Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, January 02, 2010

Kim Chiu and Erich Gonzales, pinagsasabong!

Hindi issue para kay Erich Gonzales ang ginagawang pagtatapat sa kanila ngayon ni Kim Chiu. Napag-usapan nga raw nila ito ng young actress at aniya, they just laugh about it.

“Kami nga po ni Kim, natatawa kami sa mga nang-iintriga na compare-compare pero kami po ni Kim, magkaibigan naman po kami talaga and wala, I’m happy for Kim po, kung anuman po ’yung na-achieve niya ngayon, talagang deserved naman po niya, talagang napakahusay naman ni Kim and napaka-professional niya, and yes, she’s happy for me also, kung anuman ang nararating ko ngayon,” say ni Erich.

It can’t be denied na ang ganda-ganda naman talaga ng takbo ng career ni Erich ngayon. Binansagan nga siyang Breakthrough Artist of 2009 dahil sa napa-kalaking break na dumating sa kanya, ang Katorse, kung saan ay pinatunayan niya sa lahat na kaya niyang magdala ng sariling prog-rama.

Kaya naman ngayong 2010 ay patuloy pa rin ang magagandang projects para sa kanya at isa na nga rito ay ang teleseryeng Tanging Yaman na magsisi-mula na this January.

Sa lahat ng ito, labis-labis ang pasasalamat ni Erich sa ABS-CBN management sa patuloy na pagtitiwala sa kanya. Say nga niya, mas sisikapin pa niyang pagbu-tihin ang trabaho para na-man hindi masayang ang tiwalang ibinibigay sa kanya ng network.

’Yun nga lang, sa rami ng trabaho ni Erich, ni ang pagkain ay nakakalimutan na niya. Kaya naman ang New Year’s resolution daw niya ngayon ay kumain sa tamang oras.

May pumansin nga na medyo pumapayat nga siya at say niya, siguro raw ay kasama na rin ang puyat.

“Pero siyempre po, ba’t naman ako magrereklamo? Trabaho po ’yan kaya napa-kaswerte ko lang po talaga na sa lahat ng artista na naghihintay ng trabaho, naghahanap, sa akin po, nandito na, so very thankful po talaga ako,” she said.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES