Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Tuesday, March 09, 2010

Christian Bautista Updates

Mukhang tuluy-tuloy na ang bonggang career ni Christian Bautista sa iba’t ibang bansa sa Asya. Bukod sa Indonesia kung saan siya unang nakilala, napasok na rin niya ang Malaysia at Thailand.

At hindi na lang siya basta singer ngayon. Gagawa na rin siya ng pelikula at teleserye sa Indonesia.

Next month pa mapa-finalize pero alam na niya ang kuwento ng pelikula sa ibang bansa. Ewan ko lang kung may nagawa na siyang pelikulang local.

Pero ang pinaka-bongga ay ang pagkakapili sa kanya bilang representative ng bansa sa Pat­taya Festival na gaganapin sa Thailand.

Ang Pattaya Festival ang pinakamalaking sum­mer event ng Bangkok. Ito ay isang ling­gong festival ng music, dance, beauty contests, pa­ra­des, sandcastle contests, and parties. Mayroon ding sound and light shows at fire­works displays sa beach para ma-promote ang Pattaya bilang premier tourist destination.

Pinili si Christian ng Grammy, ang pina­kamalaking independent record label at media conglomerate entertainment company sa Thai­land para mag-perform sa main event ng Pat­taya Festival sa March 20. Dinadaluhan ito ng hu­migit kumulang na 30,000 na tao na kara­mihan ay turista.

At habang nasa Thailand, magiging busy si Christian sa promotion ng event sa TV at press­cons.

Malaking opportunity ito for Christian sa tulong ng kanyang record label sa bansa na Universal Records.

Going strong pa rin ang masasabing ro­mance with Asia ni Chris­tian at inaasahang mas titindi at magiging mas makulay pa ito.

Ang kanyang latest single na Anagurah Cinta kasama ni Noryn Aziz ay na-launch na rin sa Malaysia with matching video pa.

Ang kanyang kasunod na Bahasa single ay inihahanda na para mapabilang sa release ng kanyang album ngayong Abril na idi-distribute ng Universal Music Malaysia.

Handa ring itodo ng Universal Records ang marketing ng career ni Christian hanggang Singapore, Hong Kong, Taiwan, South Korea, at iba pang parte ng Asia.

Malayo na talaga ang narating nang itinuturing na Asia’s Pop Idol at Romantic Balladeer hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong Asya.

Ay oo nga pala, magkakaroon si Christian ng two-night concert sa Music Museum, ang Romance Revisited sa March 12 and 13, at special guests niya sina Karylle at ang A-POP. Ang nasabing concert ay mula sa ASAP XV at suportado ng Swatch.

Teka, ano na nga bang nangyari sa panliligaw niya kay Karylle?

Umamin si Christian na nag-date sila pero, na-realize niya na mas mabuting magkaibigan na lang sila.

Ganyan.

Ano kayang naging rason at gusto niyang maging kaibigan lang ang anak ni Zsa Zsa Padilla?

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES