Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, February 07, 2010

Coco Martin denies Kris Aquino and Kim Chiu bullied him

Nilinaw ni Coco Martin na walang katotohanan ang mga bali-balitang nilalait umano siya nina Kris Aquino at Kim Chiu na mga kasamahan niya sa primetime teleserye Kung Tayo’y Magkakalayo. “Alam mo naman ‘pag may show kanya-kanyang issue lang naman ‘yan,” simula ni Coco. Aniya, hindi raw niya alam kung saan nanggaling ang isyung ito dahil maganda umano ang samahan nila sa set. “Actually nagugulat nga ako nang lumabas ang isyu na ‘yon si Kris Aquino nga mismo niregaluhan ako nung Christmas ng jacket, saka lola ko niregaluhan niya kumbaga sabi ko nakakahiya [nang biglang lumabas ang isyu.]” Gayundin daw ang naramdaman niya para kay Kim na nadawit din sa isyu. Ani Coco, kahit pa si Kim ay niregaluhan siya noong Pasko.

Inamin naman ng indie actor na hindi siya masyadong madaldal sa set. “Kasi ako ‘pag nasa set mahiyain ako, eh. Hangga’t maaari hindi ako nagsasalita. Kumbaga nahihiya akong mag-approach,” kuwento niya.

Samantala, trabaho ang pagkakaabalahan ni Coco ngayong Valentine’s Day dahil wala rin naman siyang special someone ngayon. “Sobrang seryoso sa work ko. Ito kasi ang priority ko sa buhay ko, eh. Kumbaga eto na ‘yung time [ko.] Ang haba din naman ng pinagdaanan ko bago ako makapasok sa TV,” ani Coco.

Bukod sa Kung Tayo’y Magkalalayo, ipapalabas na rin ang Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla Sr. featuring Tonyong Bayawak. Excited naman ang binata dahil for a change ay magiging light ang kanyang role dito.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES