Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, January 05, 2010

Pagbabantay ni Gerald Anderson kay Kim, binuking ni Kris

Nakakatuwang panoorin sina Gerald Anderson at Kim Chiu last Sunday sa The Buzz dahil obvious na talaga sa mga kilos nila na may feelings sila for each other.

Kung dati ay hindi mo makikita sa kanila na nagkakagustuhan sila or baka magaling lang silang magtago, ngayon ay kusa na talaga itong lumalabas kahit sa mga simpleng tinginan lang nila.

On air ay ibinigay ni Gerald ang Christmas gift niyang pink bike cruiser kay Kim at aniya, may isa pa siyang regalong ibibigay sa leading lady pero ayaw pa niyang sabihin dahil surprise raw at baka next week pa niya ibigay sa young actress.

Hindi naman nakapagdala ng Christmas gift si Kim kay Gerald dahil ayaw daw ng young actor, pero say ng dalaga, may regalo siya talaga para sa leading man at ayaw niya ring sabihin kung ano ’yon.

Ibinuking naman ni Kris Aquino ang pagbabantay na ginawa ni Gerald sa taping ng bago nilang seryeng Kung Tayo’y Magkakalayo.

As in, wala raw eksena ang young actor, pero talagang magdamag na nasa set. Kinontra naman ito ng magka-loveteam dahil hindi naman daw buong gabi ’yon kundi ilang oras lamang.

Dinalhan din daw ni Gerald ng pagkain at drinks si Kim mula sa Starbucks, pagpapatunay lang na talagang nasa ibang lebel na ng relasyon ang dalawa.

Anyway, na-miss nang husto ng kanilang tagahanga ang magka-loveteam at talagang after Tayong Dalawa, dinagsa ng request ang ABS-CBN na makitang muli ang dalawa sa telebisyon.

Kaya pinagbigyan naman ang kanilang request at binigyan agad ng Kung Tayo’y Magkakalayo sina Kim at Gerald.

Inagahan na rin ang airing nito dahil na rin sa request ng fans. Instead of February, sa Jan. 18 na ito magsisimulang mapanood.

Pero ang talagang pinakamalaking treat ng magka-loveteam ngayong 2010 para sa kanilang fans ay ang pelikulang Paano Na Kaya na opening salvo ng Star Cinema ngayong taon.

Sa January 27 naman ang showing nito at base sa teaser na ipinakikita, mukhang titipak ito sa takilya dahil bukod sa nakakakilig ang mga eksena ng dalawa, hindi matatawarang isa sina Kim at Gerald sa hottest loveteams natin ngayon.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES