Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, March 22, 2010

Angelica at Derek wala raw sex video

Nagpaliwanag na si Derek Ramsay hinggil sa larawang lumabas sa front page ng isang tabloid kung saan ay makikitang nakapasok ang kamay ng girlfriend niyang si Angelica Panganiban sa kanyang underwear.

Sa panayam ng Entertertainment Live last Saturday kay Derek ay nagpaliwanag ang aktor hinggil sa na-publish na larawan. Aniya ay kinunan ang photo na ’yun two years ago in Boracay.

“We were having fun and kami talaga ni Angel, that’s how we are talaga, we’re very affectionate to each other,” sabi ni Derek.

Mga magkakaibigan daw sila na naroroon that time at hindi nila akalaing lalabas ang naturang larawan.

Nakunan din ng pahayag ang editor ng tabloid na naglabas ng picture at aniya ay may nagbenta sa kanila ng nasabing larawan.

Nalulungkot din si Derek sa nangyari dahil private photos nila ’yun at sana raw ay hindi na ’yun lumabas.

“But if you want to bring out all the pictures, Angel and I are very comfortable and confident na we’re not doing anything wrong. Pero babae si Angel, so sana, konting respeto naman,” he said.

Kung sakali naman daw na may iba pang larawang lalabas, hindi naman daw sila worried ni Angel dahil sigurado silang wala namang malaswang lalabas na tipong sex videos or photos.

“If a second picture comes out, ano ang point nila para maglabas ng ganitong picture?” sabi pa ng aktor.

Humingi rin ng dispensa si Derek sa pamilya ni Angelica na maaaring naapektuhan din ng issue.

“I’d like to say sorry to the family of Angel for seeing this. This is just another test siguro at sigurado akong malalampasan namin.”

Sinigurado rin ni Derek na nananatiling matatag ang relasyon nila ni Angel at in-assure rin niya that he’ll always be here for her.

Samantala, minabuti na lang ni Angel na huwag nang magbigay ng pahayag tungkol sa issue pero ani Derek, huwag daw hintaying lumabas ang galit ni Rubi.

Pinapurihan naman ng E-Live hosts na sina Mariel Rodriguez, Bianca Gonzales and Toni Gonzaga ang paglabas ni Derek para harapin ang issue bilang lalaki. Anila ay tama lang na huwag nang magsalita si Angel and good thing, nandiyan ang boyfriend nito para idepensa siya.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES