Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Sunday, March 21, 2010

Gerald Anderson pagnanasaan sa ‘Isla’

Ngayong summer, abangan si Gerald Anderson kasama ang Pinoy Big Brother Double Up ex-housemates sa kakaibang escapade sa Your Song Presents Isla simula ngayong Linggo (March 21) sa ABS-CBN.

Mapanghamon ang papel na ginagampanan dito ng PBB Teens season one sensation na si Gerald. Kinailangan pa niyang mag-aral gumamit ng arnis at magpaganda ng pangangatawan para mapaghandaan ang kanyang role.

Kabilang sa mga cast ay ang PBB Double Up ex-housemates na sina Paul Jake Castillo, Sam Pinto, Tom Mott, Rica Paras, Hermes Bautista, Johan Santos at Cathy Remperas. Kasama din ang batikang artista na si Gardo Versoza.

Maging ang kanilang direktor na si Ruel Bayani ay excited na rin, “I am very eager to work with Gerald again. Every project talaga, nag-e-evolve ang bata. Sigurado akong maho-hooked sila dito kay Gerald.

Ang istorya ng Isla ay iikot sa isang grupo ng magkakaibigan na magba-bakasyon sa isang remote paradise island na kung saan isang ’di maipaliwa-nag na kaganapan ang kanilang haharapin. Walang ibang suspect. Lahat ay may motibo.

Abangan kung papaanong unti-unting nasiwalat ang mga sikreto at misteryo sa Your Song Presents Isla sa ABS-CBN pagkatapos ng ASAP XV.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES