Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, January 14, 2010

Kim Chiu, sanay makitang nakahubad si Gerald

MAGANDA ang pasok ng taong 2010 kay Gerald Anderson dahil bida na naman ang tambalan nila ni Kim Chiu sa panibagong soap opera ng ABS-CBN -- ang Kung Tayo’y Magkakalayo na magsisimula na sa Lunes (Jan. 18).

Naging mainit ang pagtanggap ng tao sa katatapos lang nilang serye na Tayong Dalawa kaya hindi maiwasang ma-pressure ang binata sa panibagong project nila ni Kim sa Dos.

“Kung nagustuhan nila ’yung Tayong Dalawa, alam kong magugustuhan din nila itong Kung Tayo’y Magkakalayo,” kampanteng pahayag ng binata.

“Sa lahat naman ng projects may pressure. Nadagdagan lang dito dahil sobrang laki nung proyekto, napakabigat ng cast. Pero masaya and confident kami dahil pinaghirapan naming lahat ito and we made sure that we give our best in each scene that we do,” dagdag pa niya.

Masaya rin si Gerald na nakatrabaho niya si Gabby Concepcion.

“Sobra akong blessed to be working with someone like him kasi he’s the ultimate matinee idol nu’ng araw. It’s very humbling, madami akong na-absorb sa kanya. Sobra akong blessed. Idol ko talaga siya.”

Humingi ba siya ng tips kay Gabby sa pag-arte? “Hindi naman kasi namin napag-uusapan ’yung work. Basta ‘pag may free time, nag-uusap kami tungkol sa kahit na ano,” paliwanag pa ni Gerald.

Isa pang nakadaragdag ng pressure ngayon kay Gerald ay ang bagong tawag sa kanya bilang “Action Drama Prince of Primetime Bida.”

“Hindi ko naman iniisip ’yon. Basta ako, ginagawa ko lang nang maayos ang trabaho ko,” mariin niyang tugon.

Ipinagmalaki rin ng binata na mas cute at nakakakilig daw ang tambalan nila ni Kim sa Kung Tayo’y Magkakalayo.

“Mas matutuwa sila sa mapapanood nila at sigurado akong mas kiki-ligin sila dito,” hirit pa niya.

Bukod sa KTM series, bida rin ang magka-love-team sa bagong pelikula ng Star Cinema na Paano Na Kaya na ipalalabas sa Jan. 27.

“Sobra kaming overwhelmed dahil bukod sa soap namin, may movie pa kami. Thankful kami ni Kim sa laki ng tiwala na ibinibigay sa amin ng management kaya talagang hindi namin sila bibiguin lalo na ang mga Kimerald na talagang sumusuporta sa amin ni Kim.”

Sa MTV na napanood namin for the movie, kapansin-pansin ang pagpapakita ni Gerald ng kanyang magandang katawan. Handa na ba siyang magpaseksi?

“Actually ’yung eksena na ’yun napaka-cute, napakaganda ng execution. Magaling din si Direk Ruel (Bayani) and inalagaan niya kami.

“Hindi naman nailang si Kim kasi sanay naman siya kasi mula nu’ng Cosmo medyo naghuhubad na ako, hindi ko alam kung bakit (laughs). Pero she’s very supportive of me and ganu’n din ako para sa kanya.

“Kaya dapat panoorin nila ’yung movie namin para makita nila ’yung sinasabi ko. Ha-ha-ha!” sabi pa ulit ng aktor.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES