Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, February 10, 2010

Pagpapaseksi ni Angelica sasabayan ni Shaina

Nagsalita na rin sa wakas ang isa sa star ng local version ng Mexican telenovelang Rubi na si Shaina Magdayao tungkol sa split-up nila ng dyo-wang si John Prats.

Sa panayam ng aktres sa The Buzz, ikinuwento ni-yang two years din tumagal ang relasyon nila ni John at marami rin naman silang happy times together.

Giit din ni Shaina, hindi masasabing perpekto ang kanilang relasyon at pareho raw silang may pagkukulang sa isa’t isa.

Last year pa raw sila nagkalabuan ni John at naspasya silang finally ay maghiwalay bago mag-Pasko.

Paliwanag ni Shaina, natagalan siyang magsalita about the break-up kasi she’s not the type na nagsasalita about her issues pero nanaig ang paniniwala niyang she still owes the public an explanation.

Siniguro rin ng magandang aktres na wala siyang sasabihin na makakasakit kay John dahil minahal din niya ito at ang kanyang pamilya. Isa pang nilinaw ni Shaina ay walang third party sa kanilang hiwalayan.

Mukhang wala pang closure ang paghihiwalay ng dalawa at kahit nagpapansinan sila ni John ay hindi pa sila nakakapag-usap nang maayos.

Pero umaasa si Shaina na isang araw ay magiging maa-yos din ang lahat sa kanila ni John.

Kaya focus muna si Shaina sa career kasi ngayon lang niya na-realize na marami pa pala siyang mga bagay na gustong gawin bilang aktres.

Kasama si Shaina sa all-star cast ng Rubi, na mapapanood na sa Feb. 15 sa Primetime Bida ng Dos, tampok si Angelica Panganiban. Gagampanan ni Shaina ang role ni Maribel, ang dalagang may gusto sa kay Hector (Diether Ocampo).

Sa tanong kung handa na ba siyang makipagsabayan kay Angelica (Rubi) sa pagpapaseksi, sinagot niyang hindi lang si Maribel ang handa kundi pati si Shaina ay handang-handang ma-kipagsabayan kay Rubi.

Kaya abangan ang pa-kikipagtarayan ni Shaina kay Angelica sa kapana-pa-nabik na Rubi.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES