Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, January 10, 2010

Ejay Falcon, affected sa issue

LABIS palang apektado si Ejay Falcon sa mga lumalabas na negatibong balita tungkol sa kanya na nagsimula nu’ng may sinabi si Erich Gonzales sa solo presscon niya for Tanging Yaman about Ejay at sa ugali nito.

Ayon sa isang malapit kay Ejay na nakausap namin, wala raw sa personality ni Ejay ang magsalita ng ganu’n.

“Soft-spoken ’yung tao at napakamahiyaan kaya paano siya magsasalita ng ganu’n? Hindi ganu’n si Ejay,” pagtatanggol pa nito sa binata.

“Alam naman namin ni Ejay kung kanino nanggaling ang ganu’ng tsismis. May kasamahan siya do’n sa Katorse na siniraan si Ejay dahil gusto niyang pormahan si Erich. Pero nawala na siya sa show,” dagdag pa ng kausap namin.

Sa isang text sa amin ni Ejay, halatang affected siya sa nangyari. “Maraming salamat po sa mga nasusulat n’yo tungkol sa akin. Na-appreciate ko po ’yon lalo na sa ngayon. God bless you.”

Well, maging si Benjie Alipio, manager ni Ejay, ay todo ang pagtatanggol sa kanyang alaga.

“Naku, sabi ko sa kanya, huwag niyang masyadong dibdibin ang mga intriga. Basta alam niyang wala siyang ginagawang masama, hindi siya dapat matakot,” sey pa nito.

Magkasama sina Ejay at Erich sa Tanging Yaman series na magsisimula na bukas (Jan. 11) sa ABS-CBN at papalit sa Katorse.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES