Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Wednesday, February 17, 2010

PBB Paul Jake hindi ipokrito

Marami sa mga kasamahan kong press na dumalo sa unang pagharap ng PBB Double Up Big 5 ang mas excited kay Paul Jake kesa sinu­man kina Jason, Johan, Tibo, at ang big winner na si Melai.

I can’t blame them bukod sa guwapo ang Cebuano housemate sa Bahay ni Kuya, nagpakita rin siya ng katalinuhan na angat sa apat niyang kasa­mahan at pagka-gentleman. Ganun din siya sa personal, soft spoken, maingat sa kanyang pagsa­salita at obvious that he was properly raised at mata­pat sa kanyang mga sinasabi.

Gustung-gusto ng lahat ang sagot niya sa tanong na aware ba siya na kaya siya marahil natalo ay dahil inilabas niya ang kanyang girlfriend, at ang mga TV viewers and Filipino fans ay seloso.

“I can ‘t do anything about that. That’s who I was. But I never really expected to last the whole sea­son. Natakot nga ako nang kami na lang ang na­tira ni Melai. I was not prepared to be the big winnner,” pagtatapat niya.

When asked about his plans, kung itutuloy niya sa pag-aartista ang pananalo niya, sinabi niyang : “I have no plans yet. I will have to talk to my family first and if ever I decide to pursue showbiz I will have to take acting workshops, work on my Tagalog. I may even go back to school, I have one more subject to go before I finish my business course.”

Lahat naman ng Top 5 ay parang sincere o tapat sa lahat nilang ipinakikita at sinasabi sa press.

Si Jason, parang hindi naman talaga pag-aar­tista ang layon sa pagsali sa PBB. Kuntento na rin ito sa kanyang narating at sa halagang napa­nalunan niya. Lalo na sa bonus niyang tricycle.

Ganun din si Tibo na magnenegosyo na la­mang daw sa Cagayan de Oro na kung saan siya ay nag-buhat gamit ang maliit na halagang nakuha niya. At si Melai, pag-aaralan niyang maging artista, kung ito raw ang kapalaran niya pero kung hindi, sa loob ng bahay na lamang daw siya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES