Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Friday, February 26, 2010

Valerie ipinagtanggol si Sam Pinto

MARAMI sana ang gustong kumuha para maging product endorser ang Pinoy Big Brother Housemate Double-Up na si Sam Pinto.

Kaya lang daw ay mahal maningil ng talent fee ang dalaga at dalawa ang humahawak sa career niya kaya hindi nila malaman kung sino ang kakausapin sa mga ito.

Sa Showbiz News Ngayon last Wednesday ay sina-got ni Sam ang mga akusas-yon sa kanya.

“Ewan ko po. Sila (managers and clients) ang nag-uusap. Yes lang ako nang yes. ’Di ko alam paano naka-cut-cut (yung talent fee)... basta may nakukuha naman ako.”

Iniintriga rin ang pagpasok ng dalaga sa Wowowee dahil may matatanggal daw na isa sa lady co-hosts ni Willie Revillame sa kanyang pagdating.

Kaya marami ang nagtatanong kina Mariel Rodriguez, Pokwang, RR Herrera at Valerie Concepcion kung sino ba ang maggu-goodbye sa kanila. May balita pang si Valerie ang apektado kaya conscious ngayon ito dahil sa kaseksihan ni Sam.

“Hindi naman. Saka wala namang sinasabi na kung papasok siya may tatanggalin or anything. Wala namang ganun. Actually, kung papasok sa amin si Sam, tiyak na welcome siya kasi okay naman siya. At saka parang mabait din siya.

“Sa ilang beses na nag-guest siya sa Wowowee, tahimik lang siya sa dres-sing room. Tapos ‘pag tinanong kung nag-e-enjoy ba siya, sasagot siya, “Of course!” So, importante ‘yun na nag-e-enjoy siya. Kasi ‘yun naman ang importante sa Wowowee, na happy person ka, ‘di ba?” depensa ni Valerie.

Iginiit din ni Valerie na walang VIP treatment sa lady co-hosts ni Willie.

Lahat daw sila ay masasaya lalo kapag kumpleto ang barkada ng Wowowee.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES