Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, February 19, 2010

Pilipinas Got Talent ngayong Sabado

Kaya pa ba ng mga 60-yr old na lola ang pag­giling at paghataw sa saliw ng awiting Single Ladies ni Beyonce? Mapatayo kaya ang mga judges pag bumirit na ang isang 12-yr old na bata ala-Nicole Scherzinger ng Pussycat Dolls?

Alamin ‘yan sa darating na Sabado (Feb 20) at sabay-sabay na mamangha sa galing na ipa­pa­malas ng mga Pilipino sa buong mundo sa pagsi­si­mula ng pinakamalaki at nag-iisang nationwide talent-reality show ng bansa na Pilipinas Got Talent, kasama sina Billy Crawford at Luis Manzano sa ABS-CBN.

Mula sa international franchise na nakadiskubre at patuloy na dumidiskubre ng mga bukod tanging world class acts, ihahatid ng Pilipinas Got Talent ang pinakamagagaling at pinakamahuhusay na Pinoy talents mula pa sa iba’t ibang panig ng Pili­pinas, mapa-anumang edad, na kayang makipag­sabayan sa ibang bansa pagdating sa kantahan, sayawan, aktingan at maging sa mga nakakatawa at hindi ordinaryong mga stunts.

Ang tatanghaling grand winner ay mag-uuwi ng P2 milyon ngunit bago ‘yan, kinakailangan niya munang makuha ang atensiyon at matamis na “oo” ng pinagkakapitagang PGT panel of judges na binubuo nina queen of all media Kris Aquino, comedy-concert queen Ai Ai Delas Alas, at former ABS-CBN President at COO Freddie M. Garcia a.k.a. FMG.

Nagsimula na ang auditions sa huling bahagi ng 2009.

“Mapapatunayan mo talaga na talented ang mga Pilipino mapakantahan, sayawan, pagma-magic o pag-acrobat pa ito,” sabi ni Kris.

“May isa ngang contestant na gusto na namin ni Boy (Abunda) i-sign ng record deal tapos may isa na rin na puwedeng ilaban sa Las Vegas acts. Ganun sila kagaling.”

Huwag palalampasin ang pagsisimula ng Pilipinas Got Talent ngayong Sabado (Feb 20), 7:30 PM, at tuwing Linggo, 8:30 PM sa ABS-CBN.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES