Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, February 18, 2010

ABS-CBN mas lumamang sa national ratings

Mas lalo pang lumaki ang lamang ng ABS-CBN sa kalaban nitong network pagdating sa national ratings sa pagtatapos ng taong 2009 ayon sa datos ng global research specialist na Taylor Nelson Sofres (TNS).

Mula sa 44% audience share kumpara sa 37% share ng GMA-7 noong Feb 2009, umariba pa ang ABS-CBN pagdating ng Dec 2009 sa audience share na 48% laban sa 31% ng karibal na istasyon.

Ang pag-akyat ng lamang ng ABS-CBN mula sa dalawang-percentage points hanggang sa 17-percentage points ay dahilan na rin sa pagtutuon ng pansin ng network sa kanilang mga core viewers, pagtaas ng antas at kalidad ng kanilang produksiyon, pagpapaganda ng TV reception, at mahusay na pamamaraan ng pagsasalamin sa buhay ng bawat Pilipino sa mga programa nito tampok ang pinakamagagaling na artista sa industriya.

Kapansin-pansin din ang pagbabago ng audience share pagdating sa Mega Manila kung saan mula sa nine percentage points noong Feb 2009 (ABS-CBN 34% vs GMA 43%), ay dalawang percentage point na lang ang layo ng Kapuso Network sa Kapamilya Network sa pagsasara ng nakaraang taon (ABS-CBN 37% vs GMA 39%).

Pagdating naman sa Metro Manila, na siyang bumubuo sa kalakhan ng Mega Manila, nakatala ng 37% audience share ang ABS-CBN laban sa 40% ng GMA noong Feb 2009 na umakyat pa hanggang 39%.

Sa buong bansa, nanatiling namamayagpag ang ABS-CBN matapos nitong makuha ang 45% audience share laban sa kabilang network na nakatamo ng 34%. Ito rin ang nangunguna pagdating sa mga lugar sa Luzon sa labas ng Mega Manila sa audience share na 49% laban sa 32% ng GMA; 62% sa Visayas laban sa 22%; at 70% sa Mindanao kung saan inilampaso nito ang Kapuso Network na may 15% lamang.

Samantala, 14 sa Top 15 programa para sa taong 2009 ay mula pa rin sa ABS-CBN.

Ang teleseryeng May Bukas Pa, na siyang nagpasikat sa miracle boy na si Santino, ang siyang nanguna sa listahan sa rating na 37.2%, na sinundan ng local adaptatation ng I Love Betty La Fea (36.8%) kung saan gumanap si Bea Alonzo bilang Pinay Beatriz Pengson; local adaptation ng patok na Korean series na Only You (36.3%) tampok sina Angel Locsin, Diether Ocampo at Sam Milby; at ang pinakapinag-usapang hidwaang magkapatid nina David at JR na ginagampanan nina Jake Cuenca at Gerald Anderson sa Tayong Dalawa (35.5%).

Ang TV Patrol World (34.4%) naman ang tanging news program na nakapasok sa Top 5. Sumunod naman dito ang reality-drama na Pinoy Big Brother Double Up na pumalo ng 32.2% sa pilot airing; ang remake ng isa sa classic Agimat saga ni Ramon Revilla na Pepeng Agimat na kumana naman ng 31%, at ang hindi malilimutang kuwento ni Nene (gi­nampanan ni Erich Gonzales) sa Katorse na hu­mataw sa rating na 30.2% dala na rin ng maka­toto­hanan at makabuluhang aral na hatid nito sa mga kabataan.

Pasok din sa Top 15 ang magazine program ni Korina Sanchez na Rated K sa average rating na 29% habang ang videoke-inspired show na The Singing Bee tuwing Sabado at Linggo ay nakatamo naman ng 28.15.

Pasok din ang Boys Over Flowers (28.5%). Ito ang tanging palabas na galing sa ibang bansa na nakapasok sa Top 15.

Kabilang sa mga programang dapat abangan para sa taong ito ay ang Pinoy version ng hit Mexi­canovela na Rubi na gagampanan ni Angelica Pa­nganiban, talent-reality show na Pilipinas Got Talent, fantaserye na Kokey@Ako, pocketbook adaptation ng Midnight Phantom at Impostor at ang remake ng sikat na youth oriented show na Gimik na pina­magatang Gimik 2010.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES