Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, February 03, 2010

Andi Eigenmann sa Agua Bendita

Masuwerte si Andi Eigenmann dahil siya ang napili ng ABS-CBN para maging bida sa bagong seryeng Agua Bendita gayung kay bagu-bago pa lang niya.

Una siyang napanood sa Prinsesa ng Banyera at ngayon ay lead role na agad.

Ayon sa production team ng Agua Bandita, napili nila si Andi dahil kailangan nila ng young and fresh face para sa naturang karakter at deserving daw talaga ang dalaga sa naturang papel.

Ang Agua Bendita ay dati nang ginampanan ni Shaina Magdayao sa Komiks Presents. Ayon kay Kylie Manalo-Balagtas, EP ng Agua Bendita, sa lahat ng istorya ng Komiks, ito ang isa sa may pinakamataas na ratings kaya naisip nilang gawan ng serye.

Iniintriga tuloy kung bakit hindi si Shaina ang kinuha para maging bida ulit. Does this mean na hindi na fresh ang young actress?

“Ay, hindi naman po ganu’n,” sabi ni Kylie. “Si Shaina po kasi, kasama sa Rubi na mag-e-air na this February.”

Sa totoo lang, maganda si Andi at fresh nga. Kahawig siya ng inang si Jaclyn Jose. Hopefully, mamana rin niya ang kahusayan nito sa pag-arte pati na rin ng kanyang amang si Mark Gil.

Alam naman ni Andi na hindi talaga maiwasang maikumpara siya sa ina at aniya, sinabihan din siya ng mommy niya na ihanda ang sarili sa comparison.

“Alam ko naman na puwedeng mangyari ’yon, na ikumpara ako sa mom ko, but mismong mom ko na ang nagsabi na ihanda ko ang sarili ko doon kaya hindi naman ako dapat matakot. And she advised me that I have a style of my own kaya I just have to let it out and shine,” say pa ni Andi.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES