Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, February 26, 2010

Toni Gonzaga kakabugin ang ibang divas

BUONG-NINGNING na magpapakitang gilas si Toni Gonzaga sa kanyang concert na pinamagatang Love is... Toni Gonzaga ngayong Biyernes ng gabi at bukas sa Music Museum bilang pangalawang handog ng ASAP XV concert series.

Patutunayan na bukod sa pagiging mahusay na aktres at TV host, kaya din niyang bumirit sa concert scene at kabugin ang ibang diva.

Excited tulong kaming marining kung ano ang mga repertoire niya sa kanyang concert, huh!

Ang sold-out concerts, chart-topping singles at platinum album ni Toni ay nagpapatunay lang na isa siyang hitmakers ng bansa. Karamihan ng mga awiting kanyang pinasikat tulad ng We Belong, Catch Me I’m Fallin and If I Give You My heart ay most requested pa rin sa radio stations.

“Natutuwa ako dahil may concert ulit ako. Kasi, nu’ng nakaraan, nag-concentrate ako sa movies and hosting. Na-miss ko rin kasing magkaroon ng solo concert, ’yung ako ang bida sa stage,” pahayag ng dalaga.

May mga surprise guests si Toni sa kanyang concert pero as of presstime, walang ini-reveal sa amin kung sinu-sino ito. Totoo kayang darating sa show sina Melai at Jason ng PBB Double Up?

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES