Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, March 23, 2010

Anne, Sam naging close ulit dahil sa Babe, I Love You

SHOWING na sa April 3 ang hottest movie ng Star Cinema at Viva Films na Babe, I Love You tampok ang pinag-uusapang love-team sa bansa na sina Sam Milby at Anne Curtis.

After making it sa local boobtube via Maging Sino Ka Man at Dyosa, sa pelikula naman ngayon mapapanood ng kanilang fans sina Sam at Anne, sa isang pelikulang kakaiba ang kuwento ng pag-ibig.

Mismong sina Sam at Anne ay init na init na rin sa kanilang pelikula.

“The last time we worked together for a project ay sa Dyosa pa and that was a year ago na yata. Kaya excited kaming pareho to finally work together para sa pelikulang ito.Regarding our real status now? Hindi pa kami ulit, naging mala-king factor talaga ang pelikulang ito because nagkaayos kaming dalawa ni Sam, we’re taking things day by day muna this time and malay natin, hindi ba, were not closing our doors naman ni Sam and he knows it! We’re much okey now but no expectations, parang whatever happens na lang siguro muna which is much better kesa naman kami na naman ulit tapos hindi na naman. Mas naging mature na kaming da-lawa this time and we're taking things day by day lang ni Sam,” kuwento ni Anne.

Inamin din ni Anne na nang malaman niyang gagawa sila ng pelikula ni Sam ay nagdalawang-isip siyang tanggapin ito.

“To be honest, yes! Nandoon ‘yung fear and everything. Journey talaga kasi hindi namin ine-expect both na because of this film ay magkakaayos kaming da-lawa and very thankful kami honestly sa movie na ito,” say pa ni Anne.

Samantala, among our local female directors today, Direk Mae Cruz na yata ang may pinakamagandang mukha sa kanila.

Sa presscon ng pelikulang Babe, I Love You, na directorial debut ni Direk Mae Cruz sa big screen, ninerbiyos si Direk Mae sa pagsasagot sa mga tanong na ibinabato sa kanya ng ilang press. But Direk Mae maintained her poise at in-fairness, the movie trailer itself proves that one of these days ay magiging ka-level na niya rin si Direk Olive Lamasan, huh!

Nagsimula si Direk Mae Cruz bilang isang production assistant, naging backpack director, scriptcon, assistant director sa mga soap operas at ngayon ay direktor na ng isang mala-king pelikula.

“Nagpapasalamat talaga ako sa trust na ibinigay sa akin ng Star Cinema family ko. Very thankful din ako sa mga artistang sumuporta rin sa akin, especially Sam and Anne for this big break sa akin. Siyempre, nininerbiyos ako dahil hindi ko alam kung anu-ano ang expectations sa akin ng tao for this movie, but I’ve tried my best for this movie plus the fact na nag-enjoy din ako doing this film. Salamat talaga, Star Cinema,” pahayag pa Direk Mae ng aming makausap.

[via]

Labels: ,

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES