Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, February 11, 2010

Angel Locsin may bagong manager na!

Now it can be told, Salve A. Ang tinaguriang Dean of Entertainment writers na si Manay Ethel Ramos na ang bagong manager ni Angel Locsin.

A few days ago, kami rin ang nagbalita sa aming column na wala na si Angel sa poder ng dati niyang manager na si Becky Aguila pero wala kaming detalye kung bakit muling naghiwalay ng landas ang dalawa sa pangalawang pagkakataon.

Bago napunta si Angel sa pangangalaga ni Manay Ethel, lumatang din ang pangalan ng TV host-talent manager na si Boy Abunda pero walang kumpir­mas­yon na nagmula sa King of Talk at ganundin na­man sa kampo ni Angel.

Ngayong nakatagpo na si Angel ng bagong manager sa katauhan ni Manay Ethel na siya ring manager for the longest time ni Aga Muhlach, mukhang matutuloy na ang pag­ta­tambal sa pelikula nina Aga at Angel na matagal-tagal na ring lumulutang sa mga balita.

Sa pagkakaalam namin, si Becky pa ang nag-negotiate ng bagong endor­se­ment ni Angel, ang Japanese beauty product line na Mosbeau na available na rin sa Pilipinas at ni-launched sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan kaha­pon.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES