Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, January 27, 2010

FILharmoniKA Concert sa PhilAm Life Theater

Humarap sa press si Gerard Salonga, artistic director at chief conductor ng FILharmoniKA, isang professional orchestra ng bansa, para i-share ang magandang balitang magkakaroon ng first symphonic season ang FILharmoniKA sa PhilAm Life Theater sa Manila.

Masaya si Gerard na mag-perform sa PhilAm Life Theater dahil maganda ang acoustic ng theater at five concerts ang kanilang gagawin.

Ang concert sa February 19 ang magki-kick-off sa first symphonic season ng FILharmoniKA for 2010.

For the April 17 concert, darating sa bansa at makikipag-collaborate ang FILharminaKA sa world’s greatest cellist na si Richard Bamping ng Hong Kong Philharmonic Orchestra para sa Dvorak’s Cello Concerto.

May alok pala si Gerard na mag-stay na for good sa Hong Kong, pero mas pinili nitong manatili at tumugtog sa Pilipinas.

For the July 2 & 3 concert, ang internationally renowned Filipino pianist Cecile Licad naman ang makakasama ng FILharmoniKA sa Gershwin’s Piano Concerto.

May susunod pang concert sa October at November ang FILharmoniKA.

Ang Net 25 ang media partner nito, magko-cover at magpapalabas ng concert para mapanood ng hindi makakapunta sa PhilAm Life.

Nilinaw ni Gerard na hindi exclusive sa PhilAm Life Theater ang FILharmoniKA, pero dito sila magkakaroon ng symphonic season.

Classical music illiterate kami at ’di namin kilala ang composers na binanggit ni Gerard at ang pamilyar lang sa amin ay si Gershwin.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES