Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, January 29, 2010

Judy Ann ‘niluhuran’ ng ABS-CBN para tapusin ang bagong teleserye

PAGKATAPOS nang halos tatlong taong pagkawala sa primetime shows ng ABS-CBN, muling magni-ningning ang nag-iisang bituin ng teleseryeng si Judy Ann Santos via Habang May Buhay kasama sina Derek Ramsay, Gladys Reyes, Joem Bascon, John Arcilla, Tetchie Agbayani, Gina Alajar at Rio Locsin, sa direksiyon ni Wenn Deramas.

Pero ano nga ba ang totoong dahilan kung bakit kay tagal bago muling nagkaroon ng primetime show si Juday?

“Parang, mag-ina ‘yan eh! May mga konting hindi pagkakaunawaan. May mga konting tampuhan na naaayos din naman. Open naman ako sa ABS-CBN management. Kung ano ang naging tampo ko ay sina-sabi ko naman sa kanila at nakita ko naman, in fairness, ‘yung pagiging professional nila at ‘yung pagsuyo nila at pagbibigay ng effort para suyuin ako. Hindi naman talaga maiwasang may mga ganoong tampuhan lang naman! No-ong kinausap nila ako, si-nabi ko lang naman sa kanila na sa susunod ay huwag naman akong abutin ng tatlong taong walang trabaho, mga isang taon at kalahati lang, okey lang sa akin,” bungisngis na pagkukuwento sa amin ni Juday sa presscon ng Habang May Buhay.

Hindi maiwasang kulitin ang sikat na aktres kung ano naman ang kanyang reaksiyon sa naging desisyon ni Claudine na lumipat sa bakuran ng GMA-7!

“May mga bagay-bagay na dumarating tayo sa puntong kailangan nating gumawa ng desisyon katulad ng desisyong ginawa ni Claudine. Isang mabigat na desisyon ‘yun at bilib ako kay Claudine dahil napanindigan niya ‘yun. Siyempre, hindi na siya tulad noong dati na single lang, isa na siyang pamilyadong tao at kailangan mayroon siyang hanapbuhay, ‘di ba? Bilib ako sa kanya!” komento ni Juday.

Minsan niya na rin bang naisipang mag-ober da bakod?

“Oo naman! Jusko day, mga apat na beses ko na yatang naisip gawin ‘yun, pero tulad nga ng sinabi ko kanina, may mga bagay na kailangan lang pag-usapan at huwag pabigla-bigla sa pagpapasya! Hindi naman ako perpektong tao at tao lang din naman akong nakikiramdam din!” aniya.

Mismong si Juday na rin ang nagsabing wala na nga sa bansa kundi nasa Amerika na ang kaibigan niyang si Beth Tamayo.

“Alam ni Beth kung gaano ko siya kamahal bilang kaibigan at hindi ko na kailangang sabihin ‘yun sa kanya dahil alam niya na ‘yun! Bago siya umalis, nag-usap kami at ang alam ko ay okey na siya ngayon, and she’s doing good and great already at mas masaya ako para sa kanya,” pahayag ng Queen of teleserye ng Dos.

Ngayong February 1 na mapapanood ang pagbabalik-primetime ni Juday via Habang May Buhay.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES