Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, February 23, 2010

Shaina, John Lloyd huling-huli sa akto

ILANG beses mang nag-deny, wala pa ring lusot sina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz na may namumuong relasyon sa pagitan nila.

Heto nga’t nabalitaan namin na may fan na nakakita sa kanila na magkasama at may binibili sa isang tindahan ng bisikleta sa Makati. Cycling daw kasi ang bago nilang sport ni Shaina.

Ilang beses nang itinanggi ni Shaina na hindi si Lloydie ang dahilan ng break-up nila ni John Prats na naging karelasyon niya for two years. Ito rin ay pinanindigan ng aktor. Sinabi mismo ni John Lloyd sa ilang panayam sa kanya na ang friendship niya with Shaina has nothing to do with the break-up.

Usap-usapan ding nag-kalabuan na sina John Lloyd at na-link sa kanyang si Ruffa Gutierrez, bago pa man napabalitang he is seeing Shaina.

So, gustuhin mang itago nina John Lloyd at Shaina ang totoong namamagitan sa kanila, eventually ay mukhang malalaman din ng lahat kung ano ba talaga ang real score sa kanila.

Ano kaya ang say ni Ruffa about this, lalo pa’t siya ang madalas na nagbabalita tungkol sa mga latest na kaganapan sa showbiz bilang host ng The Buzz?

Sinubukan din naming kunan ng pahayag si Lloydie tungkol sa mainit na intrigang ito, pero ayaw na niyang magkomento pa.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES