Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, January 08, 2010

Piolo Pascual - Pag ikakasal na ako, ’yun ang announcement

Panalung-panalo ang January issue ng Men’s Health Magazine kung saan ay si Piolo Pascual ang cover at featured star sa inside pages.

Dito ay makikita ang slim na slim na katawan ng aktor na talagang, in fairness to him, pinaghirapan niyang ma-achieve.

Sa mga larawang matutunghayan sa aktor sa inside pages ay makikita ang kanyang six-pack abs na talagang napaka-yummy tingnan.

Hindi birong training at workout ang ginagawa ni PJ (nickname ni Piolo) para ma-achieve ang katawan niya ngayon.

He’s into running at every other day ay tumatakbo siya ng 5-10 kilometers.

Ever since, health buff talaga si Piolo at isa pa itong nakatulong para gumanda ang katawan niya. Clean living siya, walang bisyo at talagang madisiplina sa katawan.

“Parang for me, you wanna feel good about yourself, you wanna live longer, you wanna take care of yourself, you wanna be able to do a lot of things, I’m very adventurous, I do a lot of extreme works, so, might as well take care of your body, ’di ba?

“’Coz you only have one life to live, you only have one body to take care of, so, do the right thing,” sabi niya sa presscon ng kanyang issue ng Men’s Health mag.

Natanong nga kung nakita na ba ni KC Concepcion ang nasabing January issue at say niya, mukhang hindi pa dahil siya nga, ngayon lang nakita ang kopya.

Since napag-usapan na rin lang si KC, ang lahat ay curious malaman kung ano na ba ang status nila lalo pa nga’t natapos na ang Lovers in Paris.

Ayon kay Piolo, patuloy pa rin ang communication nila, pero kapansin-pansin na tulad ng dati, hirap pa rin siyang pag-usapan ang young actress.

Hindi rin niya malagyan ng label kung ano bang meron sila ni KC, pero nang tanungin siya kung getting there na ba sila, ang maikling say niya, “Huwag nating pangunahan, baka nandu’n na nga, eh.”

So, bakit hirap na hirap siyang bigyan ng label?

“Eh, kasi, gusto ko, ’pag nagsalita ako, gusto ko, ’yun na ’yon. So, baka hindi, eh, so, you gotta be sure.”

Basta raw masaya siya kung anuman ang meron sila ngayon ni KC at kung may next announcement man siya, gusto raw niya ay kasal na agad.

“’Pag ikakasal na ako, ’yun ang announcement, o baka ’pag kasal na ako,” he said.

Masasabi ba niyang happy ang kanyang lovelife ngayon?

“Masaya ako in the truest sense of the word, lagi naman akong in-love, eh, and I’m always inspired as well. Pero ’yung pagse-settle lang siguro ang next step na pag-iisipan mo nang mabuti. Pero, I’m happy.”

Not this year pa siya magse-settle down? “Who knows?” bitin niyang sagot.

Anyway, bukod sa January issue ng Men’s Health ay marami pang aabangan kay Piolo ngayong 2010.

“I’m still promoting my album, it’s out in the market, and it’s doing good. I’m happy about it. I’m gonna release my second single na Can’t Take My Eyes Off You,” aniya.

May movie rin siyang gagawin under Star Cinema with Zaijian Jaranilla.

Ginagawa na rin daw nila ang Kimmy Dora 3. Asked kung bakit three agad, natatawa niyang say, “Kasi, gusto namin ng three, ayaw namin ng two, parang Star Wars lang ’yan, babalikan ang two, idea ni Joyce (Bernal, direktor at co-producer nila) ’yon.”

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES