Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, January 02, 2010

Jake Cuenca walang maaming relasyon

Birthday ni Jake Cuenca noong December 30, 2009, pero sa halip ng isang bonggang party, nag­simba ang actor para magpasalamat sa maraming blessings na dumating at ibi­nigay sa kanya sa nakaraang taon.

Ang wish nito, magpatuloy ang magandang takbo ng kanyang career
this 2010 at pasalamat siya sa mga naka-line-up niyang pro­jects sa ABS-CBN sa first quarter ng taon gaya ng Agimat at Rubi kasama si Angelica Panganiban at pagbabalik niya sa prime­time block.

Hindi nakaiwas si Jake na usisain ng kanyang love life, pero dismayado ang press dahil wala itong inamin sa nababalitang relasyon nila ni Melissa Ricks.

Wala raw silang dapat aminin ng aktres dahil friends lang sila, pero inaming may kon­ting kurot sa puso niya ang pagkaka-link nito kay Jolo Revilla. Ano ‘yun? Ang gulo ni Jake ha!

Ikinatuwa rin ni Jake na friends na uli sila ni Roxanne Guinoo and in fact, puwede na uli silang magkatrabaho. Happy daw siya na masaya ito sa piling ng boyfriend na kilala niya.

Pati si Cristine Reyes na naka-isyu niya dati ay kaibigan na niya. Sabi ni Jake: “Iba na ang friendship namin, close na kami. Sobra kong na-appreciate ang offer niyang samahan ako sa birthday ko kung wala akong gagawin. Puwede raw akong sumama sa kanila ng mga kaibigan niya, pero may iba na akong plano.”

Nanghihinayang si Jake na hindi natuloy ang Nieves, kung saan makakasama niya sana sina Marian Rivera at Carla Abellana, kaya wish nito, matuloy pa rin ang project.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES