Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, January 28, 2010

Judy Ann Santos - Undisputed Teleserye Queen

SA ginanap na bonggang presscon para sa Habang May Buhay series ni Judy Ann Santos sa Fernwood Gardens kamakalawa ng gabi, kitang-kita kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ng ABS-CBN sa aktres.

Sa audio visual presentation, pati na rin sa introduction kay Juday, tinawag nila itong “Undisputed Teleserye Queen” at “Reyna ng Pinoy Soap Opera.”

“Sobrang nakaka-flatter. Iniisip ko nga kung totoo ba ’to,” pahayag ng aktres.

Eh, ano ba ang feeling niya sa bagong title na ibinigay?

“Sa totoo lang, hindi ako kumportable. Kasi ’pag merong ganito, mas tumitindi rin ang expectations ng tao, eh,” dagdag pa ni Juday.

Para sa kanya, hindi lang siya ang dapat tawaging “Teleserye Queen” o “Reyna ng Pinoy Soap Opera.”

“Kasama ko rin po dito sa ganitong pagkilala si Claudine (Barretto). Sana dalawa kaming binigyan ng ganitong title,” sambit pa niya.

Nagbigay din ang aktres ng reaksyon sa paglipat ni Claudine sa GMA-7.

“Naiintindihan ko siya kung bakit niya ginawa ’yon. Siyempre, may pamilya siya na kailangang buhayin. At saludo ako sa ginawa niya kasi napanindigan niya ’yon.

“Ako nga, apat na beses ko na ring naisip na lumipat sa kabila, pero awa ng Diyos, tuwing mangyayari ’yon, may ibinibigay naman silang trabaho sa akin… may magandang nangyayari.

“Pero sana ’yung susunod na project na ibigay nila ay hindi na abutin ng three years na tulad ng nangyari dito sa Habang May Buhay. Hahaha!” makahulugang biro pa ni Juday.

Sa Feb. 1 na magsisimula ang Habang May Buhay at kasama sa cast sina Gladys Reyes, Joem Bascon, Will Devaughn, Derek Ramsay, Tetchie Agbayani at Rio Locsin.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES