Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, January 29, 2010

Martin Nievera walang sama ng loob kay Jomari

Kung kay Jomari Yllana ay wala na ang mga namagitan sa kanila ni Martin Nievera last year, ganundin naman ang Concert King.

Say niya nang makausap namin sa presscon nila ni Gary Valenciano last Wednesday para sa As 1 U.S. tour (second leg), walang atraso ang aktor sa kanya.

“Hindi naman kami ang nag-aaway. He didn’t break-up with me. If I saw him now, ‘oh, hi,’ wala akong sama ng loob. Wala akong grudges, I said it a long time ago, Jomari did not take Pops (Fernandez) away from me, so, wala akong sama ng loob.

“Kung nasaktan si Pops dahil sa relationship nila, that’s really their problem. But since Pops involved me by coming to me in her crying days which she always does, and I, also, ’pag may heartache rin ako, I go to Pops, which I find funny, it’s really weird. In Pops’ words, we’re really a weird couple,” say ni Martin.

Komento naman ng isang reporter, kasi nga, mag-asawa pa rin sila kahit paano.

“Yeah, wala lang sex,” direstso niyang sabi kaya nagkatawanan lahat.

Kapag mga ganu’ng pagkakataon daw na umiiyak si Pops sa balikat niya, nasasaktan din siya.

“I feel so bad, I get hurt for her. Pero iba ’yung placement ko ngayon, eh. Parang feeling ko, wala akong karapatan na sasabihin ko ’yon, pero gusto kong sabihin at alam ko ’yung sagot but dapat, galing sa kanya.”

Minsan, hindi raw niya alam kung ano ang dapat gawin since magkaibigan na nga lang sila ngayon.

“Because why did you come to me? Kung ano ba talaga ako, baka kailangan lang niya talaga ng shoulder, ’yung tenga ko, but baka mamaya, she wants more, so, tell me what to do.

“’Yung palaging sinasabi ni Pops is, ‘what’s wrong with me?’ I said, ‘what?’ And then she’d say, ‘what’s wrong with me, why can I not hit a relationship?’

“I said, ‘are you sure, you wanna talk to me about this?’ And then natatawa siya, natatawang umiiyak, you know, ’yung time nung Missing You (concert nila ni Pops last year na prinodyus ni Jomari).

“I’m glad she comes to me, though, so, whatever I can do for you, siyempre, nanay siya ng mga anak ko.”

Bakit kasi hindi na lang sila mag-reconcile?

“Well, I don’t know, who knows? We really don’t know,” nasabi na lang ni Martin.

Aminado rin ang concert king na may nararamdaman pa siya para sa ex-wife, pero parati raw nauuna ang guilt feeling at say niya, siguro ay forever siyang makakaramdam ng guilt for the rest of his life.

Sa ngayon, maganda ang relasyon nila bilang magkaibigan, kaya let’s leave it at that.

Anyway, back to the As 1 concert tour, uunahin nina Gary at Martin na mag-perform sa Washington DC sa Feb. 27, then, sa 28th, sa Connecticut, Tamba Bay, Florida on March 26, sa Reno, Nevada on March 12, Dallas, Texas on March 14 at Pasadena, California on March 21.

Sa April 8 ay sa Dubai naman sila at sa Qatar on April 9.

Matatandaang last year, naging successful ang nasabing back-to-back concert nina Gary at Martin na ginanap sa SM Mall of Asia.

Agad itong nasundan ng U.S. tour last October, kung saan ay nag-perform sila sa siyam na cities ng North America.

Ang nasabing U.S. concert tour was tagged as the “highest-grossing Filipino concert in the U.S. in 2009” dahil sold-out ang lahat ng venues na pinagdausan nito.

By popular demand, babalik ang As 1 sa U.S. ngayong Pebrero at pagkatapos nito, baka magkaroon sila ng repeat dito sa Pilipinas.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES