Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, January 03, 2010

Kris Aquino hindi sasamahan si Noynoy sa kampanya

Sobrang nag-enjoy si Kris Aquino at ang pamilya sa two-day vacation nila sa Bangkok, Thailand nung nakaraang Holiday Season. Ipinakita sa Showbiz News

Ngayon ang kanilang mga aktibidades at nakakaaliw tingnan ang mag-kuyang sina Joshua at Baby James habang nagsu-swimming.

Say nga ni Kris, mahilig talaga sa swimming ang magkapatid lalo na nga si Joshua na kahit maghapon ay kayang magbabad sa tubig.

Namasyal din ang mag-anak sa Safari World kung saan, pati si Kris ay nag-enjoy sa iba’t ibang hayop na nakita.

“Nagandahan kami talaga sa Safari World, kasi sabi ko nga, it was like Lion King come to life. Talagang lahat ng animals bongga,” say ni Kris.

Pero ang place na talagang nag-enjoy daw nang husto si Baby James ay sa Kiddie’s World na puro bola.

Sa pagsa-shopping nila sa mall ay hindi sinasad-yang nakita nila sina Kim Chiu at Enchong Dee.

“Nakita namin si Kim, si Kim at si Anne, nagsu-shooting ng commercial,” say ni Kris.

Si Enchong naman, kasama ang pamilya ay doon nag-spend ng Christmas and New Year.

Dahil tapos na ang holiday season, back to work na si Kris sa The Buzz and SNN. Bukod dito ay may taping pa siya ng teleserye nila ni Kim and Gerald Anderson na malapit nang umere, ang Kung Tayo’y Magkakalayo.

Dahil papalapit na ang eleksyon, tiyak na mada-dagdag sa busy schedule ni Kris ang pangangampanya para sa kandidatura ng kapatid na tumatakbong presidente, si Sen. Noynoy Aquino.

Pero say ng aktres/TV host, ang mga kapatid daw niyang babae talaga ang tututok sa pagsama sa iba’t ibang lugar since baka hindi kayanin ng schedule niya. Pero sasama naman daw siya kapag may libreng oras.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 7:53 PM, Blogger Maroussia said...

It will be great to watch Lion King, i have bought tickets from
http://ticketfront.com/event/Lion_King-tickets looking forward to it.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES