Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, February 18, 2010

Gerald, ipapahiram si Kim kay Johan Santos

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Johan Santos na 4th big placer siya ng Pinoy Big Brother Double Up. Ayon sa binata, sobrang overwhelmed siya sa pagkakasama niya sa Big 5.

“Parang ang bilis. Nagugulat ako sa reaksyon ng mga tao kapag nakikita ako. Sobrang saya ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko nga, parang nananaginip lang ako,” pahayag ng binata sa presscon ng Big 5 na ginanap mismo sa loob ng bahay ni Kuya.

“This is a dream come true for me. Sumali na ako sa isang reality show dati, pero hindi ako sinuwerte. Siguro, ito talagang PBB ang para sa akin,” dagdag pa niya.

Very vocal si Johan sa pag-aming crush niya si Kim Chiu at gusto niya itong makatrabaho. Masuwerte ang binata dahil type din pala siyang makatrabaho ni Kim.

“Hindi naman bilang loveteam, siyempre, established na ’yung Kimerald. Ayoko namang magalit sila sa akin. Ang gusto ko lang talaga, makasama siya sa work,” kuwento pa ni Johan.

May magandang reaksyon din si Gerald sa naging pahayag ni Johan na gusto niyang makatrabaho si Kim.

“Okey lang sa akin. Ipapahiram ko si Kim sa kanya. Basta, hiram lang, ha!” nakangiti nitong paha-yag.

Sa ngayon ay wala pang linaw kung ipu-push ng ABS-CBN ang tamba-lang Johan at Cathy at wala rin kaming balita kung masasama ang dalawa sa ibang proyekto.

Mas abala raw ngayon ang binata sa acting workshop ng Star Magic bi-lang paghahanda sa pag-sabak niya sa ilang TV guestings.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES