Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, January 05, 2010

Angel Locsin binasted si Efren Peñaflorida!

Guest si Angel Locsin sa The Buzz last Sunday at sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, napaamin siyang dumalaw na sa bahay nila ang CNN Hero of the Year na si Efren Peñaflorida at kinausap ang kanyang ama.

Matatandaang naging very vocal sa media si Efren noon pa sa pagsasabing biggest crush niya si Angel, pero sabi nga ni Boy, biggest love na raw ito ngayon.

“Nag-usap sila ng dad ko. Mas una niyang kinausap ang dad ko kesa sa akin. Nagulat ako pagdating ko, bakit parang nagkukulong sa kuwarto ’yung dalawa, ano ang nagyayari ru’n?” kuwento ni Angel.

Nakapag-usap naman daw sila ni Efren at sinabihan niya ang binata na sa ngayon, ang gusto na lang daw muna niya ay friendship.

“’Yun nga, parang sinabi ko sa kanya na medyo natatakot akong sabihin sa kanya, kasi siyempre, siya ’yung nakikitang hope ng bansa natin, eh.

“Para sa akin kasi, ang mas kailangan natin ngayon sa Pilipinas ’yung hope. At ayoko ’yung... dahil magulo nga ang buhay ko, dahil nasa showbiz ako, ayokong ’yung hope na maibibigay niya sa mga tao, maapektuhan nang dahil sa akin.

“Sinabi ko sa kanya kung ready na ba siya na...ay, nahihiya ako. Kung ready na ba siya na harapin ’yung mga ’yon. Ako kasi sinabi ko na, well, ako kasi gusto ko friendship muna,” nahihiyang kuwento ni Angel.

Samantala, after Only You last year, isang fantasy naman ang susunod na mapapanood kay Angel ng kanyang mga tagahanga.

Kasalukuyan na niyang ginagawa ang Kokey @ Ako kung saan ay first time niyang makakatambal si Vhong Navarro.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

2 Comments:

At 11:21 PM, Anonymous Anonymous said...

hinde bagay kay angel yan.

sobrang panget nya.......hehehehehe

 
At 3:52 PM, Anonymous Anonymous said...

Bakit pogi ka ba?

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES