Collection of Kapamilya news/videos from the Philippine Star
Abante-tonite, Philippine Daily Inquirer, Journal Online
Pilipino Star, The Freeman, Sun-Star Daily, and all solid Kapamilya blogs.
All videos and photos used here are produced and copyright by their respective owners.
Posting of videos and photos is for blogging purposes only. Read disclaimer below.
Would you like to see your PHOTOS with ABS-CBN stars posted here?
Send them in: topratingblogs(at)gmail (dot) com.

Monday, March 15, 2010

Jason Francisco ng ‘PBB Double Up’ naglayas!

HINDI nakasama sa kauna-unahang provincial tour ng PBB Big 5 ang boyfriend ni Melay Cantiveros na si Jason Francisco nu’ng Sabado sa Legazpi City dahil lumayas ito sa Bahay ni Kuya at hindi mahagilap ng staff.

Ayon sa aming source, umalis ng PBB house si Jason nu’ng Biyernes na hindi nagpapaalam sa staff. Ang kutob ng mga staff, umuwi ito ng Mindoro kasama ang kanyang ina para puntahan ang mga kamag-anak na matagal na niyang hindi nakikita.

At dahil naglayas nga si Jason, hindi rin siya nakasama ng PBB Big 4 na sina Melay, Johan, Tibo at Paul Jake sa birthday ni Direk Lauren Dyogi sa Ferndale nu’ng Biyernes ng gabi.

Saturday, bandang 2 a.m. ay tinatawagan pa rin ng PBB staff si Jason, pero hindi nito sinasagot ang telepono.

Kahapon ng umaga ay umuwi na si Jason sa PBB house in time para naman sa second provincial tour nila sa Pacific Mall ng Lucena City bandang 4 p.m.

Sobra naman ang naging pag-aalala ni Melay sa pagkawala ni Jason. Hindi rin kasi ito nagpaalam sa kanya. Nag-worry rin ang dalaga sa problemang kakaharapin ni Jason if ever na hindi agad ito bumalik ng PBB house.

Sa birthday party ni Direk Lauren, halata ang kalungkutan sa mukha ni Melay dahil hindi niya kasama ang kanyang Sweetypie. At least ngayon, magkasama na ulit sila.

Meanwhile, sa March 16 ay nasa Davao naman ang Big 5 para sa Araw ng Davao at sa March 20 (Sat.) ay nasa Boracay naman sila.

[via]

Labels:

Subscribe to Post Comments [Atom]

0 Comments:

Post a Comment

<< BACK to HOMEPAGE for MORE STORIES