Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, January 12, 2010

Judy Ann Santos, Planong paglipat sa Siyete, inamin

SA wakas, nagkaroon na ng grand presscon ang nurserye ni Judy Ann Santos, ang Habang May Buhay, which means, after three years in the making, tuloy na tuloy na ang airing nito sa Feb. 1 sa ABS-CBN Primetime Bida.

Kahapon sa presscon, naitanong namin kay Juday kung ano ang feeling niya ngayong maipalalabas na ang kanyang teleserye.

“Siyempre, hindi naman ako magpapakaipokritang sabihing okay lang, ’di ba? Siyempre, magiging honest naman ako sa pagsasabing nainip din naman ako.

“Pero naniniwala rin naman ako sa proseso na kung hindi bilib ang management, ibig sabihin, may kulang pa. “So, naniniwala ako na kung kailangan pang pagandahin, dapat gawan talaga ng paraan.

“Medyo natagalan lang talaga. At sayang din ’yung nagdaang panahon na I could have done a lot more series o kung anuman.

“Pero ganu’n talaga. May mga pagkakataong dumarating sa buhay mo na tine-test ang patience mo at isa ito sa mga ’yon,” sabi ni Juday.

Matatandaang kung ilang beses na ring nagpalit ng direktor ang nasabing serye hanggang sa naging final na nga si Direk Wenn Deramas.

Dumating din sa puntong kinailangan itong palitan nang buo at simulan mula sa umpisa kahit marami nang naite-tape.

Sa lahat ng ito, ayon kay Juday, wala siyang masasabi kundi “Hay…” na lang.

“Wala ka namang choice, eh. Pero okay lang, kasi marami akong learnings, marami akong realization and observations na naganap.

“So, okay lang, it’s worth the wait and I believe in my directors, I believe in the cast, I believe in the story as well kaya ’yung faith ng buong staff dito at mga direktor, hindi mo matatawaran, kasi alam mong may tiwala sila na this will...well, maybe it won’t be a big, big series, pero I know na one way or another, mamarka naman ito sa mga tao.”

Sa ngayon, last four taping days na lang daw ang Habang May Buhay at biro ni Juday, masaya siya ngayong matatapos na sila dahil napakatagal na raw nila itong ginagawa.

“Tama lang namang magtapos na kami, ’di ba? Kasi, ang tagal na namin. Para makapag-move-on na rin kami sa kanya-kanya naming mga buhay.

“Like ako, simple lang, ’yung makapagpagupit ka. Hindi ako makapagpagupit, kasi continuity. ’Yung ganu’n lang naman. But it doesn’t mean that I’m happy because I won’t be seeing the staff and the cast. Of course, a part of me rin naman is sad because I’ve been really good friends with my staff especially, my TC, of course with Direk Wenn, kasi naging parte rin sila ng buhay ko.

“Pero maliban du’n, masayang-masaya ako kasi makakagawa na ako ng ibang projects o ng iba pang teleserye,” aniya.

Samantala, natanong kay Juday ang tungkol sa paglipat ni Claudine Barretto sa GMA-7. Last year kasi, siya ang matunog na matunog na lilipat, pero iba ngang aktres ang natuloy. In the end, siya ang may loyalty sa network.

“Hindi naman. Para sa akin ano, bilang artista, ’yung loyalty is something beyond any ano already, eh. Hindi na usapan ’yon, sa panahon ngayon, ano, para sa akin, kung gustong lumipat ng isang artista kung hindi siya masaya, nasa kanyang desisyon ’yon. Kung gustong lumipat ng isang artista dahil wala siyang sapat na trabaho kung saan siya nandoon, tama lang din naman, hindi ba, kasi especially kung pamilyado ka, iisipin mo ’yung kinabukasan ng pamilya mo, hindi ’yung ikaw na lang.

“Hindi mo maiiwasan na may mga taong mag-react, bakit ganito, bakit ganyan, pero buhay mo ’yan, eh, susundin mo kung ano ang gusto mo, kung saan mo palagay na mas makakabuti sa ’yo, ang role na lang ng iba ngayon is umintindi, huwag na sanang magsabi ng kung anupaman, kasi hindi naman nila alam kung ano ang pinagdaanan ng taong lumipat, hindi nila alam kung ano ang naramdaman niya, so, intindihin na lang natin.

“Wala tayong ibang puwedeng gawin ngayon kundi umintindi at mag-wish tayo na sana, it’s all for the best.”

Dahil sa paglipat ni Claudine, nangangahulugan bang hindi na matutuloy ang nilulutong project para pagsamahin silang dalawa?

“Maraming posibildad na puwedeng matuloy, eh. Puwedeng sa Viva, puwedeng sa Regal, maraming posibilidad na puwedeng ipasok. Ako, hoping pa rin na sana, one day matuloy ’yon.”

Hindi pa raw sila nagkakausap ni Claudine dahil hindi naman sila masasabing best of friends talaga, pero naniniwala raw si Juday na good friends sila at ang friendship na ’yon ay something na hindi pang-showbiz lang.

“’Pag nagkikita kami, nag-uusap kami. Malaki rin naman ang utang na loob ko sa kanya pagdating sa anak ko, so, looking forward ako to work with Claudine and to be her friend one day.”

Aminado si Juday na na-shock siya nang unang mabalitaan ang paglipat ni Claudine.

“Siyempre, nagulat ako, na-shock ako. Pero at the same time, naindintihan ko agad kung bakit may ganu’ng desisyon, kasi hindi naman siya nag-iisa sa pag-isip ng ganu’n, eh.

“Maaaring hindi lang ako ang artistang umaamin, baka nga ako lang ang artistang umaamin na nag-iisip lumipat, pero marami ’yan, hindi n’yo lang alam kung sino pero marami ’yan,” she said.

Anyway, leading man ni Juday sa Habang May Buhay si Derek Ramsay at ibinabalik din ang samahan nila ni Gladys Reyes bilang kontrabida niya. Matatandaang huli nila itong ginawa sa Mara Clara many years ago.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 2:43 PM, Anonymous Anonymous said...

go go go.. judy ann wee luv u...

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES