Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, February 18, 2010

Luis Manzano patuloy sa panunuyo kay Angel Locsin

Hindi man diretsahang aminin, pero talagang mahal pa rin ni Luis Manzano ang dating kasintahang si Angel Locsin. Ilang buwan nang nagkahiwalay ang dalawa pero hanga kami sa pagpupursige ng TV host to win Angel back.

Ito ay sa kabila ng naging statement ni Angel na huwag nang mag-effort ang TV host dahil enjoy daw muna ang aktres sa pagiging single. Hindi talaga nawawalan ng pag-asa si Luis na isang araw ay muling tanggapin ni Angel ang kanyang pag-ibig. Sa isang panayam, sinabi ni Luis na hindi siya mapapagod sa ginagawang muling panunuyo kay Angel. Pursigido ang actor/TV host to work things out with her.

Hindi rin threatened o bothered si Luis kahit may mga lalaking nali-link nga-yon kay Angel, maski pa very vocal ang CNN Hero na si Efren Peñaflorida sa paghanga kay Angel. Naniniwala kasi si Luis na eventually ay magbubunga ang kanyang pagpupursige.

Napapansin naman kaya ni Angel ang effort ni Luis o dedma na lang ang aktres?

Paano kung ayaw na ta-laga ni Angel, hindi kaya pinahihirapan lang ni Luis ang kanyang sarili? Wala ba silang closure kaya hindi pa nila mabitiwan ang isa’t isa?

Sometimes it’s really okay to give it a good try, to work on things pero ‘pag ikaw lang ang nagbibigay, nakakapagod din. Sabi nga, love is also knowing when to let go. Kapag alam mong wala ka nang magagawa, palayain mo na gaano man ito kasakit. Sabagay, walang paalam na hindi masakit kaya karamihan sa naghihiwalay ay walang closure, ’di ba?

Anyway, magiging busy si Luis sa pinakabago niyang game show na Pilipinas Got Talent with Billy Crawford.

At siyempre, bukod sa suportang ibinibigay ni Luis sa stepdad niyang si Sen. Ralph Recto at sa inang si Gov. Vilma Santos, buo rin ang suporta ni Luis kay Edu Manzano na tatakbong Vice President sa darating na eleksiyon.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 4:27 AM, Anonymous Anonymous said...

hinde kce matanggap ng kumag na tinalo sya ng hinde ka-gwapuhang kelot sa pnagliligaw kay angel.

kawawang luis........hehehehehehe

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES