Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, March 18, 2010

ABS-CBN sisimulan na ang summer

Salubungin na ang summer kasama ang mahigit 150 Kapamilya stars sa paglulunsad ng ABS-CBN ng kanilang pinakaabangang summer station ID (SID) na pinamagatang Summer ang Simula ngayong Linggo (Mar 21) sa ASAP XV.

Ang naturang SID, ayon kay ABS-CBN Creative Communications Management (CCM) Head Robert Labayen, ay nakaankla sa ideya na ang summer ay ang pinakaperpektong oras para magsaya at maghanda para sa pagbabago.

“Bawat araw ng summer ay maaring araw para sa mga bagong simula. Bawat araw ay pagkakataon para maging aktibo sa pagtulong sa kalikasan, sa pagtaguyod ng kabuhayan at pagtingin sa mundong tinitirahan natin sa mas positibong paraan,” sabi ni Labayen.

Abangan ang ABS-CBN entertainment at news personalities sa kanilang paglahok sa iba’t ibang gawain sa iba’t ibang platforms tulad ng Boto Mo, I-Patrol Mo, Bayanijuan, at iba pang programa ng ABS-CBN Foundation programs na Sagip Kapamilya, Kapit Bisig sa Ilog Pasig, at E Media.

Bawat isa ay kakatawan sa isang imahe na kapag pinagsama-sama ay bubuo ng isang magandang larawan o collage na sumisimbolo sa mas mabuting mundo para sa ating mga Pilipino.

Ang awiting Summer ang Simula ay bibigyang buhay ni Pinoy Dream Academy Grand Star Dreamer Yeng Constatino at bokalistang si Kean ng Callalily.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES