Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, February 09, 2010

Toni at Shaina, walang Valentine date

WALANG problema kay Shaina Magdayao kung si Andi Eigenmann ang napiling bida sa Agua Bendita na dati niyang pinagbidahan sa isang episode ng Komiks Presents.

Marami kasi ang nagtatanong kung bakit hindi siya ang kinuha ng ABS-CBN gayung siya na nga ang naunang gumawa nito.

“Ano ’yon, eh, saan ko ba ginawa ’yon? Two weekends lang yata ’yon, eh ganu’n naman talaga, episodic, eh. Well, I have to be happy for her. At least, nagagawa niya kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya. Ah, ’yun lang po, congratulations,” sabi ni Shaina.

Hindi ba siya nanghinayang sa project na hindi sa kanya ibinigay?

“Wala ho akong mga ganyan. Siguro, more than anything, I just have to be thankful na meron pa rin ho akong trabaho, and ito ngang Rubi, so, malaki ho ang pasasalamat ko.

“Siguro instead of ’yung thinking nga na bakit ganyan, bakit ganito, mag-pasalamat na lang ako,” say niya.

As far as she’s concerned, hindi naman daw siya napapabayaan ng ABS-CBN. Kapipirma nga lang niya ulit ng two-year-contract at ito nga raw Rubi ang kanyang first project.

Before this, nagbida naman siya sa Kambal sa Uma, na katatapos lang, kaya, so far, hindi pa na-man siya nababakante.

Magsisimula ang Rubi sa Feb. 15 kaya sa Valentine’s Day, nagtatrabaho raw siya dahil may promo sila ng serye.

Wala rin naman daw siyang ka-Valentine dahil kabe-break lang nila ni John Prats.

Kung may show daw ang mga kaibigang sina Nikki Gil at Billy Crawford, baka manood na lang siya if ever na wala siyang trabaho.

Sa Rubi ay ginagampanan ni Shaina ang papel na pilay na anak nina Cherie Gil at Gardo Versoza. Magiging friend daw niya si Rubi (Angelica Panganiban) at sa umpisa, ipagtatanggol siya nito.

“Pero dahil nga bida-kontrabida si Rubi, later ay guguluhin niya ang buhay ko,” aniya.

Sa serye, mag-aagawan sila ni Angelica sa dalawang leading men na sina Jake Cuenca at Diether Ocampo.

Nakakatuwa lang na leading man na niya si Diet gayung noong bata pa siya ay kuya-kuya niya ito.

“Nakakatuwa, kasi makikita n’yo talaga na naggo-grow ’yung mga character na pino-portray ko. Na si Diet, kuya ko lang dati sa lahat ng mga show ko, ngayon, ka-partner ko na at ikakasal pa kami.

“Natutuwa ho ako kasi ito naman ho talaga ’yung matagal ko nang gusto. Matagal ko nang gustong mag-explore as an actress and kahit paano, mag-mature as an actress. And at the same time, happy rin ako kasi si Jake, na maraming nagkagusto sa team-up namin, parang follow-up project ’to, same with Angelica, na matagal ko nang kaibigan, so, talagang magaan sa set namin,” she said.

* * *

HINDI rin pala magse-celebrate si Toni Gonzaga at ang boyfriend niyang si Direk Paul Soriano ng Valentine’s Day dahil may trabaho rin ang TV host-actress.

Magtatapos kasi ang Pinoy Big Brother sa Feb. 13 at sa Feb. 14 naman, may reunion yata na gaganapin.

“Kung wala namang time ng 13, 14, 15, may ibang araw din naman. Saka ’pag sumabay kami sa 14, maraming tao, lahat lumalabas, so, ibang araw. Saka, hindi lang naman isang araw ang Valentine, puwede namang araw-araw, Valentine,” she said.

Naiintindihan daw ito ni Direk Paul dahil very understanding ang BF niya.

“Wala siyang reklamo, very mabait ’yon, good boy ’yon,” say ni Toni na natatawa.

Pangatlong Valentine na nila ito ni Direk Paul dahil three years na sila at natatandaan pa niya ang first Valentine nila na nag-dinner date raw sila sa isang classy restaurant sa Makati.

So, kelan naman sila ikakasal?

“Hindi pa, kasi may concert. Mag-concert muna,” say niya.

Toni is having a concert on Feb. 26 and 27 at the Music Museum titled Love is…Toni Gonzaga bilang part ng ASAP XV concert series at excited siya dahil first time niyang mag-show under ASAP production.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES