Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, February 24, 2010

Miss You Like Crazy Graded B

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Miss You Like Crazy nina Bea Alonzo and John Lloyd Cruz na dinirek ni Ms. Cathy Garcia-Molina for Star Cinema at magsisimulang mapanood sa mga sinehan ngayong araw.

Kuwento ito ng dalawang taong nagkakilala sa ferry na bumibiyahe sa ilog Pasig.

Mayaman ang character ni John Lloyd (Allan) pero gusto nitong sumasakay sa ferry.

May karelasyon noon si John Lloyd, si Maricar Reyes (na halatang-halatang naka-wig sa pelikula). Pero nang makita niya si Bea (Mia) na umiiyak sa ferry, na­pansin nitong may iniwan itong bato na may nakasulat. Akala niya ay magpa­pakamatay kaya pipigilan niya sana. Mali pala, hindi magpapakamatay, kaya nakatikim siya ng sampal kay Mia.

Doon nagsimula ang lahat sa kanila. Nag-apologize si Mia kay Allan dahil sa pagkakasampal niya kaya inilibre niya ito ng lugaw na binibenta sa kalye. Naram­daman agad ni Allan ang kakaibang saya na bored na sa kanilang relasyon ni Maricar.

Nagkataong umalis noon si Maricar kaya nagkaroon sina Allan at Mia ng time na magkasama.

Pero hindi naman nagtagal, biglang bumalik ng bansa si Maricar at di yun naita­go ni Allan dahil magkasama sila ni Mia nang tumawag at nagpapasundo ang kanyang live in partner.

Siyempre nasaktan si Mia pero nanaig ang love kaya nag-make love sila.

Pero biglang nawala si Bea para makaiwas dahil ang tatay niya raw ay nag-paralized sa pagma­madaling puntahan ang kanyang kabit kaya nag-decide siyang umalis at bumalik sa kanyang dating trabaho sa Malaysia bilang front desk officer sa hotel.

Mas gusto ni Allan si Mia kaya iniwan niya ang GF na anak mayaman at mahal siya. Pero naduwag siyang balikan si Mia sa napagkasunduan nilang lugar noon kaya tuluyan itong lumayas.

Hmmm, pagdating ng Malaysia, heto may nakilala si Mia na mayaman at gusto siyang pakasalan.

Hindi niya alam, hinahanap siya ni Allan dahil na rin sa hula na magkikita sila sa February 24, 2010.

Oks ang ending ng movie.

Bukod kina Bea at John Lloyd, bida rin ang bato sa pelikula dahil ito ang connection nila at dito sila nagko-communicate.

Kung paano, watch kayo ng movie.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES