Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Saturday, March 27, 2010

Alessandra de Rossi handang maghubad pero ayaw makipaglaplapan

SEXY at daring si Alessandra de Rossi sa Romeo at Juliet.

Mahusay niyang na-gampanan ang role kahit isang bayarang prostitute siya rito.

Ayon kay Alex (tawag kay Alessandra), pumayag siyang maghubad sa movie dahil kaibigan niya ang direktor at alam daw nito ang kanyang limitasyon.

Okey lang daw maghubad na hindi bastos ang da-ting, pero ayaw na ayaw niya ang halikan, lalo’t may laplapan.

“I’m not an actress, I’m a person. Okey nang hindi ako matawag na aktres kung may sarili akong conviction na nilalabag ko naman. Makikipaglaplapan ka sa leading man mo halimbawa at iuuwi pa ‘yung laway niya sa bahay ninyo. Kasi balang-araw kapag napanood ‘yan ng mga anak ko, magtatanong ta-laga sila kung bakit na-kipaglaplapan ako sa isang lalaki,” esplika ni Alex

Pero paglilinaw ni Alex, hindi siya nagmamalinis. Ang kapatid niyang si Assunta ay nagpaseksi at totally naghubad sa pelikula kaya bumongga ang showbiz career. At ito ay kanyang inirerespeto dahil ‘yun daw ay feel ng kapatid.

“Sa sarili ko lang talaga, ayoko. Uso pa naman ngayon ang kung anu-anong virus. Saka alam ng mga tao na bukas ang lahat ng aspeto sa buhay ko at wala nang itatago pa. Pati ba naman kasuluk-sulukan ng katawan ko ay ilalantad ko pa? Gusto ko namang may matira pa para sa akin,” say pa ni Alex.

Sa premiere night ng Romeo at Juliet kasama ni Alex ang kapatid na si Assunta at kanilang mother. Maiksi ang buhok ni Assunta rito, pero bumagay naman sa mukha nito. Kaya lang, payat pa rin talaga si Assunta tulad ng dati dahil daw sa pagtulong sa kandidatura ng husband na si Jules Ledesma sa Negros.Go

Bihira na lang makapunta sa Manila si Assunta dahil naglalagi ito sa Negros kasama ng husband. Kapag libre lang sila saka lang siya nagbabakasyon sa Manila with her mom and sister.

Anyway, maliban kay Alessandra, na nagpakita ng galing sa Romeo at Juliet, hindi rin nagpahuli sa husay mag-emote sa role na bayarang prostitute si Max Eigenmann, anak ni Mark Gil kay Bing Pimentel.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

1 Comments:

At 2:04 PM, Anonymous Anonymous said...

dami palang anak nitong si mark gil.

 

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES