Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Thursday, March 25, 2010

ABS-CBN TV Shows, Napasok ang Africa

Nag-second pala sa ratings laban sa mga local and foreign programs na umeere sa China ang Pangako Sa ‘Yo nang ipalabas ito sa nasabing bansa. Nakabilang din daw ito sa Top 30 list sa national weekly ranking, kung saan 2,000 channels ang naglalaban-laban sa 1.3 billion na manonood sa China.

Grabe, samantalang kung tutuusin, isang dekada na ang nakakaraan nang mapanood ang nasabing tam­balan nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales sa bansa na kelan lang pumatok sa panlasa ng Chinese audience.

Bago sa China, nahumaling na rin sa love story nina Angelo at Yna ang mga taga-Malaysia, Singapore, Indonesia, Cambodia at maski ang mga taga-Africa.

Kilala ang Pangako sa ‘Yo na The Promise.

Actually, hindi lang daw Pangako Sa ‘Yo ang patok sa ibang lahi dahil sa pagpu-push ng International Sales and Distribution (ISD) ng ABS-CBN Global.

Ipinapalabas din daw sa mainland China ang Ikaw ang Lahat sa Akin (a.k.a. Only You). Susundan daw ito ng Sana Maulit Muli (a.k.a. Chances), Maging Sino Ka Man (a.k.a. More Than Love) at Gulong ng Palad (a.k.a. Stand for Love).

Samantala, patuloy namang inaabangan sa Brunei ang bawat eksena ng Lobo (a.k.a. She-Wolf: The Last Sentinel). May Lobo Part 2 na. Pero hindi na si Piolo Pascual ang ka-partner ni Angel kundi si John Lloyd Cruz.

Nakakaaliw na malaman na isinasalin din ito sa English, Turkish, Khmer, Mandarin, French at iba pang mga wika ang mga palabas ng ABS-CBN. Isa sa mga programang isinalin sa French para sa mga manonood sa Africa at Europa ay ang Kay Tagal Kang Hinintay (a.k.a. La Longue Attente sa French and The Long Wait sa English).

Ayon sa International Sales and Distribution Head ng ABS-CBN Global na si Reena Garingan, kahit sa Africa ay mainit ang pagtanggap ng mga teleserye ng ABS-CBN dahil maraming nakaka-relate sa mga Pinoy teleserye.

Mahigit isa’t kalahating dekada na ring nagpa­padala ng mga programa ang ABS-CBN Global sa ma­raming bansa. Sa ngayon, ang International Sales and Distribution group nito ang siyang pinaka­malaking content distributor sa Hilagang Amerika, Europa, Australia at Asia-Pasipiko at ang nangu­ngunang Asian distributor sa Africa ayon kay Ms. Garingan.

Dahil na rin sa bonggang reputasyon ng ISD, naging pangunahing speaker sa isang international content and distribution forum si Garingan sa Africa.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES