bago sumabak sa teleserye

HINDI na nga mapipigilan ang pagbabalik ni Lorna Tolentino sa pagganap sa mga hindi mali-limutang papel!

Habang hinihintay ng lahat ang kanyang paglabas sa teleseryeng pagbibidahan nila nina Gabby Concepcion and John Estrada, isang emotionally and physically battered character ang ginampanan ng tinaguriang “Grandslam Queen” last Saturday sa Maalaala Mo Kaya!

Labis na ikinatuwa ni LT ang kanyang paglabas sa award-winning drama anthology.

Isang ina na pinipilit na panatilihing buo ang kanyang pamilya sa kabila ng mga matitinding pagsubok na dumarating sa kanila ang papel na buong husay na ginampanan ni LT.

Nakasama ni Lorna sa drama anthology si Albert Martinez, bilang kanyang asawa.

Ito ay sa direksyon ni Nuel Naval at siguradong nagpatulo na naman ng luha sa maraming ma-nonood ang episode na ito ng MMK.

[via]

Labels:


Read more...

ABS-CBN Summer 2009 Line-up

Check out ABS-CBN’s line-up of new shows to heat up your TV viewing this summer.

KAMBAL SA UMA
ONLY YOU
GEORGE AND CECIL
KOMIKS PRESENTS MARS RAVELO’S NASAAN KA MARUJA?
BOYS OVER FLOWERS
PRECIOUS HEARTS ROMANCES
NARUTO SHIPPUNDEN

Watch the video after the jump.


Visit Starmometer for more news.

Labels:


Read more...

Charice & Billy Crawford - 'Dahil Tayo'y Pilipino' - TFC Station ID

Youtube sensation Charice and international pop star Billy Crawford are now the face(s) of ABS-CBN’s The Filipino Channel (TFC).

Watch the video after the jump "Charice & Billy Crawford - 'Dahil Tayo'y Pilipino' - TFC Station ID"


via starmometer.com

Labels:


Read more...

Sunday, April 19, 2009

Matt Evans: Hindi ako nakikipag-sex sa kotse

Tatlong taon na sa showbiz si Matt Evans na kasama sa Kambal sa Uma bilang si Gabriel. Sinuportahan siya ng ABS-CBN kaya maganda ang takbo ng kanyang career. Malaking bagay na nagkaroon sila ng loveteam ni Melissa Ricks kaya dumami ang tagahanga.

“Maganda po ang chemistry namin ni Melissa at lalo pa naming ginagalingan ang pag-arte kaya siguro napapansin nila ng aming tambalan,” sey ni Matt.

Hindi ito apektado ng intriga dahil tinanong ng mga press people kung siya ba ang tinutukoy sa blind item na nakikipag-sex sa loob ng sasakyan.

“Bakit naman dun ko pa gagawin ang pakikipag-sex gayung may bahay naman ako o kahit sa isang pribadong lugar. Okey lang na intrigahin ako dahil hindi naman totoo,” anang aktor.

Nahirapan si Melissa sa isang eksena sa palengke at mainit ang pakiramdam nito dahil sa prosthetics. Feeling nito ay nanlalagkit siya sa pawis.

Bagama’t hindi niya napanood ang Kambal sa Uma na tinampukan noon ni Rio Locsin ay malinaw naman ang paliwanag sa kanya ng direktor at naintindihan niya ang mga nakalagay sa script. Nangingilabot si Melissa dahil 200 na totoong daga ang nakasama sa teleserye.

Ang Kambal sa Uma ay dinidirek nina Manny Palo at Rechie del Carmen.


[via]

Labels:


Read more...

Only You crew, nahirapan sa Korea

Nahirapan pala ang limited crew na pumunta ng Korea para mag-shoot dun ng isang original Koreanovela na ginawan ng isang Filipino version. Ito ang Only You na nagta­tampok sa pinaka-bagong kumbinasyon ng artista na naisip ng ABS CBN, Diether Ocampo, Sam Milby at Angel Locsin.

Akala ng mga pumunta roon na spring na ang daratnan nila, pero sa halip inabutan pa nila ang winter.

Eh, sobrang lamig at hindi sila nakahanda, wala silang dalang makakapal na damit, kinailangan pa nilang bumili ng mga warmer clothes.

“Kokonti din kami kaya kailangan naming magtulungan, tinulungan namin ang mga crew na magbuhat ng mga equipments,” imporma ni Diether.

“Meron din kaming Korean crew who made it easier for us to communicate with the locals na hindi nagi-Ingles.

“Ang dami naming pinuntahan sa Korea. Binisita namin ang Nami Island na kung saan kinunan ang Winter Sonata. Pumunta rin kami sa mga local parks, shopping center. Nag-shoot kami sa Seoul para lamang sa cherry blossoms. Feeling ko napuntahan namin ang buong Korea para lamang maipakita namin ang kultura ng bansa,” dagdag pa ni Diet.

Tungkol naman sa kanyang dalawang co-actors, sina Angel at Sam, sinabi ni Diet na “Si Angel, ang sipag-sipag, madaldal din. Para siyang isang bata na lahat gustong puntahan, maraming gustong matutunan. Palagi ko siyang pinapayuhan, siguro dahil mas matanda ako sa kanya.

“Si Sam okay din. Marami kaming pagkakahawig kaya siguro madali kaming nagkahulihan ng loob. Pareho kaming mahilig sa sport, hilig namin pareho ang motorsiklo. Iisa rin ang gusto namin sa music. Sa grupo namin nina Angel, Iya Villania at Dimples Romana parang siya ang pinaka-baby.”

[via]

Labels:


Read more...

Saturday, April 18, 2009

Only You - Full Trailer

Only You - Full Trailer is released! "Only You" is a Filipino adaptation of the hit Koreanovela. "Only You" stars Angel Locsin, Sam Milby and Diether Ocampo.

Watch the video after the jump.


Via Starmometer.com

Labels:


Read more...

Sam Milby little boy ni Angel Locsin

Matagal-tagal din palang nawala sa TV si Angel Locsin. Nine months to be exact. May nararamdaman siyang pressure sa My Only You? So ano naman ang feeling niya?

“Wow, happy kasi naging busy ako sa paggawa ng pelikula. Excited na ako kasi this is it, trabaho na ulit di ba. And happy ako dahil iba naman ito dahil nasanay ako na fantaserye na full of hayop ‘yung ginagawa ko. ‘Yung sa Lobo drama naman or sa Love Me Again. Ito may bago. Parang nakaka-challenge di ba, kasi iba ‘yung approach. Kailangan very light dahil medyo kumikrisis tayo ngayon, kailangan nating aliwin ang mga tao. Tulungan natin silang ma-forget pansamantala sa mga problema,” sabi ni Angel sa isang interview.

May pressure ba kasi lahat may expectations?

“Actually iniisip namin walang pressure sa aming mga artista. Parang mahal namin ang trabaho namin, gusto namin ang ginagawa namin. So parang lahat ng tao, like kahapon may shinoot akong isang TVC, parang lahat sinasabi, ‘uy yung pressure nasa inyo because mga ratings ang high. Kailangan i-maintain’. So ako, parang okay may pressure kahit wala naman talaga dapat kaming napi-feel na kahit anong pressure. ‘Yun lang dun lang namin nararamdaman yung pressure, pero pag nagso-shooting kami, masaya kami kasi we’re very proud dahil lalo na ‘yung director namin, si Direk Rory Quintos napakagaling na direktor, so alam namin we’re in good hands,” dagdag niya.

Papalitan nila ang Betty La Fea na mataas ang rating kaya talagang dapat kabahan sila Angel.

“Medyo hindi healthy kung ‘yun ang iisipin mo. Ang sa akin kasi ang pinaka-competition ko ‘yung sarili ko. Pag nakita ko yung sarili ko na - naku Gel medyo sablay ka d’yan ah. Dun ako magpa-panic. ‘yun ang challenge ko ‘yung may maipakita na something new sa mga tao. Basta maganda naman yung ginagawa ko at may tiwala ako sa show okay ako,” paliwanag ng aktres.

Ano naman ang masasabi niya kina Sam at Diether na first time niya nakasama sa isang programa?

“Si Sam nakatrabaho ko na siya sa MMK so kahit papano alam ko na kung paano siya magwork, kung paano yung ugali niya kasi after nun nag-uusap-usap kami. Pero dito napatunayan ko as in genuinely nice siya talaga. As in walang halong kaplastikan yung pagiging nice niya. Kaya ko nga laging nasasabing kaya little boy baka mamisinterpret ng iba. Kasi si Sam medyo nagtampo yata sa akin nung sinabihan ko siyang little boy. Pero ang ibig sabihin ko nun napakatotoo ng mga kilos niya, real, napaka-fresh ng kilos niya pag mag-aalok siya ng food, pag aalukin niya yung mga gadgets niya, napakatotoo talaga. Ang cute tingnan. Pag sinabi kong little boy yun ang ibig kong sabihin hindi dahil immature siya, hindi ganun. Actually si Sam very responsible.

Inalagaan ka naman niya habang nasa Korea kayo?

“Oo naman. Actually wala kaming choice kundi mag-alaga sa isa’t-isa. Yun, kaya nakakatuwa rin na meron kaming shoot sa Korea kasi bonding talaga kami eh. Meron pa ngang isang beses si Iya (Villania) lumabas kami nakawig kami. Buong araw talagang pinanindigan namin. Nakawig kami kahit hiyang-hiya na kami. Kasi siyempre wala namang masya­dong Pilipino sa Korea.

Tungkol naman kay Diet: “Nung una siyempre medyo awk­ward ako kay Diet kasi medyo senior kong artista eh. Baka hindi ko ito mahirit-hiritan. Kasi si Sam nabibiro ko kasi isang taon lang naman gap namin tsaka naktra­baho ko na rin naman siya. Pero ‘yun, narealize ko na ang bait pala nitong tao. Puwede siyang magloko, pero napakaresponsible din, alam mong napakatalinong tao pag kausap mo alam mong marami kang matutunan sa kanya,” sabi ng aktres tungkol sa aktor.

[via]

Labels: ,


Read more...

Judy Ann Santos dedma pa rin sa kasal

Laging masaya ang shooting ng Oh, My Girl! nina Judy Ann Santos at Ogie Alcasid at naaaliw ang actress na bigla na lang kakanta si Ogie bilang pang-alis ng pagod at stress.

Nang bumisita kami sa shooting noong Monday evening, si Mel Martinez ang nag-cameo and the night before, si Regine Velasquez ang nag-guest bilang P.A.

By June, tapos na ang pelikula na July ang playdate at matutuwa si Direk Dante Garcia sa sinabi ni Ogie na “this is the most perfect set” dahil mabait ang director at mga kasama at lahat masayang katrabaho, kaya minsan ayaw niyang umuwi kahit wala na siyang eksena.

“Gentle, makanta, madiyeta, at nakakatawa kahit walang eksena,” ang description ni Judy Ann kay Ogie at honored siyang tinanggap nito ang project with her.

First time makakasama ni Ogie sina Judy Ann, Carmi Martin, John Prats, Jon Avila at Roderick Paulate at reunion nila ito ni Manilyn Reynes, na hindi raw niya naging girlfriend.

Samantala, hindi maiwasang tanungin si Judy Ann sa nalalapit na kasal nila ni Ryan Agoncillo, pero talagang ayaw nitong magkuwento.

Mas open itong pag-usapan ang nabili nilang two-storey, four-bedroom house. Tapos na ang interior ng bahay, pero may ipinadagdag sila at hinihintay ang mga biniling furniture.

“Hindi masyadong malaki ang bahay, enough lang sa amin. Tama lang siya for our friends na puwedeng mag-crash at gustong mag-hang-out, pero bahay na gusto mong uwian.”

[via]

Labels:


Read more...

Kim Chiu: Bad luck ang swimming pool sa bahay

MALAS nga ba ang swimming pool sa bahay?

Well, obviously, ito ang paniniwala ng teenage actress na si Kim Chiu, kaya wala siyang balak magkaroon ng swimming pool sa ipatatayong bahay this May sa loteng (600 square meters ang laki) nabili sa Loyola Grand Villas, Quezon City.

Pamahiin ba ’yan ng mga Chinese?

Tumango si Kim.

No wonder, sa kung ilang ulit nang pagpapa-renovate ng bahay sa Greenhills ni Mother Lily Monteverde, na Chinese rin, never kaming nakakita ng swimming pool.

Which reminds us of a popular action star (not Ronnie Poe, ha?) many years back who had a house built sa isang plush subdivision sa Quezon City din. Ang swimming pool ay inilagay sa mismong living room ng bahay.

So unique was the idea that it became a conversation piece among him and his friends.

But guess what? Bago pa man sila makalipat sa bahay, nabaril ang popular action star at namatay.

Kung sabagay, kanya-kanyang belief naman ’yan.

Basta ito ang masasabi namin, Ian F., prayers and our deep faith in Him are the two things that we should allow to matter always. We will not go wrong.

* * *

Walang kaduda-dudang si Kim nga, Ian F., ang pinaka-popular na teenage star sa TV ngayon, lalo na kung TV series ang pag-uusapan.

Since Sana Maulit Muli, which displayed Kim’s dramatic prowess, paulit-ulit na ang kanyang paggawa ng teleserye na mapa-primetime man o hindi ay nagre-rate.

She proved she can also do comedy via My Girl. Tulad ng Sana…, My Girl also teamed her up with Gerald Anderson.

Ganundin ang afternoon series na My Only Hope, na muli nilang pinagtambalan ni Gerald and which co-starred them with Niña Jose and Enchong Dee.

But the series they did together which really took the cake, wika nga, ay ang Tayong Dalawa, kung saan tampok din si Jake cuenca at ang mga beteranong artistang sina Helen Gamboa, Gina Pareño, Agot Isidro at Cherry Pie Picache.

Kim also has the most number of endorsements among young stars her age.

May mahihiling pa ba siya sa birthday niya bukas, April 19 (she’s turning 19)?

“Siguro, ang makita ang Mama ko?” madamdaming sagot ni Kim.

Matatandaang noong nasa loob ng Bahay ni Kuya sina Kim at Gerald for the Pinoy Big Brother Teen Edition 1, binanggit niyang bigla na lang silang iniwanan ng kanilang ina.

Kaya, naiwanan sila sa kanilang lola (paternal), lalo’t nang magkaroon ng bagong pamilya ang kanilang ama.

In fairness to her dad, he’s looking after Kim dito sa Maynila. Ang tatlo niyang mga kapatid kasi ay nasa Cebu. May trabaho na roon ang ate niya at ang dalawa naman ay nag-aaral pa.

May regalo na sa kanya si Gerald?

“Wala pa,” tugon ni Kim.

On her 18th birthday last year, Gerarld gave her a pink car, which she is able to drive herself at ginagamit niya lang on important occasions.

[via]

Labels:


Read more...

Friday, April 17, 2009

Kim Chiu takot iwan ni Gerald Anderson

Aminado si Kim Chiu na natatakot siyang mag-isa sakaling matuloy ang tambalan ng kanyang ka-‘MU’ at loveteam na si Gerald Anderson at ni Sarah Geronimo. “Hindi ko alam kung kakayanin kung mag-isa o kung tatanggapin kami ng fans na ibang ka-loveteam,” sagot ng bagets na aktres na bagay ang kapayatan.

Kuwento pa ni Kim, wala naman silang commitment ni Gerald. “Para walang sakitan pag may nangyari,” sabi pa ni Kim.

Lumabas na ang balita na sina Gerald and Sarah na ang susunod na magta­tambal pero nag-react negatively ang fans nila.

Samantala, tumapat ng Linggo ang 19th birthday niya. Pero tuloy ang trabaho. Nasa ASAP siya at gusto pa niyang tumanggap ng work after para wala siyang ibang maisip gawin.

Pero ayaw niyang magbigay ng particular na gusto niyang regalo ng ka-loveteam dahil baka ibigay na naman sa kanya.

Binigyan siya ni Gerald ng pink car last birthday niya na paminsan-minsan lang niya nagagamit.

Actually, napakabilis na nakalipas ang isang taon mula nang mag-celebrate ng kanyang engrandeng debut.

Same time last year, nadagdagan ang excitement ni Kim ng kumpirmadong siya ang gaganap na Jasmine sa local version ng sikat na Korean telenovela na My Girl. Sa My Girl nagsimula ang tambalan nila, mas kilala bilang Kimerald, sa mataas pang level ng stardom dahil naging top-rater ng ABS-CBN ang nasabing show. Dahil sa tagumpay ng show, nasundan agad ito ng My Only Hope at ngayon nga, ang Tayong Dalawa.

Kasama sa mga plano ni Kim ang kumuha ng acceleration test sa Department of Education para makapag-college siya. Plano niyang kumuha ng business course dahil alam niyang hindi naman lifetime ang career at kailangan niyang mag-invest. Nakabili na siya ng lupa na papatayuan ng bahay.

[via]

Labels:


Read more...